Season III - Revelations | Chapter 28: " Ibalik mo anak ko! "

452 8 4
                                    

 Author's Note:

Maraming salamat sa paghihintay...

Alam ko ang iba sa mga readers ko ay naguguluhan na sa dami ng mga nangyayari sa mga karakter.

Nagkaroon kasi ng " kwento sa loob ng isang kwento " di ba? Yung sinasabi ko po ay yung SHINING PRINCESS na sinusulat ni Xerun Salmirro [ yung karakter sa Eternity ]. 

Kaya ngayon, naisip kong kapag pangyayari sa buhay ni Shine ang mababasa niyo, i-italicized ko na lang yung mga yun para di kayo malito. Isipin nyo na rin na si Xerun Salmirro talaga yung nagkukwento.

Tapos si DM ( totoong initials ng name ni author ) ang nagkukwento sa ETERNITY...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang linggo na mula nang makabalik ang Del Tierro brothers sa Pilipinas, kaya nabalitaan nila ang kalagayan ng kanilang bayaw na si Ryniel. Agad silang dumiretso sa hospital pagkagaling nila sa airport, maliban kay Jarel na dumiretso na sa Batangas para makita si Irish.

Hindi naman makakauwi sa bansa si Don Lucio Fernando dahil sa pag-aasikaso ng malaking problema sa negosyo nila sa Spain. Kaya ang magkakapatid lang ang kapamilyang makakaramay kay Princess ngayon. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Irish's POV

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Jarel. Simula nang dumating kami sa hospital, hanggang dito sa elevator ay hindi pa rin siya nagsasalita. 

Ayaw naman talaga niyang pumunta dito sa hospital, pero nang sinabi kong pupunta akong mag-isa ay napilitan na siyang sumama. Gusto ko kasing makita ang kalagayan ni Kuya Ryniel, dahil napakabait niya sa'kin, kahit pa break na kami ng kapatid niya. Isa pa, isa rin naman siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.

I'm sure sapat na yung one week naming pagsasama ni Jarel sa Batangas, para maging masaya siya di ba? Alam kong namiss niya ako ng sobra, kaya pinagbigyan ko ang lahat gusto niya habang magkasama kami doon, kaya ako naman ang pagbigyan niya ngayon.

Hindi naman siguro siya manhid para hindi niya maisip na damayan ang bunso niyang kapatid, na si Ate Princess.

" Irish, let's go. "  Inis niyang sabi nang hindi ko mapansing bumukas na ang elevator, dahil sa mga iniisip ko. Nandito na pala kami ngayon sa 4th Floor. 

Agad ko naman nakita ang Room 413.

" Kayo pala, sige pasok kayo Irish, Jarel. " 

Si Tito Michael ang nagbukas samin ng pinto.

Agad akong nakaramdam ng hiya nang makaupo na kami ni Jarel, dahil nandito rin pala sina Ybrahim at Alexa. Nasa kabilang sofa sila, magkatabing natutulog.

" Kamusta na po si Ryniel? " Biglang tanong ni Jarel kay Tito Michael. Siguro napansin niyang naiilang ako ngayon. Sinadya ko kasing ituon ang mga mata ko kay Kuya Ryniel, para hindi ko matingnan sila Ybrahim.

" Okay naman siya..., pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. " malungkot na sagot ni Tito Michael.

" Eh, ano po'ng sabi ng mga doktor? Kelan daw po magiging si Kuya? " Ako naman ang nagtanong para balewalain ang pagkailang na nararamdaman ko.

" Hindi rin nila alam Irish..." mahinahong sagot ni Tito. " Pero hindi pa rin naman kami nawawalan ng pag-asa na magigising siya. Nananalig kami sa Diyos na ibabalik Niya sa'min si Ryniel..."

Love Over Vengeance 2: EternityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang