Season I - Only Hope | Chapter 3 - Engagement Ring

971 12 10
                                    

May 17, 2013 

Sa Our Lady of Grace Parish sa Caloocan ginanap ang binyag ni Jariko Xerio Takano Yee

Isa sa mga ninang niya ay si Anna Sto. Tomas. Siya ang makulit na kasamahang saleslady nila Mariko at Rain noon sa Scents of Angels

Syempre, naroon din si Ryniel na natuwa dahil kinuha siyang ninong ng mag-asawang Mariko at Jared. 

Nagpumilit naman sumama sa kanya si Kiet, kasi daw first time nitong makapunta sa isang binyagang Pinoy. Halos six months palang kasi siyang nakatira dito sa Pilipinas. Sa Thailand na siya lumaki kasama ang kanyang Pinay na ina, habang nasa Pilipinas ang kanyang ama para sa negosyo nila. 

Lingid sa kaalaman ni Ryniel, mula sa mismong binyag hanggang sa reception sa isang restaurant ay siya ang apple of the eye ng mga kakaibaihan, pati na rin ang mga pa-girl na dumalo sa binyag. 

" Teh, sight mo ang eyes niya oh. " utos ng isang pa-girl na alyas "Angel" dahil look-alike daw siya ni Angel ( not Locsin, Aquino o kahit sino pang magagandang "Angel" ). Itinuro pa niya si Ryniel, gamit ang kanyang red pouty lips. 

" Oo nga teh, winner na winner ang eyes niya ang pungay, nakakainlove talaga! " Kinikilig namang sagot ng isa pang pa-girl na aka "Erich" ( dahil Erick talaga ang tunay niyang pangalan, pero Idol niya si Maria La Del Barrio ng Pinas. ) 

" Type ko siyang maging Papa! " bulalas naman ng kaibigan nilang babae, si Isabelle.  

" Mang-agaw ka naman teh! " Naiinis na sabi ni Angel. " Aketch naunang nakasight eh..." katwiran pa niya. 

" Eh di sayo na echoserang 'to. " Natatawang sagot ni Isabelle sa kanya. 

Tuwang-tuwa naman si Mariko, habang nakatingin sa kanyang mga kaibigan.  

"Mga bakla, Luz Valdez na kayong lahat. " biro niya sa mga ito. 

"Ha? Bakeettt??? " Gulat na tanong ni Angel at Erich. 

" Kasi inlababu yan sa girlfriend niya! "  

" Ay, sayang naman..." sabay na sagot uli ng dalawang pa-girl. 

" Kaya wag na kayong umasa. Ihahanap ko na lang kayo ng iba. " biro pa ni Mariko sa kanilang dalawa. 

" Talaga teh??? " 

" Ayun oh! " 

Isang cute na lalaki ang itinuro ni Mariko. Kinawayan pa niya ito, kaya lalong natuwa ang kanyang mga kaibigang pa-girl. 

Samantala, natawa na lang si Kiet nang ituro sa kanya ni Mariko ang dalawang pa-girl na kasama nito. Pero mas nabighani siya sa isang babaeng nahagip ng kanyang mga mata. 

" Hey bro, look at that girl. She's so beautiful. " aniya kay Ryniel, habang itinuturo ang babaeng nakaupo sa tapat ng kanilang mesa, " I wish I could know her name..." 

" I know her Kiet. " sagot sa kanya nito. " She's Anna Sto. Tomas, Rain's friend. " pakilala pa nito sa babaeng tinutukoy niya. 

" Really? Can you introduce me to her? " Sabik niyang pakiusap sa kaibigan.  

" Of course. "  

Natawa na lang si Ryniel dahil sa pagkasabik ni Kiet na makilala si Anna. Naisip pa niyang mukhang na-love at first sight si Kiet sa simpleng gandang taglay nito. 

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now