Season II - Chances | Chapter 26: Goodbye...

458 8 6
                                    

Author's Note:

Ito na po ang huling chapter ng SEASON II...

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagbubukas ng SEASON III.

Maraming salamat sa paghihintay...

" Don't give up on love, because there is always someone who loves you. Even if it's not the person you were hoping for. "

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ryniel's POV

Gabi na ako nakauwi sa bahay. Pero bago umuwi, dumaan muna ako sa Pizza from Heaven para bumili ng paboritong pizza ni Princess - ang Bursting Cheese Pizza.

Agad akong dumiretso sa kwarto naming mag-asawa. Mahimbing pa rin pala siyang natutulog, kaya naisip kong ilagay na lang muna sa ref ang pasalubong ko.

Hinalikan ko siya noo, bago ako lumabas uli. Pumunta ako sa terrace dahil gusto kong makapag-isa...

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin ni Rain...Mahal na mahal ko siya, kaya ayaw ko siyang masaktan.

Mahalaga naman sa'kin si Princess dahil siya ang ina ng anak ko. Kaya hanggang kaya ko, ayaw ko siyang saktan. Pero dahil sa pagtatago ko kay Rain, alam kong masasaktan siya ng sobra. Sigurado magagalit sya ng todo dahil sa panglolokong ginagawa ko sa kanya. 

" Ryniel..."

Napalingon ako nang bigla kong marinig ang boses ni Princess.Ihinanda ko na ang sarili ko sa mga masasakit na salitang posible niyang sabihin. 

Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

" Ano'ng ginagawa mo rito hon? " 

" Nagpapahangin lang ako...." 

" Ah, okay. Nasa'n na pala yung favorite pizza ko? Di ba sabi mo bibili ka..."

Nawala ang kaba ko dahil sa mga tanong niya. Akala ko itatanong niya kung saan ako nanggaling, pero hindi. Ibig sabihin ba nito ay hindi pa rin niya alam ang totoo. O baka naman balak niyang itago sa'king alam na niyang niloloko ko siya.

" Nilagay ko muna sa ref hon, kasi naisip ko bukas na natin kakainin..." paliwanag ko sa kanya.

" Sige...busog na rin naman kasi ako eh..." nakangiti niyang sagot. " Pero ba't nga pala ang tagal mo'ng bumalik? " tanong pa niya, na muling nagpakaba sa'kin.

" Ah, kasi nagkaroon ng maliit na problema sa store..." Buti na lang may naisip agad akong idadahilan. " Tutal naroon na rin ako, kaya ako ng umayos ng problema..." paliwanag ko pa sa kanya.

" Okay. " Mukhang kontento naman siya sa paliwanag ko, dahil wala akong napansing kakaiba sa reaksyon ng mukha niya. " Tara na hon, tulog na tayo..." At nagyaya na rin siyang pumasok na kami.

" Sige..." 

Sabay kaming naglakad pabalik sa kwarto namin, habang mahigpit siyang nakayakap sa beywang ko.

Magkatabi na kaming nakahiga nang mapansin ko'ng mugto pa rin ang mga mata niya. Dahil siguro yun sa sobrang pag-iyak niya sa panonood ng pelikulang " Titanic ". 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

3:13 AM

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon