Season II - Chances | Chapter 16: #1 Fan

644 10 10
                                    

Hindi lang ang pamilya ni Yra ang awang-awa sa kanya. Isa pang importanteng tao sa buhay niya ang puno ng pagsisi dahil sa nangyaring aksidente.

" Sorry...Yra, sorry..." 

" Wala kang kasalanan Kyle..."

Rinig na rinig ni Yra ang pag-iyak ng kanyang bestfriend habang humihingi ito ng tawad sa kanya. 

" Pero nandun ako eh, pero di kita naprotektahan..."  katwiran pa ni Kyle.

Dahil sa aksidente, nabalian siya ng buto. Katatapos lang nga ng pagsisimento ng tuhod niya pero nagpumilit pa rin siyang maglakad para makita si Yra. 

" Aksidente lang yun...Di ko rin kayang tanggapin ang nangyari, pero wala na tayong magagawa di ba? " paliwanag pa sa kanya ni Yra, na halatang nawawalan na ng pag-asa.

" Wag mong sabihin yan, may pag-asa pa. Makakakita ka uli... " giit ni Kyle. Hinawakan pa niya ang kanang kamay ni Yra, para iparamdam na di siya nag-iisa. " Nandito ako, tutulungan kita...Ako ang magiging mata mo, habang hinihintay natin ang araw na yun..." pangako pa niya.

" Salamat, kasi napakabait mo sa'kin..." Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang katawan kay Kyle, para yakapin siya. " Salamat Kyle..."

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, maiintindihan mo kung bakit ko pinagsisihang di kita nailigtas mula sa mga bubog na tumama sa'yo...

" Isa ka sa mga importanteng tao sa buhay ko Yra...kasi...kaibigan kita eh..."

 Nanaig pa rin ang kaba ni Kyle, kaya di niya masabi ang tunay na laman ng kanyang puso.

Kaibigan? Yun lang ba talaga ang tingin mo sa'kin? 

Kung alam lang ni Kyle, pareho lang sila ng nararamdaman ni Yra sa isa't-isa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkaalis ni Kyle, isa pang espesyal na bisita ang dumalaw kay Yra.

" Yra, may gustong kumausap sa'yo..." bungad sa kanya ni Ybrahim.

" Sino siya kuya? "

" Isang kaibigan..."

" Ha? "

Di na sinagot ni Ybrahim ang tanong ng kanyang kapatid. Iniwan na niya ang lalaking kasama niyang dumating. Alam niyang magiging masaya si Yra kapag nakausap siya nito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama ni Yra. Dahan-dahan din niyang hinawakan ang kamay ng dalagita. 

" Alam mo, sa kabila ng nangyari sa'yo, may pag-asa pa rin...Manalig ka lang sa Diyos..."

Kinilala ni Yra ang boses ng lalaki, pero wala siyang maalalang taong ganito ang boses. Malamig. Ang sarap pakinggan. Sincere din kung magsalita. 

" Siguro nagtataka ka kung sino ako no? " Natatawang tanong nito kay Yra, " Ako si Xerun Salmirro..." pagpapakilala nito.

" Xerun? Eh di ba kayo po yung author ng My One & Only Angel, at nung Shining Princess?..." Gulat na tanong ni Yra, " Ano pong ginagawa nyo rito? " 

" Kaibigan ako ng kuya Ybrahim mo..."

" Talaga po? "

" Oo...kaya nang malaman kong nandito ka, naisip kong dumalaw. " paliwanag pa ni Xerun. " Syempre, ikaw ata ang number 1 fan ko sa Wattpad, pwede ba namang di kita dalawin..."  pagbibiro pa niya para mapatawa si Yra.

Love Over Vengeance 2: EternityNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ