Season III - Revelations | Chapter 27: " You are not Alone..."

472 10 4
                                    

 Author's Note:

Ito na po ang simula ng SEASON III...

MARAMING SALAMAT sa paghihintay.

ABANGAN ang iba't-ibang malalaking REBELASYON...

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------   

" Nandito na naman ako???"        

Napakaliwanag pa rin ng paligid...    

Napakapayapa...        

Ilang beses na akong nakarating dito...          

...pero sa pagkakataong ito,  tuluyan na ba akong makakarating sa Langit?      

Makakasama ko na ba si Mama?        

" Hindi pa ngayon..."      

May narinig akong nagsalita, pero hindi ko siya makita.  

Boses ng isang babae,  

na parang narinig ko na dati,  

pero hindi ko lang alam kung saan at kelan...        

" Ano'ng ibig mong sabihin?"    

" Malalaman mo rin..."        

Hindi na'ko nakapagtanong pa dahil, matapos niyang sumagot ay unti-unti ng nagbabago ang buong paligid. Para itong isang pahina ng libro, na dahan-dahang inililipat...          

Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay nasa loob na ako ng isang kotse.        

Naalala ko na ang lahat ng nangyari...  

Hinanap ko si Rain, pero bigo akong makita siya.  

Kitang-kita ko ang sarili kong umiiyak, habang mahigpit na hawak ang kwintas na ibinigay niya sa'kin.     

Pero bigla itong napigtas, kaya nabitawan ko.    

Hinanap ko 'to sa ilalim ng manibela...    

kaya hindi ko nakita ang isang trak na makakasalubong ko...              

Sa isang iglap ay nakatitig na ako sa duguan kong mukha...    

dahil sa dami ng mga sugat na tinamo dahil sa pagkabasag ng salamin ng kotse...

Isinugod ako sa hospital...      

Pilit na nirerevive ng mga doktor...      

Pero parang wala na atang pag-asa...      

Kitang-kita ko ang sabay-sabay na pag-iyak ng mga kapamilya ko...      

Si Papa.

Si Ybrahim.

Si Yra.

Si Lolo Alfonso.    

at   si Princess...        

Bakit kaya hindi siya umiiyak ngayon?  

Tahimik lang siyang nakaupo habang dahan-dahang hinahaplos ang kanyang tiyan.        

Alam ko na ang dahilan,  

galit siya sakin dahil sa panglolokong ginawa ko sa kanya.      

Pero hindi ko gustong saktan siya...        

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon