Season II - Chances | Chapter 22: Sino ba si Xerun?

567 9 5
                                    

Maagang nagising si Shine para ipaghanda ang kanyang kaibigan ng almusal. Inayos na rin niya ang mga damit na isusuot nito ngayong araw. Ito lang kasi ang naiisip niyang  pwedeng isukli sa pagsasakripisyong gagawin ni Angel. Nagprisinta kasi siyang magtrabaho para sa kanilang dalawa.

Gusto sanang tumulong ni Shine kaso ayaw siyang payagan ni Angel na magtrabaho pa. Walong buwan na siyang buntis kaya delikado na para sa kanya ang mapagod.

" Gel, thanks ha..." paglalambing niya sa kaibigan. Niyakap pa niya ito kaya pansamantalang siyang nahinto sa pagmamake-up.

 " Bes, wag ka na ngang magdrama dyan. " pabirong saway sa kanya ni Angel. " Oh maganda na ba ako teh? "  

 " Syempre naman." sagot niya habang inaayos ang damit ni Angel. " Oh ayan, mas lalo ka pang gaganda nyan. "

" Ganda ka dyan, eh nangangati na nga aketch diteh..." simpleng angal pa ni Angel, habang  inaayos ang suot niyang pink poloshirt. Si Shine naman ang nag-ayos ng suot niyang pantalon at belt. 

" Ano ka ba, interview ang pupuntahan mo kaya dapat disente, alangan namang maggown ka dun bakla! " natatawang paliwanag niya sa kaibigan.

" To naman, di na mabiro hehe! " 

Natawa na lang din si Shine dahil sa kakulitan ng kanyang bestfriend.  " Kulit mo talaga Gel, kaya love na love kita eh..."  Niyakap pa niya ng mahigpit si Angel.  

" Weh, di nga? "  

" Syempre naman, ikaw kaya ang pinakamagandang sister ko 'no. "    

Nagningning naman ang mga mata ni Angel dahil sa papuri ng kanyang pinakamamahal na kaibigan,  na kaisa-isang taong itinuring siyang kapatid.

TOK.TOK.TOK.

Naputol ang kulitan nila nang sabay nilang marinig ang mahinang katok sa pinto. Agad na tinungo ni Shine ang pinto para pagbuksan ang hinihintay nilang bisita.   

" Kamusta? " bati sa kany ng isang matangkad na lalaki.

" Pasok po kayo Sir Rainier..." aya niya sa lalaki.

" Sige, salamat..."

Pagpasok ni Rainier sa loob ay agad siyang ipinaghanda ng makakain ni Shine. Nagtimpla siya ng kape at naghanda ng pandesal sa kanilang lamesa.

" Sir, kain po muna kayo..." alok niya rito.

" Sige salamat ha, katatapos ko lang ding mag-almusal eh..." magalang na pagtanggi ni Rainier sa alok niya. 

" Ah ganoon po ba, may kinuha lang po si Angel sa kwarto niya, palabas na rin po yun..." paliwanag nalang niya rito.

" Ah, sige aantayin..." Paglingon niya ay sya namang pagdating ni Angel, " Oh ayan na pala siya..."

Naupo na rin si Angel sa tabi ni Shine para makipag-usap sa kanila.

" Sir Rainier, maraming salamat po pala sa pagbibigay nyo ng trabaho sa'kin..." buong-pusong pasasalamat ni Angel sa kanya.

" Ano ka ba, wala yun..." Bahagyang napatingin si Rainier sa kanyang relo. Mag-aalas-otso na pala ng umaga, kailangan na nilang umalis. " Oh pano tara na...ready ka na ba? " aya niya kay Angel.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon