Season II - Chances | Chapter 25: The Call...

482 8 9
                                    

Author's Note:

Abangan ang LAST CHAPTER ng SEASON II...

Chapter 26 --------------> SOON ^_^,

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Princess' POV

Ngayon ang ikatlo at huling araw namin sa Blue Crytal Resort. 

Alas-nuwebe ng umaga nang sama-sama kaming mamasyal sa buong paligid. Si Papa Michael ang umaalay kay Yra habang naglalakad kami. HHWW ( holding hands while walking ) naman ang drama nina Ybrahim at Alexa. Syempre kami rin ni Ryniel di nagpatalo ng kasweetan nila, kaya HWW din ang PDA namin.

Nagpicnic uli kami sa may bandang lawa, kung saan naroon ang napakagandang fountain nung hapon. Sama-sama din kaming nanoood ng magandang fireworks display nang sumapit ang alas-sais ng gabi.

Kasalukuyang kaming nanunuod nang bigla akong bulugan ng asawa ko.

" Hon, may kukunin lang ako sa kwarto ha..." pamamaalam niya.

" Sige hon, basta balik ka agad ha..." sagot ko sa kanya, matapos ko siyang halikan sa labi.

Tango lang ang naging sagot niya sa'kin.

Malayo na siya pero di ko naiwasang mapansin ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Nararamdaman kong may malalim siyang iniisip ngayon kaya siya nagkakaganun. 

Alas otso na natapos ang fireworks display pero di na nakabalik pa si Ryniel, kaya tama nga siguro ang iniisip ko kanina. Kaya si Papa Michael na lang ang naghatid sa'kin sa kwarto naming mag-asawa.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong napansin ang maliit na papel na nakaipit sa cellphone niya, na nakapatong sa maliit na center table.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hon,

Sorry di na ako nakabalik kasi biglang sumama ang pakiramdam ko...

Sumakit ang ulo,

Wag ka ng mag-alala uminom na ako ng gamot...

Goodnight...

Love,

Ryniel

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Sumakit pala ang ulo niya kaya siya di nakabalik.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama namin, para bigyan siya ng goodnight kiss. Pagkahawi ko ng kurtina ay nakita ko siyang mahimbing ng natutulog.

" Goodnight hon..." 

Madiin ko siyang hinalikan sa noo. Gumalaw ang ulo niya dahil sa ginawa ko, pero di naman siya nagising.

Naisip kong bumalik sa sofa dahil di pa ako inaantok.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis sa isip ko ang kakaibang kinikilos ni Ryniel habang naririto kami sa Resort. Alam kong masaya siya ngayon dahil napapasaya niya hindi lang ako, kundi kaming lahat. Pero ilang beses ko siyang nahuling nakatulala, na parang napakalalim ng iniisip. Minsan ko na rin siyang tinanong kung may problema ba, pero nginitian niya lang ako, sabay iling.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon