Chapter 21: [The Big Announcement!]

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi daw baby eh, halos magmukha ka ngang bata kanina katatalon mo sa tuwa eh.” Singit na usap ni Bryan. Kahit kailangan talaga ‘tong kaibigan ko,masyadong nanglalaglag. Pero ayos na din at least,bumabalik na siya sa dati niyang gawi.

“Hahaha! Tingnan mo oh, bata ka pa nga daw.Si Bryan na ang nagsabi!”

Si Ate talaga kahit kailan,pang-asar! Sumasakay pa sa pang-aasar ni Bryan. Pasalamat sila,mahal na mahal ko sila kahit ginaganito nila ako!

“Hi, Ate! Welcome back!”

“Hello Bryan. Kamusta naman ang ating widowed man?” silang dalawa naman ang nagusap.

“Hahaha. Ate naman, eto nagmomove on pa rin siyempre.”

“Tama yan Bry, hayaan mo at may darating ding bagong babae sa buhay mo pero sa ngayon,mag-tapos muna kayo ni Lianne ha?”

“Opo, Ate.” Sabay ngiti ni Bryan kay Ate. Mapapansin naman kasi kay Bryan na nagmomove-on na talaga siya dahil hindi na niya madalas banggitin ang pangalan ni Marjorie at bumabalik ang dati niyang mga pang-aasar sa akin.

Matapos nilang mag-usap ay saka naman kinamusta ni Ate sila Kuya Leo at Ate Shaina, binuhat pa nga nito ang dalawa naming makukulit na pamangkin. Binuhat na rin namin nila Bryan at Mama ang mga bagahe ni Ate para isakay sa kotse ni Bryan.

-SOPHIA-

“Kamusta ka naman,iha?” tanong sa akin ni Mama Laila habang inaayusan ako ng mga make-up artist na siyang nagmemake-up din kay Paulo kapag may mga importanteng events tulad nito.

“Okay lang naman po ako,Mama Laila. Nandiyan na po ba si Paulo?” tanong ko,pinilit ko din kasi si Mama Laila na papuntahin si Paulo ngayon para naman makita niya ako na nakaayos.

“Wala pa siya iha,may talkshow guesting kasi siya ngayon kaya ang sabi niya kapag maaga natapos ang guesting niya eh susunod daw siya dito. Wag ka mag-alala iha,darating din si Paulo at makikita ka niya na sobrang ganda!”

“Sana nga po,Mama Laila. Palagi na lang niya kasi akong nakikita sa simpleng ayos ko,saka diba po dapat talaga nandito siya kasi ka-loveteam ko siya?”

“Ah…e…Oo iha. Dapat nga,nandito talaga siya. Wag kang mag-alala,sisiguraduhin ko na magugustuhan mo ang pagpapakilala ko sayo. Basta kailangan maging confident ka ha?”

“Opo naman,Mama Laila.”

“Mabuti,paano? Lalabas na muna ako para tingnan kung nakaayos na ba ang lahat sa labas.”

Napangiti naman ako dun,sinigurado talaga ni Mama Laila na makararating si Paulo para sa akin. Sana nga, dumating siya dito ng maaga.

---

Maya-maya ay nagsimula na ang party na inorganize ni Mama Laila para sa akin. Isa na yata siya sa pinakasweet na manager na nakilala ko,biruin mo,ako na baguhang artista ay ipapakilala niya ng ganito ka-bongga. Kasama ko ngayon sa dressing room ang isa ko pang manager,iyon ay si Tita Becky na siyang nakadiskubre sa akin.

“Ma’am Sophia,be ready na po.” Paalala sa akin ng isa sa mga PA ni Mama Laila.

“Oh, Sophia. Be confident ha?! Dapat para ka ng isang ganap na artista paglabas mo dito. Wag kang kabahan,nandito lang kami ni Mama Laila mo.”

“Opo, Tita Becky. Salamat po!”

“May I call on our newest artist under Magic Circle, around of applause for Ms. Sophia Mercado!” narinig kong pagpapakilala sa akin ni Mama Laila.

Inalalayan ako ng isang lalaki na isa rin daw artista sa aking paglabas, dapat nga daw eh si Paulo ito kung nakarating lang ng maaga kaya lang ay hindi. Wala din akong magawa kaya sumama na rin ako sa lalaking ito. Nasaan na kaya ang Paulo na yun?! Makakarating pa kaya yun?!

Nakarating na rin ako sa stage,sobrang daming tao at sobrang daming camera ang nakatutok sa akin. Marami ring tao ang nasa loob ng garden kung saan ginanap ang party. Maya-maya ay ibinigay na sa akin ni Mama Laila ang mikropono, “Goodluck, iha.” Kinabahan naman ako bigla dahil sa sinabing iyon ni Mama Laila.

“Hm...Good evening ladies & gentlemen! Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagpunta ngayong gabi.  I hope you will enjoy this wonderful night and I’m also hoping to know and be friends with each and every one of you. At sana po ay maging maganda ang pagsisimula ko pong ito kasama kayo. Yun lamang po at maraming salamat po muli.” Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan naman ang lahat ng taong nandoon. Iniabot ko na rin kay Mama Laila ang mikropono.

“Ladies & gentlemen, bukod sa pagpapakilala ko sa bago kong alaga, we are waiting also for someone special to complete this night. And…”

“Nandito na po siya, Mama.” Singit ng isang PA ni Mama Laila.

“Okay guys, may I call here on the stage, also one of my artists, Mr. Paulo Reyes.” Nagulat ako ng banggitin ni Mama Laila ang pangalan ni Paulo, totoo nga! Nandito nga siya at dumating siya sa party ko! Parang biglang nagsaya ang mga paru-paro na nasa loob ng tiyan ko. Pag-akyat niya ng stage ay hindi siya tumingin o kahit sumulyap man sa akin, agad niyang kinuha ang mikropono kay Mama Laila at nagsalita,

“Good evening everyone! Yes, I’m here to support my fellow artist under Magic Circle and there’s nothing more than that. So I hope you guys enjoy this night! Thank you!” bababa na sana siya ng pigilan siya ni Mama Laila.

“Bakit po,Mama Laila?”

“Hindi pa dito natatapos ang announcement ko,Paulo. Makinig kang mabuti sa sasabihin ko sa kanilang lahat.”

Nanatili si Paulo na nakatayo sa gilid ng stage at ako naman ay nasa gitna at handang makinig sa kung ano mang sasabihin ni Mama Laila.

“Paulo and Sophia are having an affair. Sophia, is the rumored girlfriend of Paulo since college and I’m glad that they’re both under Magic Circle. A round of applause for them!”

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Paulo at hindi ko naman malaman kung anong mararamdaman ko sa sinabi ni Mama Laila sa harap ng maraming tao?! Ako?! Rumored girlfriend ni Paulo nung college?! Totoo ba ito?! Bakit wala akong maalala?! Diba dapat maging masaya ako kasi eto yung pinapangarap ko noon pa man nung makita ko si Paulo pero parang nag-aalangan ang puso ko sa sinabing iyon ni Mama Laila?! Ano ito?!

Nakita ko na lang na biglang umalis si Paulo sa stage at pumasok sa loob,mukhang siya rin ay hindi nagustuhan ang ginawang announcement ni Mama Laila.

Thinking of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon