Chapter Sixty Seven

211 4 0
                                    

Dedicated to Amari Salazar!! Please follow her on twitter: @amariotnis :)

CHAPTER SIXTY SEVEN.

Ang nakita namin? Si Axcel lang naman.

Nakatayo siya mula sa gilid namin at nakatingin siya. Yung mukha niya, hindi maipaliwanag. Para siyang nagulat na pinagpapawisan na kinakabahan na dissapointed na galit na malungkot na ewan!

Naku. Naku. Naku!! Hindi kaya nakita niya lahat? Nakita niyang niyakap ko si Leandro? Binati ng Happy monthsary? At sinabihan ng babe?

NAKU PO! Patay tayo dyan! Hindi pwede to!! Magagalit siya sa akin! Hindi niya na ako susuyuin. Hindi niya na ako hihintayin hanggang sa mabalik yung tiwala ko sa kanya. Ay naku naman Teresa!! Kahit kelan talaga palpak ka! Pakipot ka pa kasi sa pakikipagbati sa kanya. Yan tuloy! Huli kang bata ka!! Hindi pa nga nababalik sa kanya ang tiwala mo, ngayon, tiwala niya naman ang mawawala sayo. Tsk. Tsk. Magdasal ka na Teresa.. Bilang na ang oras mo!

Tsk. Sana kasi talaga, binawas- bawasan ko pride ko ee. Magkaayos na sana kami ngayon at hindi niya sana ako mahuhuli ngayon.

Waaaahh! Ang love life ko, sirang -sira na T.T

Tumalikod si Axcel at naglakad palayo. Ako naman, sa sobrang tense, iniwan ko si Leandro na hindi nagpapaalam at sumunod kay Axcel. Nung time na sinusundan ko siya, bigla siyang tumakbo ng mabilis kaya hindi ko siya naabutan. Siguro ay naramdaman niyang sinundan ko siya kaya siya tumakbo palayo. Pero hahayaan ko ba to? Isa tong malaking gulo kaya aayusin ko to. Kailangan ko siyang makausap kaya nakitakbo din ako.

"Axcel!! " sigaw ko habang tumatakbo. Pero wala pa ding nangyari. Hindi siya tumigil at lalo niya lang binilisan ang pagtakbo.

"Axcel! Saglit lang!! " sigaw ko pa din habang tumatakbo sa kahabaan ng quadrangle namin. Nakakuha naman ako ng atensyon mula sa taong pakalat-kalat dun. Pero wala akong pakielam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay ang atensyon ng lalaking hinahabol ko ngayon na para bang walang naririnig. Maya -maya pa ay naramdaman ko na lang na may nakasunod sa akin na tumatakbo. Lumingon ako para malaman kung sino to pero bigla siyang sumabay sa mga yapak ko kaya nalaman ko na kung sino ito, si Leandro..

"Hi miss (^_^)/" bati niya sa akin habang nakangiting tumatakbo at kumakaway-kaway pa. Ee? Anong miss pinagsasasabi nito? Napataas tuloy ang kilay ko, siguro mga 6 inches xD.

Ah oo nga pala.. break na kasi kami ngayon. Yun yon diba?

"Babe.. ah este Leandro, anong ginagawa mo? "

"Hehe.. tumatakbo.. "

Ah okay. Akala ko kasi lumilipad -.-

"Hindi! I mean, bakit ka din tumatakbo? " paglilinaw ko sa tinatanong ko.

"Ah.. Tinutulungan kita habulin siya :) " sagot niya habang nakangiti. Weh? Totoo? Seryoso? Hindi siya nagbibiro?

"Ows talaga? "

"Oo! Bagal mo kasi tumakbo ee! Wag kang mag -alala, huhulihin ko yun tapos explain tayo mamaya :) So panu ba yan? Una na ako sayo ah bye!! " sagot niya habang kumakaway sabay humarurot ng takbo para mahabol si Axcel na nakalayo na. Tsk! Napailing na lang talaga ako. Pero mabuti yun nuh! Ang bilis kaya tumakbo ng mga lalaki! Mga feeling snatcher sa bilis kaya anong laban ko dun na isa lamang hamak na babaeng lampa na ubod ng kupad xD. Mabuti na lang at may katulong ako haha! Bait talaga ni Leandro ngayon ^_^

Pero kahit nauna na sa akin si Leandro, hindi pa din ako tumitigil sa pagtakbo para maabutan ko na din sila. Habang tumatakbo, bigla ko na lang naramdaman na parang may sumusunod din sa akin. Imposible naman na si Leandro yun dahil nauna na siya sa akin. Kaya naman lilingon naman sana ulit ako para malaman ko kung sino din yung tumatakbo pero hindi na natuloy yun dahil may nadaanan akong isang matanda at pagkatapos ay hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit para hindi ako makatakas. Nanakit nga yung braso ko ee! Tumingala ako sa matandang babaeng pumigil sa akin sa pagtakbo at ng makita ko ito ay nagulat ako nung isa pala siyang janitress sa campus namin. Tatanungin ko sana siya kung anong dahilan para pigilan niya ako sa pagtakbo at para pigain niya ng sobra ang braso ko pero bigla ko na lang naalala yung sumusunod sa akin. Mula sa pagkakatingin ko sa mga mata nung janitress ay nararamdaman kong napahinto din yung taong yun dahil naaaninag siya ng mga mata ko mula sa gilid. Lilingon na sana ako sa kanya para malaman kung sino siya pero hindi na naman po natuloy dahil biglang nagsalita yung janitress.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now