Chapter Forty Nine

263 10 2
                                    

CHAPTER FORTY NINE. 

-Kring kring -

-Kring kring - 

-Kring kring -

Dali-dali akong pumunta sa telephone, umaasang tawagan na ako ulit ni Axcel. 

"Hello? "

"Hi Teresa, si Theo to. "

Ah, si Theo.

"Hi! Bakit ka napatawag? "

"Pumunta ka ngayon sa school. Binubungangaan na kami ni Director. Hinahanap ka na niya kanina pa.. " sabi niya. Waahhh anong problema? 

"Hala, yari ka ms. president! Asan ka na? Dalian mo kung ayaw mong matsugi!! " bigla namang may sumabat na isang boses ng lalaki na sa tingin ko ay si Sean. 

Huhu. Kinabahan tuloy ako. 

"Shhhh.. ano ba Sean! " saway ni Theo. Sabi na ee, si Sean yun. Siya lang naman ang bully ng barkada ee. "Wag mo intindihin yun si Sean, Tere." 

"Ah, okay lang yun.  Basta pumunta ka na ngayon para makapag explain ka na. "

"Okay. 5 minutes, andyan na ako. "

"Sige hihintayin ka namin.. "

Toooott.. 

Agad akong nagbihis at lumipad papuntang school. Joke lang, tumakbo ako ng mabilis at sumakay na ng taxi para makapunta na ako ng mabilis dun. 

My gosh, nanlalamig tuloy yung yung kamay ko sa nerbyos. Ano naman ba kasing ginawa kong mali? Ginagawa ko naman ng maayos yung tungkulin ko ah. 

After 5 minutes, nakapunta na ako sa school. Tumakbo kaagad ako papuntang AVP room kung saan nandun lahat sila. 

-Eeeeennnggg-

"Hello po, good morning :) Sorry for being late. " sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Pero ang tumambad lang sa akin ay ang mga members ko.

"Huh? Asan si Director? " tanong ko. 

"Umalis muna saglit, uminom yata. " sagot ni Theo. 

"Mukha kasing hahigh blood-in ee sa sobrang galit. " dagdag ni Mel. 

Waaaahhh!! Kwento pa lang, monster na ang dating. Paano pa kaya kung makaharap ko na siya? 

"Yari ka.. " asar pa sa akin ni Sean. 

"Ano ba Sean! " galit na saway ni Theo sabay kaltok.

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon