Chapter 21: [The Big Announcement!]

Start from the beginning
                                    

“Oo,Cheska. Makikita ko na rin sila Mama, Kuya Leo at Lianne.”

“Siyempre, don’t forget the reason why you have to go home in our mother land,okay?”

“Yes, Cheska. I promise,hahanapin ko siya doon para ayusin ang lahat sa aming dalawa.”

“Ipag-pray mo na hindi pa siya kasal or else, you’re going to say sorry to your self.” Napatawa na lang ako sa sinabing iyon ni Cheska,sana nga magdilang anghel siya.

“Tulungan mo na lang ako dito mag-impake ha? Wag ka na madaldal diyan.”

-LIANNE-

“Talaga? Uuwi na si Ate mamaya?” Natuwa naman ako sa bumungad na balita sa akin ni Mama. Kauuwi ko lang galing eskwelahan at ganito na agad kagandang balita ang bumungad sa akin.

“Oo,anak.  Kaya mamaya, mag-ready ka na at susunduin natin ang Ate mo kasama sila Kuya Leo at Ate Shaina mo ha? Ikaw ba Bryan,sasama ka ba sa amin?”

“Ah…Kayo po,Tita. Kung isasama niyo ako.” Nandito din kasi sa amin si Bryan dahil hinatid niya ako pauwi.

Tumawa si Mama, “Oo naman,iho. Kaibigan ka ng mga anak ko noon pa kaya isasama ka namin.”

Kasama pala namin si Bryan mamaya so magbabago ang mga plano namin,lalabas sana kami mamaya dahil Friday. Original plan kasi namin ay manuod ng Snow White and the Huntsman sa sinehan pero dahil darating na si Ate kailangan naming ipostponed yun, at least sa susunod na manunuod kami, kasama na namin si Ate! Namiss ko din si Ate ng sobra. Nung nag-Christmas vacation kasi kami sa Korea naging disaster yung bakasyon na yun eh,lalo na kay Tita Malou at nawalan pa siya ng anak,sobrang pity yung naramdaman ko.

6pm…

Airport

“Good evening, ladies and gentlemen! Flight K2922 Korea bound to Philippines, time of arrival, 6pm. Thank you!”

“Flight na ba ni Ate yun,Mama?” tanong ko kay Mama,naeexcite na kasi akong makita si Ate.

“Oo,anak. Yun na nga yun.”

“Yehey!” Para akong batang nagtatatalon sa tuwa.

“Huy,parang bata ito ah. Kalaking babae na eh.” Pang-aasar ni Bryan.

“Eh,bakit ba.”

“Hindi mo ba nakita ang Ate mo seven months ago?”

“Ano ka ba! Seven months ago na yun eh. Matagal na rin yun no!”

“Hoy, kayong dalawang bata diyan tama na nga yang pag-aaway niyo. Hindi na kayo nahiya sa mga anak ko oh,tulog na tulog.” Saway sa amin ni Kuya Leo na nakaupo sa may waiting area kasama si Ate Shaina.

Pampam kasi itong si Bryan, ano ngayon kung magmukha akong bata? Masama ba yun?! Bata pa naman talaga ako,I’m only 19 years old! Siya kaya mawalay sa Ate niya ng ilang buwan tapos maging disaster yung bakasyon mo sa ibang bansa? Helloooooo?!

Maya-maya ay nakita ko na si Ate, nasa isang stroller yung mga baggage niya at mukhang hinahanap niya kami. Agad na lumapit si Mama sa kanya at niyakap ito ng sobrang higpit, ako naman eh nakanganga habang tinitingnan sila. BAKIT PARANG GUMANDA BIGLA SI ATE?

“Hoy bata! Ayan na Ate mo oh.”

“Ah...eh...Oo. Hello Ate!” sabay kaway ko kay Ate na nakayakap pa rin kay Mama.

“Kamusta ang baby girl namin?” lumapit sa akin si Ate.

“Ate naman, hindi na ako baby noh?”

Thinking of YouWhere stories live. Discover now