Depressed Social Network User Girl

4 0 0

DADDY BERNARDO TUNDANGAN POINT OF VIEW

Wala akong kaalam-alam na kung paano gumamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalabas ng ukol sa gawain o saloobin ng pribadong buhay ng tao na tinatawag na social media na matatagpuan sa Internet sa computer. Dahil ang priority ko lang ay ang masusing pag-aaral ng iba't-ibang kalunasan ng iba't-ibang sakit sa pag-iisip ng tao, nakasanayan ko lang sa pagbabasa ng iba't-ibang artikulo sa medical magazine at pati na ang makabuluhang pagsusulat o typewritten na formal profession letter, kaysa naman sa pagtutok ng social media posts na hindi nakakasiguro kung mabuti man o masama ang nilalaman ng interactive posting. Sa ibang salita, sa makaluma lang ako ginawa nito kaysa sa makabago, dahil ang paniniwala ko lang na pinahahalagahan ko lang ang kakayahan na gumamit ng sapat ng isip at gawain na nadarama ko.

Noong ilang linggo, may isang tinedyer na babaeng pasyente na kasama ang magulang niya ang dumudulog sa akin, dahil ang babae na ito ay nagkaroon siya ng depresyon nang dahil sa pinapansin niya ang matinding panlalait ng iba't-ibang social media posts, na sinasabi umano na masyado daw pagtatalak ang pala-palagay na sinabi niya na walang katuturan sa social video post niya. Kaya nagawa ko ng paraan para ipinagbilin ko sa kanya na umawat muna siya sa paggamit ng social media para hindi lumala ang mental na sakit niya at nang sa gano'n ay madaling gumaling na siya sa pamamagitan ng theraphy na isinasagawa ng lehitimong phychiatrist. Subalit may maraming araw ang dadaanan para malunasan ang kanyang mapaminsalang kamalayan.

************************

Sa loob ng aking tahanan na nakaupo ako sa sofa, binabasa ako ang iba't-ibang report catalogue na ukol sa mga kalagayan ng mga pasyente na may kinalaman sa iba't-ibang mental na sakit, kabilang din ang depresyon ng isang babaeng tinedyer na kinukonsulta noong isang araw. Ang anak kong si Gracielle ay bumaba kaagad sa hagdangan nang nakita niya ang ginagawa ko.

"Dad, anong ginagawa mo po?" ang tanong niya sa akin.

"Ah—" ang marahang pagkabigla ko nang uupo na si Gracielle sa sofa. "Sa pagbaba mo, baka naman pinapakialam mo pa sa binabasa kong logbook, kaya hindi ka muna sanang malaman pa dahil confidential talaga ito."

"Pasensya na po," ang mababang tinig na sabi niya, "pero nag-alala lang ako dahil baka nag-stress ka sa abala ng ginagawa mo po ngayon."

"Huwag kang mag-alala, anak," ang pagtanggol ko, "sinisigurado ko na iniingatan ko talaga, kahit na minsan lang ang nararapat kong gawin base sa mga kung anu-anong nilektyuran na healthy diet at eherhisyo na nalaman ko noon, lamang kung may tamang lugar ang kahihinatnan nang ganito."

"Pambihira naman po, dad," ang sabi ni Gracielle, "pero naaalala mo po ba nang bata pa ako noon sabay po tayong nag-jogging sa park para pumayat ka po nang husto? Sa tuwing nag-bonding po tayo nang ganito, tila bumabait nga tayo nang lubusan, kahit na may pinagdaanan po nating mga mabubuting bagay na kailangang pagsumikap nang ganito."

"Mabuti naman," ang sabi ko, "pero may nagawa ka bang assignment? O baka naman na nag-Internet ka lang sa social media na minsan ngang may nag-bash o nag-troll laban sa 'yo?"

"Huh?" ang pagtaka ni Gracielle. "Eh paminsan-minsan lang po ako ginagamit, pero ni wala akong nakitang nag-post ng paninira nila sa akin, kasi nga tanging kaibigan at kaklase ko lang ang nirerespeto sa akin."

"Gano'n ba?" ang sabi ko. "Pero sana nga, 'wag namang mangyari sa 'yo, katulad nito sa isang dalaga na na-depressed siya dahil sa pinapansin niya 'yung mga nag-troll at nag-bash laban sa kanya na sinasabi nila na naiingit sa pagkamahinhin siya. Kaya nga, ipinagbilin ko sa kanya na umawat muna siya sa pag-Internet sa social media, pati na ang ipinagbilin ko sa pamilya niya na bigyan naman ng suporta para mai-recover siya."

"Kawawa naman," ang mahinang tinig na sabi ni Gracielle. "Kung sana naman, dapat na lang siya na alagaan ang sarili niya, kaysa naman na maapekto sa walang kabuluhan na pinaniniwalaan nila na walang respeto."

"Hayaan mo na lang," ang mahinang tinig na sabi ko, "ganyan lang talaga ang kani-kanilang masasamang kulay ng timpla na pinaniniwalaan nila nang dahil sa pawang nadarama ang inggit at ganti na wala silang sapat na awareness sa ukol sa tamang pakikipagkapwa-tao sa panahon ngayon. Sa kabila nito, kinakailangan na ang may mabubuting-loob ay tibayin ang kanilang kalooban at harapin ang anumang bagay na nabanggit sa matinding pagsubok sa buhay sa panahon ngayon."

"Ang lalim ng paliwanag mo po, dad," ang sabi niya, "pero kung ganito ang kahahantungan nito, eh 'di 'wag na lang po siyang magdusa nang lubusan kundi mag-pray na lang kay Lord God para lumakas naman ang pananalig niya."

"Gano'n na nga," ang sabi ko, "pero hindi talaga madali kung paano niya maiibsan ng sakit na nadarama niya ngayon. Kaya ipinagpatuloy pa akong ini-monitor ang kalagayan niya ngayon kung lulubha pa o hindi."

"Ano po kaya kung subukan kong maging psychologist ako tulad mo?" ang tanong niya na tila nalulungkot ang nadarama niya. "Hindi po kaya madali 'yung pag-analyze ng kalagayan ng memorya ng isang pasyente? Kasi nga po, ibig ko sanang matulungan siya."

"Naku, anak," ang sabi ko, "nasa sa 'yo ang responsabilidad mo na kailangan mong pag-isipan maigi kung kaya mong pag-aralan ang isang uri ng mabuting propesyon na katulad ko ngayon. Balang araw, ang pinakaunang hakbang ay dapat pahalagahan ang iyong buhay para matagumpayan na ipinapangako mo ang iyong pinapangarap noon."

************************

GRACIELLE TUNDANGAN POINT OF VIEW

Ano kayang kapalaran ang nadarama sa buhay ko ngayon pagkatapos nang nalaman ko ukol sa buhay ng isang babae na na-depressed siya sa mga nag-troll, bash, at hate sa social media na ikinuwento ng daddy ko na siyang nag-analyze ang mental na kalagayan na nabanggit na babaeng ito? Kahit na nalakaawa ako sa babae na tumitindi ang mga pagsubok at pagdurusa na mga bagay na ito sa kanya, ano kung ang pangamba ko ay matutularan ko rin ang ibang pasyente na may depresyon sa iba't-ibang kadahilanan na naranasan nila, dahil habang nabubuhay ako ay nauulila pa rin ako ang pagkamatay ng mommy ko?

Buti na lang ay pumayag ng daddy ko na makadalaw ang babaeng pasyente para magkumusta ang kalagayan niya ngayon pagkatapos akong humingi ko ng pahintulot sa daddy ko bilang psychologist. Pero bago ako makatungo sa pagdalaw ko sa babaeng pasyente, ipinagbilin ng daddy ko na kalilangang sumunod ng alituntunin na kung papaano ang tamang pagtrato sa pagdalaw ng iba't-ibang mental na sakit na pasyente sa loob ng ospital, dahil masalimuot ang paiba-iba ang mental behavior nila kahit na kailangan lamang akong maging mabait at mapakumbaba.

Nang sumunod ng ilang araw, sumama ako sa daddy ko papuntang ospital na kung saan siya pumasok bilang isang psychologist doctor. Pagkatapos ay nakapirma ako ng record book para sa nakatakdang visiting hours sa pagkikita ko sa isang babaeng pasyente. Sa pagpasok ko sa isang malaking silid na pumapaligid ang iba't-ibang pasyente na may iba't-ibang malubhang mental na sakit, may nakita kong isang babae na nakaupo sa isang mesa na halos tulala, malungkot, at matamlay na nadarama niya. Kaya unti-unting lumalapit at humahakbang ako sa kanya hanggang nakaupo na ako na kaharap ko na siya.

Upang mapahinahon siya sa mataimtim na pagharap ko sa kanya, hinahawakan ko ang dalawang kamay niya at nagsimula akong makapagsabi sa kanya na may mahina at mapakumbabang tinig.

Miss, nalalaman ko talaga sa pinagdaanan mo noon. Sa kabila nito, lahat tayo ay dapat maging matatag kahit na nahaharap sa mga matitinding pagsubok na humahadlang sa atin. Ang mas mahalaga ay hanapin lang natin ang ilan sa kanila na may tapat na pagmamalasakit sa atin, dahil nagbibigay talaga ng lakas na nadarama natin. At kahit na inibsan ko talaga ang pag-ulila ng mommy ko sa tulong ng daddy ko, nalalaman ko na tanging pag-asa lang ang namamayani sa atin. Kaya miss, huwag na sanang padadaig ang naaapi sa 'yo kundi kailangan mong matutong maituwid ang landas mo ngayon. Balang araw, kung babaguhin mo pa sa pagkatao mo ngayon, maaaring handa raw silang mapagkakatiwalaan sa 'yo. Dahil mabait talaga ako sa 'yo, handa ko na ring makipagkaibigan sa 'yo sa takdang panahon.

Tila biglang lumuha ang aking mga mata kahit na sandali lang ang ipinapayo ko sa kanya, kaya hindi ko pa pahahabaan ang taimtimang pahayag ko sa kanya.  Niyakap ko siya nang lubusan bilang isang paggalang at lubos na pagmamalasakit ko sa kanya.

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!