Season III - Revelations | Chapter 33: Mother and Child...

435 10 4
                                    

 Author's Note:

Ito na po ang latest chapter...pasensya na po kung once a week na lang ang update ko... 

X|S

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa gitna ng napakalakas na ulan, isang babae ang naaaninag ko'ng kumakaway sa'kin. Kaya agad akong bumaba ng kotse at nagpakabasa sa ulan para lapitan siya.

Bago pa ako makalapit sa kanya ay binitiwan na niya ang hawak niyang payong, at patakbo niya akong niyakap...

" Ryniel, mahal na mahal kita..." aniya habang nakalapat ang kanyang ulo sa aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal sa kabila ng lamig na dulot ng malakas na ulan.

" Sino ka??? " Hindi ko siya kilala kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya. " Pasensya na miss, hindi ki---"

" Ako si Rain, ang babaeng mahal mo. " Tinangka niya akong halikan pero umiwas ako. " Ayoko ng magkalayo pa tayo Ryniel, kaya wag mo na 'kong iiwan uli..." pagmamakaawa niya sa'kin.

Sa di ko malamang dahilan ay kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kanya. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha sa kanyang mga pisngi gamit ang aking mga daliri. 

" Ryniel..."

" Rain..."

Kusa na ring lumapat ang aking labi sa nag-aabang niyang labi. Buong puso ko siyang hinalikan kahit pa di man siya maalala ng isip ko, naaalala pa rin siya ng puso ko...

Nang muli kong idilat ang aking mga mata ay nasa loob na ako ng isang hospital. Kung saan, kitang-kita ko ang sarili kong duguan at walang malay na sinusugod ng mga tao papunta sa Emergency Room.

Sa isang iglap ay nagliwanag ang buong paligid. Kasabay ng paglalaho ng mga tao ay ang paglitaw ng mga napakaputing ulap.

" Ryniel, ito na ang takdang panahon para bumalik ka..."

Isang boses ang narinig ko, pero bago pa ako makapagsalita ay nilamon na ako ng isang liwanag...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naalimpungatan si Princess nang marinig ang pagsigaw ng kanyang asawa. Ginising niya ito at mahigpit na niyakap.

" Hon, nananaginip ka lang. " aniya, pero tinitigan lang siya ni Ryniel. " Hon??? "

" Nasa'n si Rain??? " 

Kumirot ang puso ni Princess dahil sa kanyang narinig. Nagpumilit pa si Ryniel na bumango para hanapin si Rain.

" Tama na please!!! " Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili, napasigaw na siya dahil sa sobrang sama ng loob. " Ayoko na Ryniel...Nagbalik nga ang alaalam mo pero siya pa rin ang laman ng puso mo. Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya hanggang ngayon, pero sana naman alalahanin mo pa rin kami ng anak mo..." giit niya habang nakatitig sa mga mata nito.

Nabigla si Ryniel sa kanyang narinig, kaya natahimik na lang siya. Naaalala na niya ang lahat ng nangyari sa kanya, pero si Rain ang una niyang hinanap nang siya'y magising. Alam niyang mali, pero di niya maiwasang isipin siya.

" Sorry..."

Isang salita lang ang lumabas sa kanyang bibig.

Nilapitan niya si Princess para yakapin, pero iniwasan siya nito. Patakbo siyang lumabas ng kwarto habang umiiyak.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon