Season II - Chances | Chapter 20: Voices of Love...

579 9 8
                                    

Mag-iisang buwan na mula ng mawalan ng paningin si Yra. Sa una ay nahirapan siya, pero dahil pag-aalaga ng kanyang mga kapamilya, unti-unti niyang natututunan na kumilos ng mag-isa kahit walang anumang nakikita. Ginagamit niya ang kanyang mga kamay at pandinig para mabuhay ng maayos at di maging pabigat sa iba. Pero kapag talagang di niya kayang gawin ang isang bagay, gaya ng pagkain, ang kanyang ama ang gumagawa nito para sa kanya.

Ngayon ay nasa hospital siya kasama ang kanyang ama. Ipapacheck-up nila ang kanyang mga mata, para malaman kung pwede na ba siyang sumailalim sa eye transplant. 

Matapos ang check-up ay pansamantala siyang iniwan ng kanyang ama sa labas ng opisina ni Dr. Flores. Di niya alam kung bakit pero gusto nito na sila lang ng kanyang ama ang mag-usap. Para di mainip ay binuksan na lang niya ang kanyang MP4 para pakinggan ang kanyang mga paboritong kanta, gaya ng " Hey Daydreamer " na ringtone din ng kanyang cellphone.

Oh you could just pretend to be with her all day

Remember the feeling when you first held hands today

Imagine her in your favorite white dress

Smiling at you as if she thinks that you're the best

She tell you You and me, sitting on a tree,

K-I-S-S-I-N-G.

You tell her

Baby hear me out will you marry me tonight

We're in this make believe reality

And baby it's just you and me

Minsan na rin itong kinanta ni Kyle sa kanya, dahil na rin sa hiling at pamimilt niya. Pero ito ang trip na naging dahilan para mainlove siya ng tuluyan sa kanyang bestfriend.

Dahil siguro sa malambing na boses ni Kyle...

'Cause when tonight she holds you tight

You wonder if this fantasy is right

'Cause when reality comes to play

You realize you couldn't make her stay

Hey Daydreamer

You gotta be prepared to leave her in your fantasy

'Cause when it's over, you gotta make sure 

that it's you who'll be with her

Oh you could just pretend to be with her all day

Remember the feeling when you first held hands today

Nagulat si Yra nang muling marinig ang mga unang lyrics ng kanta...Di naman sira ang kanyang MP4, di rin naman yun galing sa kanyang cellphone dahil sa chorus ito nagsisimula...

Imagine her in your favorite white dress

Smiling at you as if she thinks that you're the best

" Parang may kumakanta, malapit sa'kin..."

Tama nga ang naisip niya, dahil naririnig din niya ang pagsaliw ng tunog ng gitara sa magandang boses nito.

She tell you You and me, sitting on a tree,

K-I-S-S-I-N-G.

" Ganda naman ng acoustic version niya..." puri pa niya.

Naisip niyang patayin na lang ang kanyang MP4 para mapakinggan "siya" ng mabuti. Pagkatanggal niya ng magkabilang earphone ay napatunayan niyang may ipagmamalaki talagang boses ang lalaking kumakanta ngayon...

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon