Season IV - Darkness | Chapter 41 - Guardian Angel Xeriel

371 6 2
                                    

Author's Note:

LAST 11 CHAPTERS na lang bago ang ENDING ng ETERNITY...

SORRY sa SO SLOW UPDATES...

X|S 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" HINDI!!! "

Galit na galit na itinnarak ni Piorus ang hawak niyang espada sa dibdib ng kanyang alagad nang di niya magustuhan ang ibinalita nito. Agad itong naglaho ng di man lang natatapos ang kanyang mga sasabihin.

" Naisahan na naman tayo ng Oel na yun! "  pagmamaktol pa ni Piorus sabay hagis ng espada sa harap nina Piero at Caniel. " pero di ako makakapayag na maituloy nila ang pag-aalay sa itinakda. "  giit pa niya.

" Paano kaya nila natuklasan ang kinaroroonan ng alay? " sabad ni Piero.

" Sinasabi ko na nga ba? " bulong naman ni Caniel sa kanyang sarili. Noong una pa lang ay naisip na niyang ang grupo na naman nila Oel ang makakahanap sa itinakdang alay, dahil sa tagal ng kanilang paghahanap ay hindi nila ito matagpuan.

" Alam ko na..." singit ni Piorus.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Flashback ]

Oh Panginoong Lucifer,

Ang unang pinarusahang anghel...

Ito na ang takdang panahon ng Iyong pagbabalik...

Isang pulang liwanag mula sa isang bituin ang tumama sa katawan ni Rain.

Tanggapin mo ang itinakdang anghel,

na magbibigay sa Iyo ng pinakamalakas na kapangyarihan!

" AHHHH! " 

Unti-unti ng nararamdaman ni Rain ang paglabas ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.

Oh, Panginoong Lucifer...

Tanggapin mo ang kaluluwa ng isang pinarusahang anghel dela guardia,

si Yssabelle...

" Ryniel, mahal na mahal kita...Sana magkita pa tayong muli..."

Alam ni Rain na katapusan na ng kanyang buhay, kaya nagpasya na siyang magpaalam.

" AHAHAHAHAH!!! "

Tuluyang nilamon ng pulang liwanag ang kaluluwa ni Rain. Kasabay nito ang pag-alingawngaw ng isang malakas na halaklak...

Ngunit agad rin itong naglaho sa di nila malamang dahilan.

" Hindi siya ang itinakdang alay!!! "

Dumagundong sa buong paligid ang nakakatakot na boses ni Oniel.

Nagkatinginan naman at nagsisihan si sila Oel, Tairus at Arel.

" Paano nangyari yun? " bulong ni Arel.

" Magsitigil kayo mga walang silbi! " galit pang sigaw sa kanila ni Oniel.

" Kataas-taasang Oniel, patawad...Wag kang mag-alala, hahanapin ang itinakdang alay..." pangakong muli ni Oel habang magkakatabi silang nakaluhod nila Piero at Arel.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now