*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

On The Covered Sports Court Conversation

26 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN SIDE STORY

Araw na ng first quarter ng school exams. Ang mga mag-aaral, puspusan na nilang mapaghandaan ang pag-review ng mga pinag-aralan nila, lalung-lalo na ako pati ang kaibigan ko at ang boyfriend ko. Minsan nahihirapan akong makasagot sa mga questionnaires na hindi ako kabisado sa pinag-aralan ko lalung-lalo na sa Math, habang si Jomart naman bihasa siyang nakasagot ang Math quiz nang tama. Nang sumunod ang ilang araw, halos mahigit 3/4 kada limangpung questionaires ang nakasagot ko ng tama sa lahat ng subjects, habang si Jomart naman, runner-up lang siya na kabilang sa top five top-notch standings.

Pagkatapos ng exams, abalang-abala na ako sa pagsali ng swimming competition. Kahit inisantabi ko ang pagiging kampante sa iniisip ko kung may pagkakataong mananalo ako, ang nararapat kong gawin ay ang pagpapabuti ang kondisyon ng pangangatawan ko na may sapat na flexibility at strength para mapabilis ang paglangoy ko kaysa sa kalaban kong swimmer na puspusan nilang napaghandaan. Pero bago ang nasabing kumpetisyon, nag-iisa lang ako nagsanay sa pool ng bahay namin araw-araw kasabay ng minsanang swimming lesson sa school namin. Kinokontrol din ang kinakain ko para pumayat.

Kung sakaling mananalo ako bilang first placer, pagkakaon ko na ring maimpress ang daddy ko na matagal lang siya pinangarap. Pero noon pa man, dahil sa kanyang pagmamahal at kabaitan sa akin minsan tinanggap ng daddy ko sa pagkatalo ko sa nagdaang swimming competition. Try and try again until succeed, ika nga.

Oras na ang swimming competition namin. Nakadiretso na ako sa covered swimming court ng isang community sports complex na pag-aari ng local government at nagbihis pa ako ng one-piece female sport swimsuit. Pumila pa ako ang mga female swimmers at lumakad na kami papuntang pool. Kahit wala pa ang daddy ko dahil sa abala niyang trabaho, ang mga manonood ay nag-cheer na silang nagsisigawan, pati na rin ang kaibigan kong sina Rachelle at Berielle. Ang mas mahalaga, dapat mag-focus ako sa abilities ko.

Nakapwesto na nang maayos pagkatapos ng sarili naming pag-warm up. Sabay na kaming lumuhod na nakatayo na naitapat sa kamay at paa namin. Tumunog na ang digital beep bilang go ang paglangoy namin. Ako na nga pala ang mas naunang tumalon sa pool kaysa sa iba. Unti-unti akong bumilis ang paglangoy ko hanggang pinagtitiyaga kong tapusin na maabot sa finish line. Sa paghanga ng sarili ko, first place na nga ako!

Nang nakasabit na ako ng gold medal sa leeg ko pagkatapos ng award ceremony, nag-aalala ako kung anong nangyari kay Jomart sa pagsali niya sa basketball competition sa school namin. Napabalitaan ng ilang kasamahan sa akin na natalo na pala ang basketball team ng school participation namin na kung saan nakapwesto si Jomart.

Sa pagpasok ko sa covered basketball court ng isang community sports complex, nakita kong nakaupo ang boyfriend kong si Jomart pagkatapos iniwan na ang kanyang kasamahan pauwi. Dahan-dahan lang akong lumapit sa kanya at nakaupo ako na katabi ko siya sa kabilang pwesto ko. Sa pagmamasid ko, tila nahihinayang na siya sa pagkatalo nila.

"Jomart," ang mahinang tinig na sabi ko. Hindi kaya umimik niya sa akin?

"Bago 'yun," ang dugtong na madalang sabi ko kay Jomart, "nanalo na ako bilang first place kanina sa swimming competition, naka-ginto na ako sa medal na suot ko."

"Talaga?" ang ngiti na sabi ni Jomart. "Wow, congrats, ha? Ang swerte mo pa."

"Oo nga, eh," ang sabi ko, "nagtiyaga akong mag-isa sa sarili kong diskarte sa pagsasanay ko para maging flexible ang pagbilis ng paglangoy ko, pati ang pag-kontrol ng pag-diet ko."

"Huh?" ang pagtaka ni Jomart. "Hindi ka ba napapanipas ng gutom?"

"Konti lang," ang sagot ko, "pero kahit may sustansya ang kailangan ko tulad ng kumain ng gulay at prutas, binabawasan ko lang 'yung carbs at mamantika."

"Wow," ang bulalas ni Jomart, "parang expert ka sa nutrition expert, pero sa palagay ko kakaiba talaga ang pag-inform ang iniisip mo, lalung-lalo na sa talino ng daddy mo."

"Oo nga eh," ang sabi ko, "pero sa totoo lang, may kaunting purol ang memorya ko."

"Ha, ha, ha, ha!" ang bulong na tawa ni Jomart. "Pambihira, pero sa totoo lang nagtiyaga ka pa lang mag-aral nang maigi nang mag-isa, pwera na lang kung wala kang balak magkumpetensya sa mga top notchers na estudyante sa school natin tulad ko."

"Eh kampante ka bang mag-maintain 'yung pagiging top notcher mo?" ang tanong ko.

"Oo naman," ang sagot ni Jomart. "Kung nakapagtapos na ako, ang kukuha kong kurso ay engineering, kasi ang daddy ko nagtrabaho siya bilang meteorologists. Ikaw, anong naman ang kurso mo?"

"Ako?" ang marahang hibang na sabi ko. "Eh, wala pa akong matiyak na kung makapagtapos sa pag-aaral ko, hindi ko maisip kung anong kurso ang maikukuha ko sa kolehiyo, pero sa palagay ko baka maihalintulad ang pagpasok ng kurso ng daddy ko noon. Noong bata pa ako, ang sabi ko na gusto ko na maging duktor ako. Kung sakali sa palagay ko, ang posibleng duty ko ay magiging pediatrician, pero sa takdang panahon na lang ako magpapasya."

"At kumusta naman 'yung daddy mo?" sabi ni Jomart.

"Masaya siya," ang giit ko, "dahil nalaman niya na nanalo ako sa swimming competition."

"Eh may blowout ka pa ba sa pagkapanalo mo sa swimming competition?" ang sabi ni Jomart.

"Mamaya," ang sabi ko, "pupunta na ako sa isang fastfood chain na kung saan naroon ng kaibigan ko para sa victory party ko. Hindi ko alam kung anong inihain na snacks para sa kasamahan namin, pero noong bata pa ako, fried chicken ang blowout na inihain ng daddy ko nang nanalo ako sa quiz bee."

"Gano'n?" ang sabi ni Jomart. Tapos nahikab siya. "Haaay, ang hirap talaga makahabol ang pagkuha ng puntos ng team namin sa basketball, kasi ang lalakas ang taktika ng kalaban namin."

"Huwag mong sabihin tinatamad kang maglaro kaya nagtalo kayo?" ang bulalas ko.

"Hindi, ah!" ang sabi ni Jomart. "Pinagtitiyagaan kaming nagsanay bago maglaro, pero sa akala mo, base sa pagkaobserba ko sa kalaban namin sa basketbol, ang tatalas silang gumalaw para makalusot ng bola sa ring kahit mahina ang depensa namin."

"Sigurado ka ba sa sinabi mo na nahihirapan kayong dumepensa?" ang reklamo ko.

"Oo nga, eh!" ang na-stress na sabi ni Jomart. "Baka naman kinukulit mo pa ako na sinungaling ang sinabi ko?"

"Hindi naman gaano," ang sabi ko, "pero concern ko lang sa abilidad sa paglalaro mo ng basketbol, baka naman maaksidente ka!"

"Nag-iingat ko lang," sabi ni Jomart, "pero sa susunod gagaling ko pa ang taktika ng paglalaro ko, para hindi ako mapahiya sa suporta ko. O siya, kailangan muna akong umuwi, pero susunod na kitang pumunta sa victory party n'yo mamaya."

"Okay," ang sabi ko, "promise mo 'yan, ha? At saka bawal talaga mag-PDA dito."

[AUTHOR'S NOTE: PDA means "public dislay of affair".]

"Ano?" ang hinayang na gulat na sabi ni Jomart. "Ba't subukan na lang nating mag-holding hands o magyakapan dito? O 'di kaya mag-nose-to-nose sa halip na mag-kiss ng lips natin."

"Mmm, tsk, pwede," ang palagay na ko sa kanya, "basta magkaibigan lang tayo muna, ha?" At sabay kaming mag-holding arms para sabay kaming umuwi.

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!