Season III - Revelations | Chapter 36: Zaniel Ivan

391 9 0
                                    

 Author's Note:

Hahabol ako sa quotang date ng Ending! Haha!

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Muling umusbong ang galit na nararamdaman ni Jarel nang makita niya si Ybrahim. Alam naman ni Ybrahim ang pag-iinit ng dugo ni Jarel kaya naman siya na ang umiwas para di na magkaroon ng gulo.

Pero talagang pinaglalapit sila ng pagkakataon, dahil sa sabay nilang pagkuha ng pagkain.

" Ano'ng tinitingin-tingin mo ha? " galit na sabi ni Jarel nang makitang nasa tabi niya si Ybrahim.

" Pare, ayoko ng gulo. " kaswal na sagot ni Ybrahim sa kanya, na akma namang aalis na lang.

" Eh ako, gusto ko ng gulo. " 

Nanginginig na ang kamao ni Jarel dahil sa sobrang galit. Akma sana niyang susuntukin si Ybrahim pero naramdaman niyang may kamay na pumigil sa kanya.

" Jarel stop this. " saway sa kanya ni Joel. Tinitigan din siya nito ng masama. " Wag mong sirain ang gabing ito. " giit pa nito sabay tingin sa kinaroroonan ng kanilang ama.

Nang ibaling na ni Jarel ang kanyang tingin sa ama ay mas lalo siyang nainis dahil sa pagngiti nito sa kanya.  Alam kasi niyang pagbabanta ang kaakibat ng mga mata nito.

[ Humanda ka sa susunod nating pagkikita! ] sigaw niya sa kanyang isipan, habang tinitigan ng masama si Ybrahim. Wala na siyang nagawa kundi umalis. Kung di lang dahil sa kanyang ama, kanina pa sana niya pinakawalan ang matinding galit niya kay Ybrahim.

Lingid sa kaalaman nila Jarel at Ybrahim, nakita ng kanilang mga kapatid ang nabubuong tensyon sa pagitan nilang dalawa.

" Hon, pagpasensyahan mo na si Kuya Jarel ha..." 

" Okay lang hon, hindi naman natin pwedeng panghimasukan ang mga isip nila eh. " 

" Sabagay tama ka. Nagkakaganyan lang kasi si Kuya dahil sa sobrang pagmamahal kay Irish. " 

" Naiintindihan ko, kasi nagkaganyan din naman si Ybrahim noon..."

"...pero hon, di ibig sabihin nun na pinapanigan ko siya. " 

" Ako rin naman, patas lang ang tingin ko sa kanila. Kung sino man ang tama, sa kanya ako susuporta. " 

Naputol ang kanilang usapan dahil sa paglapit ni Don Lucio Fernando.

Ito ang unang pagkakataong makikita at mahahawakan ni Don Lucio Fernando ang kanyang apo, kaya naman sabik na sabik siya ngayon. 

 " My Princess, pwede ko bang makarga ang apo ko..." 

" Yes Dad. "

Dahan-dahan ng inilapag ni Princess ang kanyang anak sa mga bisig ng kanyang ama. 

" Kamukha ko siya di ba? Pareho kaming gwapo. " natatawang sabi ni Don Lucio Fernando sa mag-asawa.

" Opo Daddy..." nakangiting sagot ni Ryniel sa kanya.

" Pero syempre po sa Daddy Ryniel niya rin..." bawi naman ni Princess at bahagyang sumandal sa kanyang asawa, " di ba hon? "

" Of course. " 

Pagkasabi nito ni Ryniel ay bigla nalang umiyak si Xaniel, kaya nagkatawanan silang lahat. Giliw na giliw naman siyang ihinele ng kanyang lolo.

" Eh kailan nga pala ang binyag ni Xaniel? "

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now