Season II - Chances | Chapter 21: Nothing can stop us now...

576 9 3
                                    

Mula nang makalipat sa bagong apartment si Rain ay halos araw-araw na silang magkasama ni Ryniel. Dahil dito, unti-unti niyang nakikilala ang kasintahang nalimot ng kanyang isipan, pero nananatili sa kanyang puso.

" Oh eto, tikman mo...masarap 'to. "

Agad niyang kinagat ang slice ng pizza na balak isubo sa kanya ni Ryniel. Ang Ultimate Hawaiian Overload Pizza ng Greenwich daw kasi ang isa sa mga paborito niyang pagkain noon.

" Masarap nga..." nakangiti pa siyang sagot. 

" Sabi ko sa'yo eh. " nakangiti ring sumagot sa kanya ni Ryniel, pagkatapos ay pinunasan din nito ang maliit na butil ng keso sa gilid ng kanyang labi.

" Salamat ha..."  Bigla siyang napatitig sa mga mata ni Ryniel. Bakas na bakas mula rito ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon. " Salamat sa pagmamahal mo..." seryoso niyang sabi habang hawak ang mga palad nito.

Hinaplos naman ni Ryniel ang kanyang buhok pababa sa pisngi.  " Hindi mo kailangang magpasalamat Rain, mahal na mahal kita, kaya gagawin ko ang lahat para makasama lang kita..."

Lingid sa kaalaman ni Rain, pinaimbestigahan na ni Ryniel ang ginawang pamemeke sa DNA Result na nabasa niya noon. Nakakasiguro siyang kung sino man ang gumawa nun ay ayaw silang magkasamang muli ni Rain. 

May suspek na rin siyang pinaghihinalaan, pero kailangan niyang makasiguro. Kaya ipinapangako niyang pagbabayarin ang taong ito, kapag napatunayan na niya ang totoo.

" Ryniel, wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko ha..."

" Bakit? Ano ba yun? "

" Hanggang kailan ba natin itatago 'to sa asawa mo? "

Sa kabila ng kaligayahang nararamdaman nila, di pa rin maiwasan ni Rain na maguilty kapag naiisip niyang may isang nasasaktan dahil sa kanya.

Di agad nakasagot si Ryniel. Nabigla siya sa kanyang narinig. Sumagi na rin naman sa isip niya ang bagay na yun, pero hanggang ngayon di pa rin makapagdesisyon. 

Ayaw din sana niyang itago sa kanyang Lolo Alfonso ang magandang balita, pero naisip niyang posibleng magkaroon ng kaguluhan kung sakaling malaman ng iba na buhay si Rain.

" Alam kong kahit di pa alam ni Princess na buhay ako, nasasaktan pa rin natin siya dahil sa atensyong ibinibigay mo sa'kin..."  

" Tama ka nga, ayoko rin namang masaktan siya pero..."

" Pero ano? " putol ni Rain sa sasabihin niya. " Hindi magtatagal malalaman niya rin ang totoo...at siguradong magagalit siya sa'tin. " katwiran pa niya. 

" Naiintindihan kita, pero ayoko lang na mapahamak ka uli, lalo na kapag nalaman ng ibang tao na buhay ka..."  paliwanag niya. Natatakot kasi siyang pag nalaman ng mga taong gustong pumatay kay Rain, na pumalpak sila noon, babalikan nila si Rain para tuluyang patayin.  " Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay, kung tuluyan kang mawala sa buhay ko..." giit pa niya, habang nakatitig sa mga mata ni Rain na gusto na ring lumuha.

" Di ko rin kayang malayo sa'yo..." sagot ni Rain, na tuluyan ng napaiyak, "...pero magiging ligtas pa rin naman ako di ba? Kasi alam kong proprotektahan mo 'ko. " paliwanag pa niya. 

" Wag ka ng umiyak..." Hindi niya malaman kung saan ba humugot ng tapang si Rain. Napansin din niyang malaki na ang ipinagbago ng kanyang mahal. Ang dating mahina ngayo'y handa ng suungin ang kahit anong bagay.  " Pangako, di ka na masasaktan pa..." Niyakap na lang niya si Rain para iparamdam na magiging ligtas siya hanggat kasama siya nito.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now