On To Luneta Park In Weekend Afternoon

42 0 0

The song for this feature chapter is Sugar by Maroon 5, as Gracielle and her father dance together near a bench in Luneta Park while playing a music on her smartphone.

********************

GRACIELLE TUNDANGAN POINT OF VIEW

Dahil mahirap daw maghanap ng paparadahang sasakyan papuntang Luneta Park na kung saan matatagpuan ang istatwa ni Jose Rizal, nagpasya ng mag-ama namin na mag-commute na lang kami sa pamamagitan ng pagsakay ng dyip dahil mas mura ang pamasahe kaysa mag-taxi kami. Bukod sa Google Map na slightly updated lang, buti na nga meron naman din ang isang app sa smartphone ko na ang layunin nito ay ang guide kung paano kami pwede sumakay ng dyip na nakapaskil ang destination na taga-Maynila na patutunguhan para makarating kami sa pamamasyal namin doon tulad ng nabanggit ko.

Naka-ilang pagbaba at pagsakay namin sa dyip, at sa kabila na hindi lahat ng naturang dinaraanan nito patungong Maynila ay makakarating sa Luneta, naglalakad na lamang kami doon. Nakaeehersisyo talaga maglakad, 'di ba? Dahan-dahan lang kumilos habang nagkaakbay kami, baka kasi mapagod pa ang daddy ko nang dahil sa katandaan niya, mapa-tuhod man o sa puso niya.

"Kaya pa po ba, dad?" ang tanong ko kay daddy ko.

"Kayang-kaya ko pa, anak," ang sagot ng daddy ko. "Kaiinom ko lang ng supplement para sa tuhod ko at supplement para sa puso ko."

"Talaga?" ang sabi ko nang may buong pagtaka ko. "Saan mo po nalaman ang pagsu-supplement mo?"

"Sa kasamahan ko sa ospital na ipinagbilin nila sa akin, anak," ang sagot ng daddy ko, "kasi baka nila nalaman na nabasa sa diyaryo, makinig sa radyo, o manood ng TV ang ads nito. Buti na nga pinayagan naman ang pag-take ng gamot nito dahil ligtas naman."

Ilang kilometro na lang bago makarating kami sa Luneta. Minsan lang ako sumusulyap sa paningin ko ang ilang katao na naglalakad sa lansangan: maging mga lalaki at babae na nagmamahalan, mga ama't-ina na mag-bonding ang kanilang anak na batang babae, may mga batang naglalaro, at mga kabataang babae na nagkatuwaang nag-uusap sa isa't-isa.

Unti-unting nagbabago na ang kapanahunan ngayon sa iba't-ibang bahagi ng Lungsod ng Maynila, may mga alaalang nakatatak sa kanilang kinagigiliwan sa pamamasyal nila lalung-lalo na sa pag-picture taking. Noon dati, 10-second auto-shoot gamit noon ang film photo camera na nakakabit ng tripod para mag-pose kahit walang cameraman, pero ngayon uso na ngayon ang pag-selfie gamit ang digital camera.

"Minsan ka po bang nag-jogging noon sa Luneta, dad, tulad nang nakika ko ang lumang colored picture mo po?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo anak," ang sagot ng daddy ko, "dito ako naroon kasama ang mga kasamahan kong mga lalaki noong binata pa kami nang nag-aral pa ako noon sa kolehiyo." 

"Sa anong layunin mo po sa pag-jogging?" ang tanong ko sa kanya na pangalawa.

"Sa pagsali ko noon sa marathon running," ang sagot niya. "Minsan lang ako pinagtitiyaga na sumali nito ng isang taon kahit hindi pa mapalad na maging first-runner up, pero naka-eehersisyo talaga. Tignan mo ako, payat at maskulado pa rin ako, at saka malakas pa ako, 'di ba anak?"

"Oo nga po, e," ang sagot ko sa kanya nang nagkangiti na nga ako nang tuluyan, "pwera na lang kahit disente ka pa rin po."

"Tsk, sa palagay ko lang," sabi ng daddy ko, "ano kung sa tingin mo ba minsan ako naging macho dancer noon? Siyempre 'di ko kaya gawin 'yan, baka ma-curious mo sa akin nang tuluyan!"

Natawa ako nang kaunti. "Hindi naman siguro po," ang sabi ko, "pero open naman ako sa hitsura mo po ngayon gaya nang dati, at hanggang ngayon dahil mabait ka pa rin po sa akin hindi ka po nagbago."

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!