Chapter Sixty Four

225 7 0
                                    

CHAPTER SIXTY FOUR.


Leandro 's P.O.V.

<A/N: HUWOW! Akalain niyo, for the first time, magkakaroon ng point of view ang ibang characters dito especially si Leandro? Wahaha! Minsan lang naman to ee. Just enjoy reading guys hah! >

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag -iisip ng kung anu -ano. Masisiraan na nga ako ng bait dito kakaisip kung anong pwedeng gawin ee. Teka, nabanggit ko na ba sa inyong bukas ang pinakamasayang araw ng babe ko at ang pinakamalungkot na araw naman para sa akin? Hulaan niyo kung anong meron bukas..

Ang 2nd monthsary namin bukas ng mahal kong si Teresa Ruissel!!

Condolence para sa akin :)

Haaayy! Hindi ko alam kung bakit obsessed ako sa babaeng walang pusong yun! Oo! Wag kayong maingay ah pero badtrip kaya yung babaeng yun! Lagi akong binubugbog at tinatalakan! Pero sa kabila ng lahat gusto ko pa din siya. Nakakainlove kasi yung babaeng yun ee! Ang ganda-ganda, matalino tas ang sexy-sexy pa! Nakaka ano tuloy.. *toot*  wahaha! Im just kidding :)

Ah basta! Bukas na ang monthsary namin! Gusto ko sanang pakiusapan siya at magmakaawang ipagpatuloy na lang namin ang relasyon namin at seryosohin o kaya naman kahit iextend man lang niya ng konti ito, masaya na ako ang kaso wag na lang. Mabibigo at mapapahaya lang naman ako sa harap niya kapag ginawa ko yun ee. Dahil alam kong tatanggihan niya lang ako. Kaya ang iniisip ko na lang ngayon ay kung paanong paghahanda ang gagawin ko bukas para matuwa naman siya. Kung bibigyan ko ba siya ng regalo, dadalhin sa isang romantic na lugar o ewan. Hindi ko talaga alam. Paano ba naman kasi, sa tuwing kasama ko siya, kahit dalhin ko pa siya sa magagandang lugar para idate siya, kahit gaano kamahal pang regalo ang ibigay ko sa kanya, dalawa lang ang reaction niya : 1) Sasabihin niya salamat pero sa napakaboring at napakapatay na boses sabay ngiting peke. 2) Tataas ang kilay niya sabay tanong ng 'Ano na naman to!?' tapos bigla niya akong sasakalin o kaya babatukan. Oh see? Paanong magkakaidea ako kung anong magpapasaya sa kanya?

Kung pwede nga lang tumulay sa lubid sa ibabaw ng crocodile lake gagawin ko ee para makita siyang tumatawa, gagawin ko ee dahil mahal ko siya. Ang kaso, pogi ako. Hindi bagay ang kagwapuhan ko sa zoo ^_^

Anyway, masakit man sa aking damdamin, gusto ko pa din sanang paghandaan yung monthsary namin. Hindi ko alam kung alam niya bang monthsary namin bukas pero wala akong pakielam. Ang importante para sa akin ay yung nararamdaman niya. Alam ko namang kahit minsan hindi niya ako minahal pero gusto ko pa din siyang pasiyahin. Lalo pa ngayon na nakakadanas siya ng problema. G*go kasi yung lalaking mukhang paa na yun ee! Yung mahal ni Teresa! Yung si Axcel. Akala niyo hindi ko alam? Updated kaya ako sa babe ko! Lahat ng nararamdaman niya alam ko. Alam kong nasasaktan siya dahil nahuli niyang may iba yung feeling pogi na lalaking yun. At sa nangyayari, mas lalo akong nasasaktan. Ang gusto ko lang naman makitang nakangiti yung mahal ko ee. Hindi na importante kung nasasaktan ako dahil hindi niya ako mahal. Malaman ko lang na masaya si babe, daig ko pa ang pinakamasayang tao sa mundo.

Kaya ang tanong, ano bang gagawin ko bukas para maging masaya siya? Nasubukan ko na yata ang lahat ng sa tingin ko ay magiging masaya siya pero baliktad ang nangyayari. Lalo lang siyang naiinis sa akin. Ano bang gagawin ko bukas? Dadalhin ko ba siya sa anong lugar para mafeel niyang special siya? Pero saan naman yun? Bibigyan ko ba siya ng regalo para malaman niya kung gaano ko siya kamahal? Nawawalan na ako ng idea. Hindi naman kasi ako marunong neto ee -.- Kahit pa sabihin na nating flirt ako, si Teresa lang ang una kong niligawan.

-Tok Tok -

Hindi pa ako tapos mag -isip ng pinoproblema ko, bigla namang may kumatok.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa baba. " sabi ni manang, yung maid dito sa bahay.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now