Season II - Chances | Chapter 18: It will Rain...

606 11 7
                                    

Matapos masigurong naihanda na ng mga kanilang mga katulong ang pagkain sa hapagkainan ay ipinatawag na ni Princess ang kanyang Daddy.

" Sana magustuhan ni Dad..." 

" Syempre naman iha, " sagot sa kanya ni Yaya Dolores, " Sigurado akong masasarapan siya, kasi ikaw ang nagluto nito para sa kanya..."

" Miss na miss ko na po siya eh, kaya pinagbutihan ko ang pagluluto sa Italian Pasta. " Natatawang sagot ni Princess sa kanyang yaya, " Oh asan na si Dad Mila? " Baling naman niya sa paparating na katulong.

" Mam, nasa office pa po si Don Lucio. Susunod na lang daw po siya..." sagot ni Mila, " ....mukhang may importante pong kausap sa telepono..."  paliwanag pa niya. 

" Ganun ba? Sige salamat ha..."

" Sige iha, aalis muna kami ni Mila ha..."

" Salamat po uli 'Ya... "

Naiwang mag-isa si Princess, na nakaupo sa harap ng kanilang hapagkainan. Hinintay niya ang kanyang ama, pero makalipas ang ilang minuto ay di pa ito dumarating. Kaya naisip niyang puntahan na lang ang kanyang Daddy sa opisina nito.

" Kaya kong gawin ang kahit ano para sa katuparan ng mga plano natin..."

Napahinto si Princess nang di sinasadyang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Di na niya nagawang buksan ang pinto ng opisina nito dahil sa pagkagulat.

Plano? Ano kayang ginawa ni Daddy? 

Kung anu-ano agad ang tumakbo sa isip niya. Pero nasagot ang lahat ng kanyang katanungan nang marinig niyang muli ang mga salitang sinabi ng kanyang ama.

" Kaya dapat di malaman ng kahit sino, lalo na si Princess na pineke ko lang ang DNA Result ng babaeng yun. "

Nanlaki ang mga mata ni Princess nang marinig ang katotohanang ito. Gusto niyang pasukin na ang kanyang ama sa loob para usisain ito pero di niya magawa dahil sa sobrang sama ng loob. Dahil na rin sa pagkataranta ay natabig niya ang malaking vase na katabi niya.

" Princess, ano'ng nangyari??? " tanong ng kanyang ama, na halatang nagulat sa malakas na tunog ng nabasag na vase.

Di na siya sumagot. Iniyak na lang niya ang sobrang sama ng loob na nararamdaman.

" Anak, bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba? " tanong muli sa kanya nito, matapos siyang ilayo sa mga basag na piraso ng vase sa sahig.

Hindi pa rin niya kinikibo ang kanyang ama, hanggang ipasok siya nito sa loob ng kanyang opisina. Iniwan siya nito para tawagin ang mga katulong, pagkatapos ay binalikan rin siya agad nito.

" Iha, ano bang nangyayari sa'yo? " Halatang nag-aalala na ito sa kanyang pananahimik habang patuloy sa paghikbi. " Sabihin mo sa'kin kung anong nanyari..." pakiusap pa nito sa kanya.

" Dad, bakit?..." Tinitigan niya sa mga mata ang kanyang ama. "...Ba't nyo yun ginawa? "

Wag mon'ng sabihing narinig mo ang sinabi ko anak???

Biglang lumuhod sa kanyang harapan ang kanyang ama. Hinawakan pa nito ang kanyang mga palad. 

" Sorry..." aniya habang nakatingin sa kanyang mga mata. " Sana mapatawad mo 'ko. " Di na ipinagkaila ni Don Lucio Fernando kay Princess ang kanyang kasalanan. Dahil mas lalo lang magagalit ang kanyang anak, kung itatanggi pa niya ito. " Nagawa ko lang yun, dahil sa pagmamahal ko sa'yo iha..." giit pa niya. 

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now