Season III - Revelations | Chapter 37: Huling Lihim...

394 11 1
                                    

Author's Note:

Isang malungkot na pangyayari man ang magaganap, 

gusto ko pa ring batiin ang lahat ng mga mapagmahal nating mga AMA...

HAPPY FATHER'S DAY...

X|S 

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 " May gumugulo ba sa isip mo? "

Kanina pa napapansin ni Xerun ang pananahimik ni Kierulf kaya naman naisip na niyang tanungin ito.

" May naaalala lang ako..." matipid na sagot ni Kierulf, saka muling ibinaling ang kanyang tingin kay Shine.

" Nag-aalala ka pa rin ba sa kanya? " usisa naman ni Ryza.

" Oo, ngunit hindi siya ang taong gumugulo sa isipan ko. " 

" Eh sino? " sabay na tanong nina Xerun at Ryza.

" Isang binatilyo, na simula nang makita ko'y kakaiba na ang naramdaman ko sa kanya..." 

" Anong ibig mong sabihin? " naguguluhang tanong ni Xerun.

" Hindi ko maipaliwanag, ngunit kapag nakikita ko siya ay gumagaan ang pakiramdaman ko. " Saglit na nag-isip si Kierulf at inaalala ang mga panahong ganito ang nangyayari sa kanya, " Minsan nga ay pansamantala kong iniiwan si Shine para masiguro lang ang kaligtasan ng binatilyong iyon..." paliwanag pa niya.

Mas lalong naguluhan si Xerun sa mga sinabi ni Kierulf. Kaya napatingin na lang siya kay Ryza habang naghihintay ng kasagutan sa kanyang mga katanungan.

" Sa aking pagkakaalam, kaya mo nararamdaman ang ganoong sa isang tao ay sa kadahilanang posibleng may kaugnayan siya sa buhay mo..."

" Ibig sabihin dating tao si Kierulf??? " pagpapalagay ni Xerun, " Ganoon kasi yung napapanood ko sa mga pelikula, at nababasa ko sa mga libro. Na ang ibang mga anghel ay mga dating tao na nabigyan ng pagkakataong maging anghel ng Diyos..."

" Tama ka Xerun..." pag-sang-ayon ni Ryza, " Iyon nga totoong dahilan kung bakit mo nararamdaman iyon kapatid. " baling naman niya kay Kierulf.

" At kaya di mo maalala ang kaugnayan mo sa taong yun ay dahil nabura ang mga alaala mo nung naging anghel ka na..." paliwanag naman pa ni Xerun, na sinang-ayunan naman ni Ryza.

Natahimik muli si Kierulf dahil sa pagbabalik ng mga panahong nagkikita sila ng binatilyong iyon. 

" Kung nabura na siya sa mga alaala ko, bakit pinag-uugnay kaming muli ngayon? " naguguluhang tanong niya sa sarili.

" Walang nakakaalam kung bakit kapatid, kundi ang ating Ama..." 

" Tama ka Ryza, tanging si Ama lang..." sang-ayon din niya sa sinabi ni Ryza.

Napanatag na ang kalooban ni Kierulf dahil sa kanyang mga nalaman. Naisip niyang ipaubaya na sa Ama ang mga maaaring maganap sa pagitan nilang dalawa ng binatilyong iyon.

" Xerun..."

Nagkatinginan sina Ryza at Kierulf nang sabay nilang mabasa ang mga iniisip ni Xerun.

Napangiti na lang si Xerun dahil alam niyang nababasa ng dalawang anghel ang mga naiisip niya. 

" Pasensya na, naisip ko lang na posible kayang dati ka ring tao Ryza? "

Love Over Vengeance 2: Eternityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن