Chapter Seventy Three.

162 7 0
                                    

CHAPTER SEVENTY THREE.  

TERESA'S P.O.V.

O_____O

"Oh Teresa!! Anong ginagawa mo dyan!? " 

Napatingala ako mula sa pagkakatungo ko ng may magsalitang babae. Pagtingin ko, si Tita Angie pala yun, yung mommy ni Axcel at kasama ang daddy ni Axcel na si Tito Aaron. Gulat na gulat sila dahil nakita nila akong nakatungo sa mga tuhod ko habang nakasandal sa gilid ng labas ng bahay nila. Oo, hanggang ngayon hindi pa din ako umuuwi at nanatili lang dito. Siguro mga 2 hours na akong nandito. Mukha akong tanga diba? At mukha ding pulubi pero wala akong pakielam. Gusto ko lang talaga munang magstay dito at isa pa, wala akong lakas para umuwi dahil sa mga sinabi niya kanina. Nanlambot ang mga tuhod ko dun. Nakakainis naman kasi ee! Hindi man lang niya ako binigyan ng second chance. Kaya ko nga siya hinahabul-habol dahil gusto kong magkaayus kami ee. Kaya ko siya kinukulit dahil gusto kong mag explain, so meaning, may gusto akong itama sa mga nalalaman niya. At kaya ako nag eeffort ng ganito dahil mahal ko siya. Tapos siya binabalewala niya lang ako? Dapat nga magpasalamat siya ee. Pag ako nagsawa.. nakoo! Sa tingin niya ba kung wala lang siya sa akin, papagurin ko sarili ko makausap lang siya? Di nag -iisip -.- Puro galit pinapairal! Tas tinataboy pa ako. Hindi na siya nakuntento sa sinabi niyang masasakit at masasama sa akin. Akala ko tapos na tas eto na naman, may part 2? Bukod sa sinabi niyang hindi niya na ako mahal, Aba! Pinapalipat pa ako ng school o bahay para di na kami magkita! Ang sakit kaya!! Grrr! Packing tape din tong Axcel na to ee. Kung hindi ko lang siya mahal minura ko na siya!! Ee kung umalis na lang talaga ako? Total hinahamon niya naman ako ee kaya sige! Basta pag ako nawala, wag na wag niya akong mamimiss kundi idodonate ko lahat ng dugo niya!! 

-pitik pitik-

Nagising na lang ang diwa ko ng mapansin kong pumitik sa tapat ng mukha ko si Tita Angie.  

"Uy Teresa ano bang nangyayari sayo? " sabi niya pa tas si Tito Aaron naman bigla akong tinulungan sa pagtayo. 

"Nak tumayo ka dyan. Ano bang problema? " 

"Ah wala po. Wala po.. Sige po una na po ako. Bye po :)" sabi ko sabay takbo pero hindi ko nagawang makatakas dahil bigla akong hinila pabalik ni tito Aaron sa harap nilang dalawa. Nagulat naman ako dun pero walang sinabi si Tito Aaron pero tinignan niya lang ako na para bang inuusisa ako. 

"Teka, uuwi ka kaagad? Kakadating lang namin ah. Tsaka hindi ka pa pumapasok, tumuloy ka muna.. Sa amin ka na muna mag lunch. Nandyan si Axcel sa loob kaya wag ka ng tumanggi :)" sabi ni Tita Angie. 

"Ah wag na po. Okay lang po talaga sa akin.. " pagtanggi ko pa. Magsasalita na sana ulit  sana si Tita Angie pero hindi natuloy dahil nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto. Paglingon namin lahat, nakita namin si Axcel at gulat na gulat yung reaksyon niya. Siguro kasi dahil nakita niyang hanggang ngayon ay narito pa din ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagsalita pa at bumaling na lang sa parents niya dahil kung siguro nagreact pa siya, mabibisto pa kami.

"Ah.. ma.. nandito na pala kayo??" parang ewang sabi ni Axcel. At nawirduhan naman sa kanya ang mommy niya dahil dun.

"Huh? Tinawagan kita diba? Anong nangyayari sayo? Ay anyway, si Teresa hindi mo papansinin??" sabi ni Tita at tinuro pa ako. Nailang naman akong tignan si Axcel kaya yumuko na lang ako at pagkatapos ay inalis ko na yung kamay ni Tito Aron sa braso ko.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now