Gracielle (Before Her Prom Night): The Word "Hugot"

25 0 0

GRACIELLE TUNDANGAN SIDE STORY

Sa kabila ng pagkikita ng daddy ko sa boyfriend ko noong nagdaang araw bilang respeto sa isa't-isa, tanggap ko na hinahayaan ko na lang na makapagkita muli sa kasunod ng minsan sa isang araw o buwan habang ang daddy ko ay pinagsama niya ako kung saan ako dadako roon ng anumang makabuluhang okasyon: sa tuwing makadalaw ng kamag-anak namin pagsapit ng pasko, sa tuwing sumapit ng iba't-ibang school activities, sa tuwing sumabak ako sa teen fashion modelling photography sa isang teen magazine, at kung ano-ano pa. Hindi ako nabahala ng naturang sitwasyon ko sa ngayon, lamang kung may mabuting pakikisama at pagmamalasakit namin sa pamamagitan ng pangmatagalang pagtitiwala.

Ang bilis ng panahon ngayon. Tila kinalimutan ko munang mapagligaw ang boyfriend ko nang dahil sa strikto ng magulang niya pati na ang daddy ko. Araw-araw at buwan-buwan, tuloy-tuloy ang pinahalagahan ng mabuting landas na nadarama ko hanggang sa kailangan na matagumpay ng aking tungkulin na hindi ko dapat pababayaan: sa pag-aaral ko at sa talento ko. Sa ngayon, minsan na akong nakuha ng mataas ng grades ko ng ilang subject na nakuha ko. Bukas man o hindi na makikisalamuha ako sa iba't-ibang libangan sa aming magkaibigan, ang ini-expect nila sa akin na dumalo ako sa prom night.

* * * MONTH OF FEBRUARY, AFTERNOON * * *

Kahit na nakapaghanda na akong susuotin na nabili kong magagandang gown ko para sa prom night namin sa high school, nagpanipas muna akong manood ang iba't-ibang social media posts hawak ko ng smartphone ko na naka-Internet bago ako makaligo at makapag-make-up.

"Anong tinitigan sa cellphone mo, anak?" ang pangamba na sabi ng daddy ko.

"Tinitignan ko sa Facebook 'yung susuotin ng gown ng babaeng kaklase ko kumpara sa susuotin ko ng gown ko, dad," ang sabi ko na nakasuot ko pa ng bath robe.

"Sa palagay mo ba maganda 'yung susuotin mong gown?" tanong niya.

"Oo nga po," ang palagay na sagot ko, "minsan po akong natuto kung paano pumili nang tama para maging kaaya-ayang tignan sa kanila. Swerte ko talaga na nakuha ko na talaga ang pinili ko na magaganda, pero kung hindi ko ito naagapan, baka nahihinayang na ako."

"Mabuti naman," sabi ng daddy ko, "pero sa palagay ko para nga bang nagpapaligsahan ka pa sa kanila kung alin nga ba ang mas maganda ang isinusuot n'yo sa isa't-isa."

"Hindi po ako gaano magkumpetensya sa kanila, dad," ang dispensa ng paliwanag ko sa kanya, "nagkaisa lang po kami sa isa't-isa, basta't maayos ang okasyon namin sa eskwelahan."

"At pati na ang pagkikita ng boyfriend mo?" ang bulalas ng daddy ko.

"Daddy naman," ang sabi ko, "baka naman mapa-mingle uli sa pagkikita ng boyfriend ko tulad ng dati, dahil alam ko na naka-off duty ka po pala ngayon."

"Huwag kang mag-alala, anak," sabi ng daddy ko, "hindi ko magtatangkang tuksuhin ng sinuman. Pati na rin ang pagkikita ng boyfriend mo, pero hindi mo ba natatandaan noong gabi ng pasko na binabati at nirespeto ko sa kanya at sa magulang niya?"

Bagamat tanggap ko ang dispensa niya, minsan naman naiisip ko na tila nagdududa na nga ako sa binabalak ng daddy ko.

********************

Sa kabila nito, patuloy naman nag-aayos ng sinusuot kong gown at pag-make-up sa mukha ko sa pamamagitan ng iba't-ibang kasamahan na dress at beauty stylists. Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na ako sa bahay at namangha ang nakita ng daddy ko at kasamahan niya at pati na ang yaya namin ang kagandahan ng hitsura ko: ang kulay ng gown na suot ko ay emerald; ang ayos ng buhok ko ay wavy mula gitna hanggang ilalaim; at natural na kulay ang gamit sa nilagyan ng make-up na rosy pink sa labi ko, light flesh sa mukha ko, natural na light brown na kulay sa eyelid, at natural dark brown sa eyebrow at eyelash.

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!