Season IV - Darkness | Chapter 45 - Ryniel's Necklace

354 7 2
                                    

Author's Note:

Dahil sa paghagupit ni HABAGAT nung mga nakaraang araw, hindi ako nakapagconcenrate ng mabuti sa pagsusulat.

Kaya naman na-move na naman ang ENDING...

Hindi na ako mangangako pa uli, para hindi na mapako hehe!

 Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta!

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ December 23, 2013 ]

[ 04:13 PM ]

 [ Ryniel's POV ]

Pansamantala akong lumayo sa aking mag-ina nang makatanggap ako ng isang importanteng tawag sa cellphone.

" Good afternoon po Sir, i-inform ko lang po kayo na on the way na po ang mga delivery ng mga orders nyo..." paliwanag sa'kin ng babaeng kausap ko.

" Okay. Thanks Ms. Santillan. Inform na lang din kita pag nakarating na sila sa farm..." 

" Okay po. Bye Sir. "

" Bye din. "

Pagkatapos naming mag-usap ay tinawagan ko naman ang mga tauhan namin sa Rose Farm. Ang anak ni Aling Socorro, na si Kim ang sumagot sa'kin.

" Parating na raw diyan yung mga magseset-up sa area. Kayo ng bahala ha..." 

" Opo Sir Ryniel. Promise po magiging special ang Christmas dinner nyo ni Mam Princess. "  pangako pa niya sa'kin.

" Thanks. Sana nga magustuhan niya ang supresa ko. "

" Sigurado po yun, sige po bye na sir. " 

" Bye. "

Isang special candle light dinner sa gitna ng Rose Farm ang ipinahahanda ko para sa aming mag-asawa bukas ng gabi. Ilang oras bago sumapit ang Pasko ay dadalhin ko muna roon si Princess.

" I'm sure magiging unforgettable ang first christmas naming dalawa. " bulong ko, habang nakatingin sa asawa't anak ko. Nakaupo ngayon si Princess sa isang bench habang binibreastfeed si Xaniel.

Sa kabila ng mga kalungkutang nagdaan sa aming buong pamilya, masaya pa rin naming ipagdidiwang ang Pasko. Masaya rin naming sasalubungin ang isang bagong taon, puno ng pag-asa sa buhay.

 " Umaambon na..." Napatingala ako nang mapansin ng pagpatak ng ilang butil ng ulan." Hon, dali pumasok na kayong dalawa ni Xaniel sa loob..." utos ko kay Princess, na agad namang kumilos. Tinakluban niya si Xaniel nang dala niyang bimpo at patakbong pumasok sa loob ng bahay.

Dinaanan ko na rin ang crib ng anak ko para maipasok na rin sa loob, pero may isang kisplap ng liwanag ang biglang tumama sa mata ko. 

Madilim na ang langit, saan kaya nanggalin yun?

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang pinagmumulan nito. At nang mapayuko ako ay nalaman kong sa isang kwintas na bahagyang nakabaon sa lupa pala nanggaling yun.Agad ko itong hinukay at tinanggalan ng mga nakaipit na dumi.

Kaya agad ko ring napansin ang mga mga nakaukit sa mga dalawang pendant nito.

[ R Y N I E L ]

Ito ang pangalang nakaukit sa likod ng pabilog na pendant. Yung isa naman ay hugis-balahibo, na may nakaukit na mga salitang hindi ko maintindihan.

Love Over Vengeance 2: EternityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin