Season IV - Darkness | Chapter 43 - Ariel & Irene

334 5 0
                                    

 Author's Note:

Last 9 CHAPTERS na lang...

LAPIT na ang AUGUST 15 deadline...

X|S 

 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Makailang beses tinignan ni Irish ang screen ng kanyang cellphone sa pag-aakalang namamalikmata lang siya nang makita ang isang text message mula kay Ybrahim.

"Bakit kaya siya nagtext? "

[ Uzta na? ]

Hindi niya naiwasang di mapangiti nang mabasa na ang laman nito dahil ito ang unang text sa kanya ni Ybrahim mula nang magkahiwalay sila.

[ Okay lng aq...] Matipid niyang reply. 

" Okay lang ako, kasi ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon..." bulong pa niya sa sarili.

Makalipas ang ilang minuto ay muling nagtext si Ybrahim.

[ Ahh, cge g00dnight... ]

" Yun lang ba yun? " Gulat niyang sabi saka dali-dali nagtype ng kanyang irereply.

[ Ok. Gudnyt dn. ]

Ilalapag na sana niya ang kanyang cellphone sa kama nang maisip niyang magtext pa uli.

[ Ingatz ka plgeh... ]

Naghintay siya sa reply ni Ybrahim pero wala ng dumating na text. Kaya naisip na niyang matulog na lang. Isinara na niya ang kanyang bintana. Pinatay ang kanyang ilaw, saka binuksan ang kanyang lampshade.

" Sana naman paggising ko, ako na uli ang mahal mo Him..." hiling pa niya bago tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Ilang minuto ng natutulog si Irish nang biglang lumitaw ang isang anino sa kanyang kwarto. Sa tulong ng liwanag mula sa lampshade ay makikitang unti-unti ng lumalapit sa mukha niya ang nasabing anino.

 " Akala ko kagaya ka rin ng babaeng minahal ko noon, pero nagkamali pala ako..."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Halos di na maigalaw ni Irish ang kanyang mga hita para tumakbo dahil sa sobrang pagkapagod. Sugatan na rin ang kanyang mga paa sa dami ng mga natapakan niyang mga bato at halaman. Pero binalewala niya ang sakit na ito para lang makatakas sa lalaking kanina pa humahabol sa kanya.

" Kailangan kong makaalis sa gubat na'to. " hingal na hingal niyang sabi.

Mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo, pero bigla siyang nadapa nang matisod siya sa isang nakausling ugat ng puno.

" Lord help me, nandyan na siya..." bulong niya sa kanyang sarili nang matanaw niya ang aninong unti-unting lumalapit sa kanya.

Pinilit niyang tumayo at paika-ikang naglakad.

" Him, kung narininig mo 'ko ngayon, please iligtas mo 'ko..."

" AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! "

Pero sa kasamaang palad, hindi man siya naabutan ng lalaking iyon, nahulog naman siya sa isang malalim na bangin.

" Asan na'ko???! " gulat niyang tanong nang maramdaman niyang para siyang lumulutang sa ere.  Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, pero napasigaw na naman siya sa kanyang nakita.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now