My Daddy's Cassette Tape In Good-Old Youthful Years

35 0 0

DADDY BERNARDO TUNDANGAN POINT OF VIEW

Dahil ako'y tao lamang sa pakikipagkapwa ng bawat isa, minsan akong natuto kung ano ang tama na dapat akong gampanan kaysa sa mga bagay na mali nang nagtiyaga ako nag-aral noong binata pa ako, upang sa gano'n ay may maluwag na pagtanggap ng aking mga magulang. Sa awa ng Diyos, dahil tumanda na ako bilang ama na 48 years old sa ngayon, ay pinahahalagahan ang aking mga pangarap na hindi talaga ako bibitiw nito na baka ako matitisod ng mga 'di kaaya-ayang landas.

Sa loob ng mahabang panahon nang ako'y nanungkulan bilang isang psychologist, minsan akong nagtiis ng pagod at hirap na naranasan ko na kailangan kong pagtitiyagaan. Hindi madali ang gawain ko nito kundi kailangan talaga ng masinop at maagap sa pagsisiyasat ko sa mga pasyente na kumukunsulta nila sa akin base sa pinag-aralan ko noon. Dahil private hospital ang pinapasukan ko, ang bilang kapalit ay ang pagtataglay ng malaking sahod para sa pag-aaral ng aking anak na si Gracielle. Sana nga naipangako ng aking anak na tutularan niya talaga sa aking kasalukuyang hanapbuhay at pagtitiyagaan talaga ang ganitong mabubuting pangangailangan na walang sagabal.

********************

Pagsapit ng ala-dos y medya ng hapon, puspusan akong naghihikayat at naisaayos ang mga dokumentong nagawa ko sa mga pasyenteng komunsulta nila sa akin.

"Doctor Tundangan," sabi ng isang babaeng nars, "may magkokonsulta ng isang taong may schizophrenia."

"O sige," sabi ko sa kanya, "pupuntahan ko kaagad dahil may inaasikaso ang mga dokumento."

Ilang minuto, nagtungo ako sa isang twenty-something years old na babaeng pasyente na may sakit na isip na schizophrenia. Habang ako'y nagsisiyasat ang kalagayan ng isip niya sa pamamagitan ko ng psychological testing bukod sa pag-CT scan sa utak niya, minsan akong tinanong sa pamilya niya kung bakit siya nagkaroon nito, at ang ugat ng kaso nito ayon sa sagot nila ay dulot daw ng paghihiwalay ng boyfriend niya. Kawawa naman ang dalagang ito. Kaya bukod sa inireseta ko ng gamot para sa kanya pati na ang mental rehabilitation session, pinapayo ko sa kanila na bantayan at alagaan naman ang kalagayan niya.

********************

Malapit na matapos ang takdang oras ng duty ko. Bago ako umuwi dahil sumapit na ang gabi na baka nag-aalala ang anak ko, minsan akong pinatugtog ng sarili kong built-in speaker na music player na ipinatong ko sa desk na The Promise ng bandang When In Rome. Dito nagsimula ang pagbabalik-tanaw ng aking buhay nang nabubuhay noon ng aking kabiyak na si Rosanna.

*** START OF FLASHBACK ***

Nineteen years old pa ako noon. Habang sumapit ang break ng pinapasukan ko sa kolehiyo, inilabas ko ang audio cassette tape player at headphone sa bag ko at dito lang ako nailantad sa labas ng campus. Nang nakikinig ako ng music na The Promise ng bandang When In Rome bukod sa ibang tugtugin ng New Wave Music ng dekada '80s, nakita ko ang lungkot ng mukha na si Rosanna na kaklase ko rin nang tumangbad kung saan. Eighteen years old siya, napakaganda ang itsura, pero bakit? Pinalapit ko siya para magtanong.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!