In The Family Videoke Room Arcade

19 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN SIDE STORY

Ano nga ba kayang klaseng diskarte ang maaliwan kaming mag-ama kasama ang boyfriend ko sa tuwing magkakantahan kami sa isang videoke room ng isang sikat na video game arcade chain sa mall na didiretso na kami ngayon? Maganda nga ba kaya ang pagkanta ng daddy ko, o kaya nga ba ako at ang boyfriend ko na mahihigitan ang kalidad ng pagkanta namin sa naturang lugar? Iyan ang kailangan kong malaman sa susunod na kuwentong ito.

Mga bandang alas-otso na pala--isang oras na lang bago magsasara na ito--nang nakadiretso na kami sa mall mula sa nakadestino ako sa simpleng victory party namin sa isang fastfood chain, mahigit tatlungpung minuto ang paglakbay namin gamit ang sasakyan na dala ng daddy ko. Nang nakababa na kami sa sinasakyan namin sa paradahan ng sasakyan, at habang naglalakad kaming nag-uusap patungo sa mall entrance, minsan kong naiisip sa concern ko sa kinikilos ng daddy ko na balak daw mamasyal kami sa naturang lugar, kahit sa matinong kailangan lang.

"Daddy," ang sabi ko, "sigurado ka po ba sa binabalak mo para maaliw tayo roon?"

"Pero doctor Tundangan," ang habol na sabi ng boyfriend kong si Jomart, "kahit pinayagan mo akong makasama si Gracielle para mamasyal tayo, may katuturan nga po ba ang binabalak mo?"

"Huwag na kayong mag-aalala," ang sagot ng daddy ko, "kahit nag-aaral pa kayo na kailangan ninyong paghusayan pa, minsanan lang itong maaliwan ninyo kahit sa maliit na bagay lang."

"Tulad ng magkantahan po tayo?" tanong ni Jomart.

"Oo," ang diin ng daddy ko, "na sa halip na magpipindot kayo sa iba't-ibang video game machine na puro bayolente, mas nakakabuti na magkantahan na tayo."

"Maganda nga po ba ang kinakantahan mo po noon?" tanong ni Jomart.

"Minsan oo," ang sagot ng daddy ko, "dahil nagsali na rin ako sa isang singing contest ng campus namin noon nang nabubuhay pa ang girlfriend ko noon bilang asawa ko na namayapa na. Kayo, magaling nga ba ang pagkanta ninyo?"

"Ako 'di po gaano pa maganda," ang sagot ni Jomart.

"Ako lang po maganda ang pagkanta ko," ang sagot ko, "kasi mahilig akong makinig ng music sa MP3 player ko."

"Talaga?" ang mangha na sabi ni Jomart sa akin.

"Eh kahit naadik kang makinig ng music, sa palagay ko lang nilalamangan mo pa ba sa maliit na diskarte ko sa pagkanta?"

"Teka, teka!" ang sabi ko sa kanila. "Bago po tayo dumiretso sa videoke room, ba't 'di subukan muna tayo sa visual dance sync video game machine na ang title nito ay 'Just Dance'?"

"Ano?" ang pagtaka na sabi ng daddy ko. "Meron bang gano'n?"

"Opo," ang sagot ko, "madali po 'yon. Sa halip na de-pindot tulad ng sinabi mo po kanina, sundan mo lang po sa video na kailangan mong sumayaw. Nakakaehersisyo po talaga ito, kaya naliban po ako nasubukan."

"Pwede," ang sabi ni Jomart sa akin, "eh kaso baka hindi na tayo makahabol ng oras dahil malapit nang magsara mamaya."

"Oo nga, noh?" ang hinayang ni Jomart sa akin. "O sige, sa susunod na lang, basta sumunod na lang tayo sa balak ng daddy mo."

********************

Nagtitiyaga kaming umakyat sa loob ng mall sa pamamagitan ng pagtuntong ng escalator mula ground floor hanggang fourth floor hanggang makarating sa isang sikat na video game arcade chain. Sayang lang na kakaligtaan ko na sanang tumuntong sa Just Dance para masubukan kaming mag-ama na mag-exercise sumayaw, dahil kapos na ang operating hours nito.

Nang nakabayad na kami ng token counter gamit lamang ngayon na e-token card swap sa halip na token coin noon, pumasok na kami sa videoke room na naka-sound proof pa para hindi makarinig ng ibang bakanteng videoke rooms. At nakaupo na kaming tatlo.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!