Season I - Only Hope | Chapter 13 - Kulang ako kung wala ka...

710 9 4
                                    

" Okay ka na ba? "

Nabigla si Ryniel dahil sa tanong na 'to ni Princess. Imbes na ito ang kamustahin niya, parang mas inaalala pa nito ang kanyang kalagayan. 

" Sige, kung di mo pa kayang magkwento, okay lang..." dagdag pa ni Princess, kasunod ang isang ngiting parang wala siyang nararamdamang sakit.

Lumipas ang ilang minuto pero di pa rin umiimik si Ryniel. Habang si Princess, nakatingin lang sa kanya, hinihintay ang kanyang sasabihin.

" Sorry, kung nadamay kayo..."  

" Wag mo ng isipin yun, naintindihan ko naman eh..."

" Salamat..."  

Muli na namang natahimik si Ryniel. Napatingin sa may pinto ng kwarto, halatang napakalalim ng iniisip.

" Alam kong mahirap tanggapin ang katotohanan, pero siguradong akong gusto nya ring ipagpatuloy mo ang buhay mo..." makahulugang payo ni Princess sa kanya. " Marami pang nagmamahal sa'yo kaya dapat kang mabuhay para sa kanila. "   [ Syempre kasama kami ni Xaniel sa mga nagmamahal sa'yo ],aniya sa kanyang sarili.

" Tama ka...pero sa ngayon di ko pa kayang kalimutan si Rain..." 

" Naiintindihan ko..."

" Salamat ha, mukhang kailangan mo ng magpahinga kaya aalis na'ko..." 

Isang bagay pa ang ang gustong malaman ni Ryniel, pero masyado ng mahaba ang pag-uusap nila. Kagagaling lang sa operasyon ni Princess, kaya kailangan na niyang magpahinga.

" Pero may gusto pa sana akong sabihin sa'yo eh..." 

" Ha? Ano yun? "  

Bumalik uli sa upuan si Ryniel para pakinggan ang gustong sabihin ni Princess.

 " Hindi ka ba nagtataka kung paano kita nahanap? " makahulugang tanong ni Princess sa kanya.

Oo nga no. Ako lang at si Rain ang nakakaalam ng punong yun. 

" Pano mo pala nalamang nasa puno ako? "

" Walang nagsabi sa'kin..." Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Princess para maipagtapat ang tunay niyang koneksyon sa buhay ni Ryniel..." Matagal ko ng alam ang tungkol sa puno..."

" Ano'ng ibig mong sabihin? "

" Sana wag kang magagalit sa sasabihin ko ha, "  seryosong pakiusap ni Princess kay Ryniel na  tumango bilang pagsang-ayon sa kanyang hiling. "...Salamat. " Huminga pa siya ng malalim bago muling magsalita, "...Matagal na kitang kilala, bago pa tayo nagkita noong Valentines Day sa Padis Point..." pagtatapat niya.

Kaya pala parang ganun na lang kalalim ang pagmamahal niya sa'kin, kahit pa di naman kaming talagang magkakilala. Isa pa, kaya niya akong mahalin, kahit pa alam niyang masasaktan lang siya.

" Mahirap mang aminin, pero ako ang stalker mo eh. " Natatawang pag-amin pa ni Princess, " Stalker na inlove na inlove sa'yo..."

" Stalker kita? " Ulit ni Ryniel sa sinabi niya, " Ibig sabihin yun ang dahilan kung bakit alam mo kung nasan ako. " 

" Oo, matagal na kitang sinusundan, sorry ha. " 

" Okay lang. "

Nabigla man si Ryniel sa inamin ni Princess, di na rin naman importante kung ano ba talaga ito sa buhay niya noon.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now