Season III - Revelations | Chapter 32: Shining Princess: Sunshine Evangelio

454 10 14
                                    

 

Author's Note:

Maging mapanuri upang maunawaan ang napakalaking twist na mababasa sa kabanatang ito. Alalahanin ninyo ang mga nakaraang pangyayari sa Shining Princess at sa Eternity...

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Xerun's POV ]

 " Natrauma ang pasyente dahil sa isang malaking pangyayaring pinagdaanan niya. Sa ngayon, okay na siya. Nagamot na namin ang mga sugat niya sa buong katawan. Tinurukan na rin siya ng pampatulog para makapagpahinga siya ng maayos. May gagawin pa kaming ibang mga test para malaman natin kung paano siya pagagalingin..."

" Dok, thank you po..."

" Sige iho, maiwan ko muna kayo..."

Pagkaalis ni Dra. Montes ay naupo ako uli sa upuang nasa tabi ng kama ni Shine. 

" Xerun, maraming salamat sa pagtulong mo sa kanya..." muling nagpasalamat si Kierulf sa ikatlong pagkakataon.

" Walang anuman yun...Alam mo kasi, matagal ko na ring gutsong magkita kami ni Shine. "

" Ganoon ba. "

" Totoo ang sinasabi niya kapatid..." sagot ni Ryza, habang nakatitig sa mga mata ni Kierulf. Ngiti naman ang iginanti nito sa kanya.

" Kierulf, pwede ko bang malaman kung ano'ng nangyari kay Shine at bakit siya nagkaganito? "

Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong dahil gusto ko na ring malaman kung totoo nga bang nangyayari ang mga panaginip ko.

" Kung gayon, isasalaysay ko sa inyo ang buhay ni Shine..." 

Magsisimula na sana si Kierulf nang biglang tumunog ang cellphone ko...

Tita Ynna

(+639105657503 )

Calling...

" Sige sagutin mo na Xerun, tiyak nag-aalala na siya sa'yo..." payo sa'kin ni Ryza.

Na sinunod ko naman.

" Anak, nasa'n ka ngayon? Ba't di ka sumunod pauwi sa bahay? "

Halatang-halata sa boses ni Tita ang sobrang pag-alala sa'kin.

" Tita, nandito po ako ngayon sa hospital..." 

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now