Chapter Twenty Eight

393 18 1
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT. 

"WHOOOO!PARTY PARTY NA!!!"

"HAPI BERTDAEY MAHAL NAMING KAIBIGANG ADRIAN :D"

"INUMAN NA!!"

Sigaw nila. Wow na OP naman daw si ako. Inuman daw ee. Juice meron?

"Hoy Cel! wag nga kayong magsolo dyan! Hindi to park!! Dito kayo." bigla namang sigaw ni Adrian kay Axcel. Well, kaming dalawa lang naman kasi sa sala ng bahay ni Adrian ee tas lahat sila nandun sa videoke. Ee sa nahihiya ako ee tsaka nag iinuman kasi sila ee. So ano ako dun? Display?? Lumingon sa akin si Axcel.

"Tara dun tayo. " aya niya. Uhhh. Ayaw >.<

"Wag kang mag alala. Hindi ka niyan kakagatin :D Subukan lang nilang anuhin ka, babangasan ko yang mga yan :D" dagdag niya nung hindi ako sumagot. And with that, nawala lahat ng hiya at ilang ko kasi nafeel kong safe naman ako sa piling netong si Axcel. Teka bat ganun? Parang halos lahat ng sinasabi niya kahit hindi naman dapat kakiligan, kinikilig akuuu >///<

Pumayag na ako at pumunta na kami dun.Halos lahat yata may hawak na bote ng alak dun, mapalalaki o babae. Pero okay lang yun, malalaki na sila kaya normal na sa ganyang edad ang magpaka independent. 

"Oy. Wag kang KILL JOY Axcel Ysbarre, uminom ka" sabi naman ng isa pa niyang friend na si Jasper tas binigyan siya ng baso na may alak. Lumingon ako kay Axcel. Tinanggap niya naman to at ininum. Maygolay,huhuhuh T.T umiinom din pala siya? Ideal man ko pa naman, walang bisyo. Kung sa bagay, dala na yan ng generation naten. Karamihan na sa mga lalaki umiinom. Bilang na lang sa daliri Flappy Bird ang lalaking hindi umiinom. Ah teka, wala nga palang daliri yun ano? Games nga lang pala siya -_-

"Tere, marunong kang kumanta?" Tanong naman sa akin ni Kristina. Huwaaattt?? Gusto niyong umulan sa kasagsagan ng summer? No. Masyadong golden ang voice ko na yung tipong ang sarap niyang ibaon sa lupa. Ayokong magasgasan ang pinakaiingatan kong boses kaya wag na lang.

"Uhhh. Hindi ee." nahihiyang tanggi ko.

"Dali na, wag ka ng mahiya, tayo-tayo lang naman ee. You are already belong in our group at meron kami ditong 'uso kapalan ng mukha dito policy'. " sagot niya na tatawa-tawa.

"Oo nga dali na.." kantsawan nila. Ermergesh. NOOOO.. 

"Ahh, alam ko na!!" sabi naman ni Adrian kaya nagsilingunan kami. "Para hindi na mahiya si Tere sa atin, bakit hindi mo muna alayan ng harana si Tere, Cel??" dagdag niya. Nagulat naman kami, lalo na si Axcel na natawa din sa advice niya.

"Oo nga. Masyado kayong nagliligawan diyan ee. Ang tanong, narinig na ba ni Tere yang boses mo?" 

"Dali na wag na maarte!!"

"Yiee, kilig mats ituuu <3" kantsaw nila kaya naman nahihiya man si Axcel, kinuha niya na yung microphone. Yieee, kinikilig akoooo >//<

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now