Season IV - Darkness | Chapter 42 - Pangungulila ng isang Ina...

427 6 0
                                    

 Author's Note:

Ang tagal ng updates ko no?...

Halos mahigit dalawang linggo rin akong nawala...

Tingnan po ninyo ang CHARACTER Photos ni Xerun Salmirro aka Guardian Angel Xeriel at  ni HIEL sa FB PAGE ko...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Fort Santiago, Intramuros

Metro Manila, Philippines

" Naririto na ba ang lahat? "

Inilibot ni Oel ang kanyang mga mata sa buong paligid nang marinig ang sinabi ni Oniel. Napailing na lang siya nang hindi makita si Arel sa upuan nito. Tanging nakaupo lang ngayon paikot sa mahabang mesa ay sina Kamiel, Aguirus at Libiel. Viel, Taus at Copriel

" Galit pa rin siya " bulong sa kanya ng katabi niyang si Tairus.

" Hanggang ngayon ba naman ay nahihibang pa rin siya..." inis niyang sabi.

[ Oel, hayaan mo na siya, sapagkat wala na rin siyang magagawa pa...] saway sa kanya ni Oniel, sa pamamagitan ng telepathy.

Natahimik na lang siya nang marinig ang bulungan ng iba pa nilang kasama. Tumayo naman si Oniel para simulan na ang kanilang pagpupulong.

Itinaas ni Oniel ang kanyang kamay na siyang hudyat para ilabas ng kanyang mga alagad ang isang malaking hexagram at ipinatong ito sa gitna ng mesa. Ngayon ay kitang-kita na nilang lahat ang isang itim na higaan kung saan mahimbing na natutulog ang isang sanggol na lalaki. 

" Ibig sabihin isang sanggol lang pala ang itinakdang alay na matagal nating hinahanap..." galit na sabi ni Viel.

" Hindi lang siya basta isang walang muwang na sanggol. " giit ni Oel, kasabay ang pagtitig ng masama sa kaharap na si Viel.

" Oo nga kapatid na Viel..."  natatawang sabi ni Tairus, " siya ang itinakdang alay na nahanap ng grupo namin. " dagdag pa niya, na sinadyang idiin ng pagkakasabi ang salitang "nahanap" para mas lalo pang asarin si Viel pati na rin ang iba nilang kasama.

" Na nahanap nyo ng walang kahirap-hirap. " inis na sabi naman ni Kamiel.

Parehong napangisi sina Oel at Tairus dahil sa sinabi ni Kamiel. Kung alam lang nilang lahat kung gaano nila kadaling natagpuan ang itinakdang alay, siguradong mas lalo pa silang maiinggit.

Ang iba pa nilang kasama ay nanahimik na lang dahil nasanay na sila sa pagsasalungatan nilang apat.

" Tama na yan. " saway sa kanila ni Oniel.

Hindi naman pinansin ni Tairus ang sinabi ni Oniel. Nanahimik lang siya pero kung ano-anong pang-aasar na ang sinasabi niya sa isipan ni Viel at Kamiel. 

" Ilang araw na lang ang nalalabi para sa takdang pag-aalay sa sanggol na ito..." Nilapitan ni Oniel ang sanggol at dahang-dahang pinalutang sa ere. " ...kaya nais kong gawin ninyo ang lahat para protektahan siya mula sa ating mga kalaban. "

" Masusunod Kataasang-taasang Oniel. " sabay na sagot nina Oel at Tairus.

"...Maging sa tusong si Piorus, na alam naman ninyong tumiwalag na sa grupong ito dahil sa labis na paghahangad. " Tumingin pa si Oniel sa isang painting sa pader, kung saan alam niyang nagkukubli ang ilang alagad ni Piorus na nagmamatyag sa kanila. " Sinisiguro ko sa kanyang hinding-hindi siya magtatagumpay sa kanyang mga binabalak. "

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now