Season IV - Darkness | Chapter 40 - Ethan

361 6 0
                                    

 Author's Note:

Ito na po ang unang kabanata ng SEASON IV.

Sa nalalapit na pagtatapos ng ETERNITY

buong puso akong nagpapasalamat sa inyong SUPORTA!

X|S

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Ryniel's POV ]

Ilang araw na lang ay darating na ang Pasko. Maraming pamilya ang mabubuo matapos ang mahabang panahong di pagkikita. May ilang sasalubungin ito, na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, pero hindi nila mararamdamang sila'y nag-iisa dahil nasa pa rin puso nila ang kanilang mga pamilya.

Pero sa kabila ng nalalapit na Pasko, muli na namang nabalot ng matinding kalungkutan ang aming buong pamilya. 

Binawian na rin ng buhay si Daddy Lucio dahil sa tuluyang paghihina ng kanyang puso dulot ng iba't-ibang kumplikasyon. Kaya halos mawala ng pag-asang mabuhay si Princess dahil sa magkakasabay na pagkawala ng kanyang pamilya. Napagdesisyunan din niyang ipacremate na lang ang sila at ilagay ang kanilang mga abo sa musuleo ng kanilang pamilya sa Chateau Del Tiero. 

Awang-awa ako sa asawa ko dahil halos araw-araw siyang umiiyak sa harap ng mga urn ng kanyang ama at mga kapatid. Pareho man kaming nawalan ng mahal sa buhay, mas masakit ang nararamdaman niya. Kaya naman pinilit kong iparamdam sa kanyang hindi siya nag-iisa. Hindi ko siya iiwan, namin ni Xaniel kahit kailan, pati na rin lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Sa paglipas ng mga araw, unti-unti na ring nanumbalik ang saya sa aming pamilya dahil sa buong puso naming pagtanggap sa mga nangyari. Isa pa, may isang anghel - si Xaniel, ang nagbibigay sa amin ng pag-asang ipagpatuloy ang aming mga buhay.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

December 15, 2013

Dalawang buwan na ngayon si Xaniel kaya naisip naming mag-asawa na icelebrate ito sa Manila Ocean Park. Kasama namin ang buong pamilya maliban kay Yra na kailangan pang magpahinga para sa lubusang paggaling ng kanyang mga bagong mata. 

Una naming pinuntahan ay ang napakagandang Oceanarium. Nagfeeling photographer ako sa dami ng mga sea creatures na gustong kunan ni Princess, syempre kasama silang mag-ina. Mas lalo pa kaming nag-enjoy nang makita namin ang mga jellyfish na para talagang nagsasayawan sa tubig dahil malayang nilang paglangoy na sinaliwang pa ng magandang lighting at music.

Noong hapon ay sinubukan naming lahat ang Fish Spa. Ang sarap sa pakiramdama ng pagdampi ng mga bibig ng isda sa mga paa mo. Nakakakiliti pero magandang magparelax ng mga paa. Sabay naman kaming nag-Aquanaut ni Him, na nung una ay ayaw pang sumama sa'kin, pero sa huli ay napilit rin siya ni Princess at ni Lolo Alfonso. Alam kong napakalungkot niya ngayon dahil sa pagkawala ni Alexa, kaya sinusubukan ko siyang pasayahin para kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya.

Matapos ang buong araw ng nakakapagod pero napakasayang pamamasyal, kinagabihan ay masaya naming pinanood ang napakagandang Musical Fountain Show.

Patapos na ang show nang magpaalam ako kay Princess para magCR. Pero idinahilan ko lang yun para di niya malaman ang supresa ko para sa kanilang lahat. Kinausap ko ang taong in-charge sa Jellyfish area para alamin kung maayos na ba ang special dinner na nirequest ko kanina. Okay na daw, nakaset na ang lahat ayon sa hiniling ko. Kaya bumalik na ui ako sa mga fountains para sunduin silang lahat.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now