Chapter Eight

688 24 3
                                    

CHAPTER EIGHT 

Ay oo nga pala!  Pinalabas ko kanina na pupuntahan ko si Leandro ngayon para lang wag manggulo sa amin ni Axcel ano?  Tsak na nag iintay yun ngayon sa akin.  Maka uwi na nga! 

Tumakbo na kaagad ako papuntang terminal at sumakay ng taxi.  

Teka,  para yatang may iba ngayon?  Hindi ko alam kung ano ee!  Basta para yatang may kulang sa pag uwi ko at pagsakay ng taxi pero hindi ko lang maisip kung ano yun? 

Ah basta!  Teka, siguro naguguluhan kayo kung bakit ako galit na galit kay Leandro ano?  Samantalang wala naman siyang masamang ginagawa sa akin. Kung mapapansin niyo,  kahit may pagkaflirt yun,  isang utos ko lang,  nagbebehave kaagad siya sa akin. 

Ganito kasi yun..  Last year,  tahimik lang buhay ko compare ngayon.  Aral dito, aral dun.  After school,  uwi kaagad sa bahay.  May tropa din naman ako kasama na dun si Angge pero hindi naman nagiging komplikado yung sitwasyon ng buhay ko.  Until one time, tinawag ako ng professor ko sa isang room para magbigay ng documentary sa kanya.  Habang tinatahak ko ang baybayin patungong room 209 kung saan nandun si sir,  may nakasabay akong dalawang lalaking naglalakad din. Nagkatinginan kami nung isang lalaking kamukha ni Park Hyung Seok at bigla niya na lang sinabi sa akin.. 

"Miss!  Naniniwala ka ba sa love at first sight?? " sabi niyang ganun!  Ang kapal ng apog ano? Sarap bangasan ng mukha. Napataas talaga ang kilay ko dun super!! 

Hmmp!  Dumerederetso na lang ako sa room ng prof ko para makalayas na sa abnormal na yun pero ang akala ko,  okay na pero pumasok din siya sa room 209. Tinitigan ko naman daw siya ng masama nun!  Abnormal kasi ee,  hanggang doon ba naman,  susundan ako.  Nabobored siguro siya nuh?  Walang magawa ee. 

"Eh sa second sight naniniwala ka ba? " tanong niya ulit.  

"Hindi! " matapang na sagot ko tapos tumingin na kay sir na nakatulala sa aming dalawa. 

"Mr.  Leandro, bakit type mo si Ms. Teresa?? " tanong ni sir. So Leandro pala name niya.. 

"Teresa pala name mo? " tanong naman niyo sa akin. Tignan mo bastos!  Kinakausap ni sir ee. 

"Mr. Leandro,  nililigawan mo ba tong estudyante ko? "

"Opo sana ee.  Kung okay lang sa inyo? " sabi niya. Hala? Natulala ako dun ah. 

"Ayiiee.. " asar sa akin ni sir.  "Mabait yan si Teresa,  Leandro.  Maganda pa tas magaling. " puri naman ni sir kay Leandro. 

"Syempre,  ako pa. " bulong ko pero narinig nila kaya natawa si sir. 

"Sir,  palabasin niyo po yan!! " sabi ko. 

"Huh?  Pinatawag ko din yan nuh para sa swimming lesson.  Pero,  hindi ko alam na meron palang ligawan na magaganap dito. " sabi niya ng nang aasar. Infernes, tagumpay si sir!  Asar na asar na ako.  Ilink ba naman sa isang lalaking flirt at hindi ko kakilala? May goodness!! 

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now