Season II - Chances | Chapter 19: My Beautiful Angel...

594 9 12
                                    

Sa loob ng dalawang taong pagkawala ay marami ng nangyari sa buhay ni Rain.

" Isang mabait na lalaki ang nagligtas sa'kin...si Ivan. Inalagaan niya 'ko hanggang sa gumaling ang mga sugat ko..." habang nagkukwento ay hinahaplos ni Rain ang malaking peklat sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha, na siguradong mula sa isang sunog. Sunog na posibleng naging dahilan ng kanyang kamatayan kundi siya nailigtas.

" Rain, di ka na masasaktan pa..." Nakaramdam ng sobrang pagkaawa si Ryniel, mula nang marinig ang kwento ni Rain. Sa dami ng mga pinagdaanan niya, wala siya sa tabi nito para ipagtanggol siya. " dahil di ko na hahayaang may manakit sa'yo..."

Nagkaamnesia rin si Rain kaya di niya maikwento ang mga nangyari sa kanya bago siya matagpuan ni Ivan. Ito rin ang dahilan kung bakit di siya nakabalik agad sa piling ni Ryniel. Tanging naikwento lang niya ay yung mga karanasan niya kasama si Ivan.

" Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Ivan dahil siya ang naging daan para makasama kita ngayon..." 

Saglit na natahimik si Rain dahil sa pagaagam-agam. Hanggang ngayon ay di pa rin niya alam kung tuluyan ngang natanggap ni Ryniel ang kanyang kalagayan ngayon.

Dahil kasi sa pagkawala ng kanyang alaala, natutunan niyang mahalin si Ivan. Hanggang sa may mangyari sa kanilang dalawa. Ngayon nga ay pitong buwan na siyang buntis sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

" Wag mo ng isipin ang lahat ng yun, ang mahalaga ay kasama na kita ngayon..." Hinaplos pa ni Ryniel ang kanyang pisngi. Pinunasan ang gumigilid na luha sa kanyang mga mata. " Kung ano man ang kalagayan mo ngayon ay tatanggapin ko..."

" Talaga? "

" Oo naman. Mahal na mahal kita, tatanggapin ko siya." giit pa ni Ryniel, habang yakap siya ng mahigpit. " Ituturing ko siyang tunay ko'ng anak..."

Kahit na magkakaroon ng anak si Rain sa ibang lalaki ay buong-buo pa rin ang pagmamahal ni Ryniel sa kanya. Naisip kasi niyang siya na ang magiging ama ng batang ito dahil di na niya makikita pa ang kanyang tunay na ama. Namatay na kasi si Ivan, bago sila tuluyang nagkahiwalay ni Rain.

" Maraming-maraming salamat..." 

Tuluyan ng napaiyak si Rain dahil sa walang-katulad na pagmamahal sa kanya ni Ryniel. 

Pero napabitaw siya sa mga bisig ni Ryniel, nang marinig ang pagtunog ng cellphone nito.

Si Princess ang tumatawag, pero agad itong kinansela ni Ryniel.

" Ba't di mo sinagot? " usisa sa kanya ni Rain, " Baka nag-aalala na ang asawa mo..."

Ilang araw na ring sinusundan ni Rain si Ryniel, kaya alam na niyang nag-asawa na ang lalaking kanyang pinakamamahal. Di naman siya nagseselos, pero nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon. 

" Yaan muna natin siya..." Napalitan na naman ng kalungkutan ang kasiyahang nararamdaman ni Ryniel. Dahil sa pananagutan niya kay Princess, di na niya pwedeng balikan si Rain. 

" Nag-aalala na siya sa'yo kaya kailangan mo ng umuwi..." giit ni Rain.  

" Pero..." 

Naiintindihan ni Rain ang sitwasyon nila ngayon. Mahal na mahal pa rin niya si Ryniel, pero pareho na silang may pananagutan. Ayaw din naman niyang ilayo si Ryniel sa taong nagmahal sa kanya nang wala siya sa tabi nito. 

" ...di kita pwedeng iwan na lang..." 

Bakas na bakas sa mukha ni Ryniel ang labis na pangungulila. Samantala, labis na kalungkutan naman ang nangingibabaw sa mukha ni Rain.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now