The Unexpected Gracielle's Dad To Bought Jomart

14 0 0

JOMART'S POINT OF VIEW

Mayroon kayang saloobin ng aking magulang nang malaman nila na may kinalaman daw sa pagsasama ng girlfriend kong si Gracielle at ang pakikisalamuha ng daddy niya sa amin? Kung may maluwag na pagtanggap ng magulang ko na handa na raw sumuporta si Gracielle nang dahil sa kabutihang-loob niya para makipagkaibigan ko sa kanya, ano kaya ang maging kapalaran sa anumang uri ng hamon na nadarama namin sa isa't-isa? At para mapatunayan na may mabuting karanasan an aming nadatnan na may tapat na tungkulin, pupurihin kaya ang magulang ko sa amin?

Pansamantala muna akong maisantabi ang pagsasama ko si Gracielle na kasalukuyang nag-review daw siya para sa last periodic exam namin, dahil isinasikaso kong matulungan ng babaeng kaklase namin na mag-review sa pamamagitan ng pag-tutor ko ng Science at Math, dito mismo sa labas sa labas ng school namin na kung saan nagkaroon din ng isang event na teen magazine na katatapos pa lang. Buti na lang na ang naturang babaeng kaklase namin ay nagtiwala sa akin dahil sa nag-aralan ko nito.

Pagkaraan ng ilang oras kong pag-tutor ko sa kanila bago sumapit ng dapit-hapon, isang babae na nagngangalang Rochelle, 15 years old na taga-3rd year, ay nagkasalubong sa akin habang naglakad ako.

"Kuya Jomart!" ang tawag ni Rochelle sa akin. Nang hindi ako umimik sa kanya, ay nagpatuloy siyang sinabi, "salamat sa pagtutor sa amin, kasi hindi kami gaano kaganang mag-aral ng Math at Science, pero napasyahan namin na pagtiyagaan na lang para gumana naman 'yung utak namin."

"Walang anuman, miss," ang sabi ko, "pasalamat na lang na pareho tayong tinututukan 'yung pag-aaral natin para may pakinabang man lang. Alam mo ba na matagal na akong pumasok sa isang learning tutor service noong bata pa ako?"

Biglang humarap ni Rochelle sa akin na parang hinarangan na ako na inawat pa akong maglakad, at sinabi niya sa akin, "Teka nga pala, kumusta nga pala si ate Gracie na girlfriend mo?"

"Ah-paano mo nalaman, miss?" ang pagtaka ko. 

"Nabasa ko talaga sa Facebook page ng girlfriend mong si Gracielle," ang sabi ni Rochelle, "at nakita ko sa selfie pics niya na nagkasama kayo kina Gracie at ang daddy niya." 

Matagal nang nakikisalamuha ng daddy ni Gracie sa amin," ang sabi ko, "at ewan ko nga ba kung ano ang motibo ng daddy niya sa akin na para nga bang bantay-sarado siya kung nagbalak kaming manligaw."

"Anong trabaho ng daddy niya?" ang tanong niya.

"Isang psychologist siya," ang sagot ko, "kasi ito lang ang napasukan niya para matulungan ng mga taong may sakit sa pag-iisip. Ang sabi ni Gracie sa akin, ayon sa kanya, bihasa raw siyang nagpag-aralan ng bagong tuklas sa ibang experto, kahit limitado lang siyang magtuklas sa sa sarili niya ng kung ano ang panibagong uri ng sakit sa pag-iisip ng mga tao at kung ano ang posibleng kalunasan para rito."

"Wow," ang sabi ni Rochelle, "ang lalim ng paliwanag mo. Kung makatapos ng pag-aaral ni Gracie, posible kayang gagayahin ng daddy niya?"

"Hindi ko nga alam," ang sagot ko, "pero ayon sa kanya, ang pangarap lang niya ay maging pediatrician daw siya."

"Pediatrician?" ang duda niya. "Sa palagay mo sigurado nga ba siyang matahak 'yung pinapangarap niya depende sa pinag-aralan niya?"

"Siyempre naman," ang palagay na sagot ko, "hindi lang si Gracie na inaabala niya, kundi tayo rin kung ano ang ipinapangako natin nang ganito. Kaya nga, eh, kailangan pa talagang magsumikap, eh."

"Kung ako ang tatanungin," ang sabi niya, "ano ang pinapangarap mo?"

"Aah, eh, ano," ang isip ko, "maging engineer ako sa pagawaan ng sasakyan, tulad ng pag-modernize ng jeepney natin ngayon."

"Wow, ha?!" ang usisa niya. "Eh posible kaya 'yon, kahit sa totoo lang hindi kadali maglabas ng pondo para gumawa nito?"

"Oo nga, eh," ang sabi ko. "Eh ikaw naman?"

"Ako," ang palagay ni Rochelle, "maging accountant lang ako."

"Good," ang sabi ko, at nagpatuloy akong maglakad habang tutungo na ako sa gate, "pero kailangan mo pang maiehersisyo 'yung memorya mo, kasi kung magtiyaga kang mag-aral ng Math, lalung-lalo na kung subukang gumamit ng abacus, mahahasa talaga 'yung memorya mo."

"Naku," ang bungisngis na sabi niya, "gagamit ko pa ng abacus na magmukha pa akong Intsik? Eh kalokohan lang 'yan, eh!"

"Kalimutan muna 'yung haka-haka na 'yan," ang sabi ko sa kanya, "pero ang mas mahalaga, magandang theraphy daw ang paggamit ng abacus para tumalas ang memorya mo kaysa gumamit pa ng calculator."

"O sige, bahala na," sabi niya, "pero susubukan ko lang. 'Di ko hiyang kasi nang ganito, eh."

"O siya," ang sabi ko, "sa susunod na tayong magkita, at ipaalam mo rin ng ibang kaklase mo."

"Oo, kuya Jomart," sabi ni Rochelle, "at good luck naman 'yung na-miss mong si ate Gracie, kahit maganda pa rin siya tulad nito sa teen mag na hawak ko."

Nandito na pala sa picture ng girlfriend ko sa naturang teen mag? Nakapagtataka. Sa palagay ko lang one-time lang siya nag-guess sa issue nito, ilang buwan na nakalipas.

Nang naghiwalay kaming maglakad habang kinakapiling ang mga babaeng kaklase ni Rochelle, nakasalubong pa ako ang daddy ni Gracielle na kaharap na ako sa kanya.

"Kumusta ka naman, Jomart?" sabi ni doc Tundangan. 

"Ba't mo po nalaman, sir?" ang tanong ko. 

"Tinawagan ko ang daddy mo kung nasaan ka ngayon," giit niya.

"Tapos maghahatid mo po ako pauwi?" ang sabi ko. 

"Oo na nga," ang sabi ni doc Tundangan, "pero meron ko lang ibig kong malaman tungkol sa pagkakaibigan ng anak ko sa simula't-simula pa lang."

"O sige," ang sabi ko, "sasabihin ko na ikukwento ko po sa 'yo ngayon?"

"Hindi," giit niya,  "punta muna tayo sa playground na kung saan kayo naglaro noong bata pa kayo."

Playground? Doon po ba kami dumaong muna bago ako umuwi? Baka nag-alala na ang magulang ko. 

* * * TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!