Season III - Revelations | Chapter 30: Father and Son

483 9 12
                                    

 [ Xerun's POV ]

Maaga akong nagising dahil sa isang magandang panaginip. Magkasama raw kami ni Shine sa isang park. Nakahiga siya sa aking mga hita, habang sabay naming pinanonood ang unti-unting paglubog ng araw.

Hanggang sa paggising ko ay baon ko pa rin ang kaligayahang naramdaman ko habang magkasama kami.

" Sana nga magkatotoo yun..." 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para kay Shine. Hanggang ngayon kasi ay ang mukha pa rin niya ang laman ng isip ko.

Hanggang balikat ang kanyang buhok. May pagkasingkit naman ang kanyang mga mata, na mas nabibigyang buhay dahil sa matangos niyang ilong at mapula at manipis na labi.

Teka, inlove na nga ba ako sa kanya? Pakiramdam ko kasi parang ang tagal na naming magkakilala. O baka naman kaya ko lang nararamdaman 'to kasi matagal ko na siyang nakikita sa mga panaginip ko. Kasi kung totoo mang nangyayari yung mga panaginip ko, masasabi ko na ngang kilala ko na siya.

Tama siguro si Ryza, masasagot ko lang ang mga katanungang to pag nagkita na kaming dalawa ng personal. Sa ngayon, kailangan ko lang hintayin ang araw na yun.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos mag-almusal ay naisip kong mag-online sa Wattpad. Gusto ko kasing malaman ang naging reaksyon nila Yra, Jennine at iba pa sa biglang pagpasok ng isang bagong tauhan sa kwento.

Shining Princess

Season II - Chapter 26:  New Friend

Comments & Reviews:

Jennine Castiilo:  Kuya, kawawa naman po si Shine : (. Sino kaya yung kumuha sa baby niya? 

Si Jennine ang unang nagkomento.

Chel_Zu:   i'm sure, si Regine ang nagplano na ipapatay si Shine,,, di ba nga pinagbantaan niya si Shine, na masisira ang buhay pag di lumayo sa asawa niya,,, 

MickoTiu:   Tama Si @Chel_Zu, Siguro Si Regine Din Ang Kumuha Sa Baby Ni Shine. Kawawa Naman Si Shine, Magkakalayo Sila Ng Baby Niya. 

EniamregAcapulco:   Sana mahanap na ni Shine yung anak niya. Sana tulungan siya ng lalaking tumulong sa kanya.

Lady_Yra:  Kuya X|S alam ko po kung sino yung guy na tumulong kay Shine XD. Baka ikaw yun eh! Haha! 

Napangiti ako dahil sa komento ni Yra. Siya lang kasi ang tanging nakaisip na posibleng ako ang maging bagong tauhan sa kwento.  Siya talaga ang no.1 FAN ko. Haha! Kaya nga para maipagpatuloy niya ang pagsubaybay sa Shining Princess, gumagawa ako ng  personal audio version ngt bawat chapter at sinisend ko sa email niya. 

XerunSalmirro: @Lady_Yra   ewan natin hehe! Bakit mo naman naisip yun? 

Naisip kong sagutin ang sinabi niya.

Lady_Yra:  Wala lang po hehe! eh Kuya, sino naman po yung inspirasyon mo sa cover ng chapter na 'to? Ang galing po ng pakaka-sketch, parang totoong tao talaga siya eh...

Na bigla naman niyang sinagot matapos ang tatlong minuto. Naka-online rin pala siya ngayon sa tulong ng kaibigan niyang si Trina, na siyang nakikipagchat sa'kin ngayon.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now