As A Guest At Children School

Magsimula sa umpisa
                                    

"So anong kurso ang nakuha mo ngayon?" tanong ni ma'am Sally.

"Isang kurso para maging isang pediatrician ako," ang sagot ko, "kasi sa pananaw ko, kung sakaling pumalad na akong makapasa sa pagtatapos ng pag-aaral ko, ang layunin ko ay hindi lamang na mapangalagaan ang mga bata ngayon, kundi sa kung paanong patatagin ang kalooban ko na maging mabuti sa pagtatapat ko sa kanila. Kaya ganito ang naranasan noong bata pa ako nang ang mga duktor na pediatrician ay nagpatingin sa kalagayan ng pag-iisip at emosyon ko, at lumipas ng maraming taon ay kusa na akong pumili ng nabanggit na hanapbuhay para mapagpatuloy sa matutunang pangarap sa buhay ko ngayon."

"At kamusta naman ang pagsasama ng daddy mo sa ngayon?" ang tanong ni ma'am Sally.

"Okey pa rin po ang mag-aama namin," ang sagot ko, "pero minsan may hinihingala ako sa daddy ko na minsan siyang nakikisalamuha sa boyfriend kong si Jomart. Noong isang taon, habang namamasyal kaming mag-aama sa Luneta at nang nagkita pa ako kay Jomart, aba, si daddy ko talaga may isang task pala sa akin at kay Jomart na mag-eye-to-eye contact kami sa kung ano ang nararamdaman at pagnanais namin sa isa't-isa habang nakaupo kami sa bench. Hindi ko alam kung ano ang sariling saloobin ni Jomart habang nagharap kami sa isa't-isa kasabay naman sa paglabas ng saloobin ko. Nakapagtataka naman kung bakit ganito ang layunin ng daddy ko na maging mapagpigil kami sa binabalak namin na mapangligaw na wala pa sa itinakda."

"Sa palagay ko lang," ang sabi ni ma'am Sally, "gano'n lang talaga na kusang binabantayan niya sa 'yo, dahil alam niya na batang-bata pa kayo."

"Alam ko po," ang pagtanggol na paliwanag ko, "pero 'di lamang na ukol sa pagkakaibigan namin, tila para nga bang pinapakialaman ang privacy namin dahil hindi niya hinahayaan ang sarili naming kalayaan na kung ano ang nararapat naming naisin ngayon. At kung sa kabila ng pagtitiwala raw niya ng  boyfriend kong si Jomart sa panahon na kinakaibigan ko siya mula noon hanggang ngayon, ang pangamba ko lang na baka mag-alinlangan pa ang relasyon namin."

"Kung gano'n talaga ang saloobin mo ngayon," ang mababang tinig na sabi ni ma'am Sally, "sana intindihin mo naman ang saloobin ng daddy mo, dahil ayaw daw niyang maligaw ka pa ng landas mo kung binabalewala mo talaga ang paggabay niya sa 'yo. Gano'n din ang responsibilidad ng bawat magulang na inaaalagaan ang kanilang anak... Katulad ng isang tao na pinapalipad ang nadala niyang saranggola, na kung maagap siyang hinihila o binabatak nito ay siyempre hindi talaga ito malayo o mahuhulog."

"Pero hindi ko po talaga mag-iisa sa saliri kong paa," ang sabi ko, "dahil may responsibilidad talaga ako sa pakikitungo ko sa kanya. Hindi ko alam na kung paano ako maiaawat ang ganitong uri ng paghihirit ng daddy ko sa pagkakaibigan namin."

"At paano naman ang pag-aaral ni Jomart?" tanong ni ma'am Sally.

"Sinisikap pa rin po siya sa ngayon," ang sagot ko, "dahil meron daw siyang obligasyon na gagawin."

"Minsan nga ba kayong nag-bonding kay Jomart habang nag-aaral ba kayo?" tanong niya.

"Matagal na po akong nakakilala sa kanya noong high school kami," ang sagot ko, "pero kahit na hiwalay kami sa sariling pagpasok sa kolehiyo ay minsan kaming nagkikita para magkumusta sa buhay namin ngayon. Napakalaki talaga ang hamon na kinakaharap namin kung magtatagal man o magbibitiw pansamantala nang dahil sa sariling pag-aabala namin sa araw-araw, lalung-lalo na sa palaging nagkikita ng daddy ko sa amin. Kaya iniisip ko na kailangan lang akong maging matatag ang kalooban ko pati na rin ang mabuting pagsasama ko kay Jomart, dahil nakasalalay talaga ang anumang pagsubok na ginagalawan namin, mabuti man o may pag-aalinlangan."

"At gaano rin kaya katino si Jomart?" ang hirit na tanong ni ma'am Sally sa akin.

"Mabait naman," ang sagot ko na tila nga bang nag-alinlangan ako, "pero hindi pa ako kinakalap ang tunay na pagkatao niya kahit na matalino siya sa pag-aaral niya at saka tapat naman ang pakikitungo niya sa akin. Kaya sinisiguro ko na mananatili pa rin sa mabuting landas niya nang dahil sa ginagabayan ng magulang niya sa kanya, at ako naman ay binabantayan pa rin ng daddy ko ang kalagayan ko na maging matatag ako."

"Kung gusto mo," ang ideya na sabi ni ma'am Sally, "pwede mo bang maging guest teacher sa mga bata dito sa school namin para tumatag pa na maging masaya ka?"

"Aba, opo," and sagot ko, "pero kailangan muna po akong magpaalam sa profs ko kung matapos ang class hours ko on the following day. O 'di kaya, pwede na po ba akong makipagkumusta ngayon sa kanila kahit isang saglit lang?"

"Oo, sige, walang problema," ang sagot ni ma'am Sally, "pero siguruduhin mo na maging tapat sa kanila para makapagkatiwalaan nila sa 'yo."

************************

Sa paglabas ko ng principal office ng pinapasukan ko noon ng pre-school, kusa akong nagkumustahan muli sa mga mumunting mag-aaral para magpasaya ko sila, tulad ng (1) pagkanta ko ng paborito kong nursery rhymes; (2) pag-speech-in sa pagbabasa ko sa kanila ang iba't-ibang children stories; at (3) ang pag-share ko nang kaunti ang mga nalalaman kong lessons na angkop sa kanila. Mapalad talaga akong tumatatag ang kalooban ko nang dahil sa kanais-nais na gawain nito sa kabila na nag-iisa lang ako at wala akong kasamang tapat na kaklase ko para humingi ng alalay sa akin. Pati na rin si Jomart na balak sana akong inayayahan sa kanya na sumunod sa pinupuntahan ko nito, kaso meron lang daw siyang may mahahalagang abala ngayon.

Sa papaano ko kayang patatagin pa ang ganitong pagsubok sa buhay ko ngayon? May paraan ba ako sa mabuti ang magpaalala sa daddy ko na huwag nang makisalamuha sa pagkakaibigan ko kay Jomart? Makakayanan ko bang baguhin ang ganitong tadhana na ang layunin ko na maging matapat at mapagpigil ang pakikitungo kina daddy ko at Jomart sa akin?

* * *  TO BE CONTINUED * * *

Ang Tatay Kong Nakikisalamuha ng Boyfriend KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon