Season IV - Darkness | Chapter 47 - Missing You...

314 5 2
                                    

Author's Note:

LAST [5] CHAPTERS na lang before the ENDING...

Sina:  [ Xerun Salmirro - nickname ni Xedriq, mula nang makilala niya si Ryza.

Xedriq Van Morales - pangalan ni Xeriel bilang mortal.

Xeriel - Ang Guardian Angel ] ay iisang tao lang po ha :)

Nilagyan ko na po uli ng time at location kung saan naganap dahil ang current time ng kwento ay December 24, 2013...

Bawat oras, bawat minuto, bawat segundo, may malalaking kaganapan...

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ 12.24.13 | 06:06 PM ]

Ryniel, pakiusap gumising ka...

Iligtas mo ang iyong anak...

Nanganganib ang iyong anak, iligtas mo siya...

Naalimpungatan si Ryniel nang marinig ang ilang mga boses na bumubulong sa kanya. Hindi niya namalayang nakatulog rin pala siya dahil sa pagpapatulog kay Xaniel.

" Nandito naman anak ko ah. "

Nagtataka niyang tanong nang makitang mahimbing pa ring natutulog ang kanyang anak sa kuna nito.

Hindi na niya binigyang pansin pa ang kanyang mga narinig dahil napansin bigla niyang napansin  ang oras.

" Alas sais pasado na, ba't wala pa rin si Princess? "

 Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng kanyang asawa.

The number you've dialled is either ---

Nagredial agad siya bago pa matapos ang sinasabi ng operator.

" Out of reach pa rin? Sa'n ba talaga siya nagpunta? " 

Naiinis niya sabi. 

Lumabas siya ng kanilang kwarto para tawagin si Trina. Ibinilin niya rito ang pag-aalalaga kay  Xaniel habang hinahanap niya si Princess.

" Kuya sa'n mo naman hahanapin si Ate Princess? " usisa sa kanya ni Ybrahim, nang makita siya nito sa garahe.

" Bahala na. "  Wala sa sarili niyang sagot sa kapatid. " Ang importante ay makita ko siya. "

" Kuya, sasabihin ko na rin kay Lolo ang tungkol dito, para mapabilis ang paghahanap sa kanya. "

" Wag na, baka mapano pa si Lolo sa sobrang pag-aalala. "

Kagagaling lang sa hospital ni Don Alfonso dahil sa paninikip ng dibdib, kaya ayaw na niyang bigyan pa ito ng aalalahanin.

" Sige. Ingat ka Kuya. "

" Salamat. " 

Malalim pa rin ang iniisip ni Ryniel habang pasakay sa kanyang kotse.Hindi nga niya alam kung saan magsisimulang maghanap pero kailangan na niyang kumilos. Masyado na siyang nag-aalala sa tagal ng pagkawala ni Princess. Halos labindalawang oras na  rin mula nang umalis siya ng bahay kaninang umaga.

" Hon, please sagutin mo naman. "

Muli niyang tinawagan si Princess habang nagmamaneho, pero di talaga niya ito makontak.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon