Chapter Sixty Five.

275 6 1
                                    

CHAPTER SIXTY FIVE. 

TERESA'S P.O.V.

Kinabukasan.

-Kring kring -
-Kring kring -
-Kring kring -

Nagising na lang ako dahil sa tumatawag sa cellphone. Agad ko naman tinignan yun at ng makita ko ito, si Leandro pala.

"Hello? " 

"Hello babe!! Good morning ^_^"

"Good morning din babe.. " sagot ko. Wala ee, kailangan kong magpakabait at tawagin siya ng ganyan diba nga dahil sa wish list?

"Kumusta? "

"Eto kakagising lang.."

"Ay sorry nagising yata kita."

"Ayus lang."

"Okay? Salamat :) May pakiusap lang sana ako okay lang ba sayo? "

"Oo naman, ano ba yun? "

"Ah teka muna saglit. Bago ko sabihin, itatanong ko lang kung may naaalala ka ba ngayon? "

"Hah? Naaalala? "

"Oo. Kung anong araw ngayon? "

"Hmmm.. Ano ba ngayon? Thursday. Bakit?"

"Ah okay sige. Wag mo na intindihin yun, wala yun. Nevermind na lang haha!! "

"Weh? Ano bang meron? Yun tawa mo kasi peke ee.. "

"Hindi wala. Wag mo na problemahin yun. Kalimutan mo na yung tinanong ko. "

"Sigurado ka? Okay ka lang? Bakit ka malungkot? "

"Hindi ako malungkot! Ako pa ba? Hindi ako marunong nun!! "

"Sige? Teka, ano nga ba ulit yung sasabihin mo ulit? "

"Ah oo nga pala. Ano kasi ee.. Uhmm babe.. pwede bang magkita tayo ngayon sa room 501 ng school?"

"Huh? Bakit? "

"Teka, ayaw mo? "

"Hindi naman sa ganun pero.. "

"Please babe.. Kahit sa huling pagkakataon sana pagbigyan mo ako please.. "

"Teka. Teka. Teka. Naguguluhan ako! Sana sa huling pagkakataon? Bakit? Aalis ka ba? San ka pupunta? Mamamatay ka na ba? "

"Hindi babe. Hindi ako aalis, palagi lang akong nasa tabi mo.. "

"Then bakit ganyan ka magsalita!? Huy wag mo nga akong takutin! Una, bigla kang lumungkot. Pangalawa, pahina ng pahina na yung boses mo habang nagsasalita ka. Tas ngayon hihiling ka sa akin na puntahan kita sa huling pagkakataon? Ano to huling habilin!? Hoy hindi magandang biro to hah!? "

"Haha " tawa ulit siya ng peke. "Nakakatuwa naman at kahit papaano may concern ka sa akin ano!? :)"

"H- hindi nuh! Assuming ka!! Natatakot lang ako dahil baka multuhin mo ako!! "

"In denial -.- Okay sige, sabi mo ee.. "

"Isipin mo kung anong gusto mo!! Teka nga! Umiiwas ka sa tanong ko ee! Bakit ka nagkakaganyan!? "

"Ah basta. Wag ka ng masyadong matanong. Para sa akin, puntahan mo na lang ako dun. Bye.. "

Tooooott..

"Saglit!! "

-.- Binabaan ako. Grrr! Nakakapangworry tuloy. Ano kayang meron at ganyan siya? Ano kayang dahilan at nakikipagkita siya sa akin? 
--

@School.

Gaya ng hiniling ni Leandro, pumunta kaagad ako ng school kahit na walang gagawin ang SSC ngayon at takut na takot akong pumasok sa school. Ee sa mga katakut-takot ba namang pagbubulungan at sama ng tingin na inaabot ko sa mga taong hindi ko kilala, sa tingin niyo hindi ako magkaka xenophobia nito? Pero para kay Leandro, gagawin ko to. Ano nga kaya kasing kailangan niya? Emergency kaya to? Nakakakaba. Ngayon lang naging ganito si Leandro.

Pagdating ko sa elevator ay agad akong nagtungo sa 5th floor. Mga ilang saglit lang ay bumukas na ito at nakarating na ako sa floor na pagkikitaan namin ni Leandro. Habang naglalakad patungong room 501, napansin kong nakabukas ang pintuan ng kwartong yun. Inakala kong baka may nagkaklase doon pero naisip kong baka si Leandro lang yun kaya binilisan ko na ang pagpunta dun. Nung tyempo namang papasok na ako sa room 501, nagulat na lang ako ng bigla na lang may lumabas na lalaki sa pinto at hinarangan ako. Sumandal siya sa isinara niyang pinto at lumingon sa akin habang nakangiti.

Hindi si Leandro yun, kundi si Adrian.

Teka, asan ba si Leandro? Nasa loob ba siya ng room na yan? Bakit niya kasama ang isang yan! Bahala nga siya dyan! Ayoko ng nakikita si Adrian kaya dun na siya! Nakakawalang gana tuloy. Uuwi na lang ako.

Matapos kong makita si Adrian ay agad akong umirap sa kanya sabay talikod at naglakad. Papansin kasi ee! Ngingiti -ngiti pa! Akala niya natutuwa ako. Nung mga oras na tumalikod at naglakad ako ng mga ilang steps palayo kay Adrian ay may bigla namang nagbukas ng pinto ng room 502 kung saan madadaanan ko patungong elevator. At ng bumukas ang pinto nito, kasabay na rin ang paglabas ng isa na namang lalaki. Si Chris, isa din sa kampon nung Axcel na yun. Humarang siya sa daraanan ko at gaya ng ginawa ni Adrian, ngumiti din siya sa akin na para bang may gagawing masama.

Teka, may nangyayari bang hindi ko alam? Una si Adrian, tapos ngayon naman si Chris? Ano to? Mga alagad ni Satanas nagsisilabasan sa 5th floor!? Oh my!! May susunod pa ba? Nakakatakot!! 

Wala na akong nagawa. Sa likod, si Adrian ang nakaharang. Sa harap naman, si Chris. Ee san pa nga ba ako pupunta? Kinorner na nila ako. Ang pag-asa ko na lang para makatakas ay kung tatakbo ako sa gawing kanan ko. Sa kanan ko ay may space pa para tumakbo. Pero kapag tumakbo naman ako, malamang hindi rin ako makakatakas sa kanila. Mga barako kaya to! Ano na naman ba kasing intensyon nila? About kay Axcel na naman ba? Nakakasawa na ah! Uso magmove on ano? Maya-maya na lang, di ko namalayan na may nagform na isang anino sa amin tas nung napalingon naman ako sa gawing kanan, si Axcel nakita ko na kakalabas lang mula sa kabilang room na kaharap ng room 501 & 502. Nagulat ako dun pero nagsawalang bahala lang ako at umismid para mapakitang wala na talaga ako sa kanyang paki. Sinubukan kong umakto pa din ng maayos at humakbang ng isang beses pero nagsilapitan din sila sa akin ng isang hakbang kaya napaatras din ako sa dati kong pwesto at napalunok din ako sa kaba. Ano bang palabas to? Para silang mangangain!! Nagsama-sama pa silang tatlo para cornerin ako. Napakamalas ko talaga! Tumingin ako sa paligid, bukod sa amin wala ng ibang tao na pwede kong hingan ng tulong >_< Anong gagawin ko?

Pero hindi nila pwedeng mahalata na kinakabahan na ako sa pinaggagagawa nila kaya tinignan ko sila ng isa -isa habang nakataas ang kilay. Matapos kong gawin yun, si Axcel unti -unti nang lumalapit sa akin habang seryoso ang mukha. Napaatras tuloy ako ng napaatras para lumayo sa kanya pero sa huli, napasandal na lang ako sa pader kaya naabutan niya din ako. Nilapitan niya pa ako ng nilapitan hanggang sa magkadikit na ang mga noo namin. Hinawakan niya naman ang kamay ko pagkatapos. Nakakainis lang! Ano tong palabas niya? Sa tingin niya ba bibigay ako sa ginawa niya? Wala siya sa koreanovela para magdrama ng ganto. Pumiglas nga ako sa paghawak niya sa kamay ko!

"Bitaw! " sabi ko sabay bagsak sa kamay niya at lakad palayo. Pero badtrip lang dahil katulong niya sina Adrian at Chris kaya naman nakuha nila akong dalawa.

"Whop! San ka pupunta hah!? "

"Dito ka lang!! "

Sabay na sabi nung dalawa at pagkatapos ay hinawakan nila ako ng mahigpit sa magkabilang kamay at pinasok ako sa room. Sumunod naman sa amin si Axcel.

Argh! Ano ba tong ginagawa nila sa akin? Pinagtutulungan nila ako! Kawawa naman ako -.-

"Pre, ikaw na bahala dito! Gawin mo na kung anong gusto mo sa kanya *evil grin *" sabi ni Adrian kay Axcel.

O_____O 
*gulp* Ano daw sabi niya?

"Pag may kailangan ka, dun lang kami sa labas ah!! " sabi naman ni Chris.

"Oo pre salamat sa tulong ^_^" sagot naman ni Axcel sa kanilang dalawa sabay nakipag- apir.  Matapos nun, binitawan na nila ako sabay labas ng pinto. Agad naman akong tumakbo at sumunod para makalabas pero huli na ang lahat dahil nailock na nila ito T.T Pinilit ko pa ngang buksan ito ng maraming beses pero kulang energy ko ee.

"Wala ka ng magagawa dyan. " comment ni Axcel sa akin kaya naman napabitaw na ako sa hawak kong door knob at lumingon sa kanya.

"Kung ako sayo, upo ka na lang dito sa tabi ko.. " dagdag niya pa sabay pumalo-palo sa upuang katabi niya.

"As if namang tatabihan talaga kita dyan nuh! " mataray na sabi ko sabay irap. Tumayo naman siya kaya napaatras ako. Bakit ganito pakiramdam ko? Bakit ba sa bawat kilos ni Axcel parang anytime may mangyayaring masama sa akin -.-

Lumapit na naman siya sa akin.

"Subukan mong lumapit. Papatayin kita!! " sabi ko pero parang wala lang siyang narinig. Lumapit pa din siya sa akin at nung nasa harap ko na siya, nagulat na lang ako nung yakapin niya ako.

"Ano ba!? Alis dyan!! Layuan mo ako!! " sabi ko sa kanya habang tinatanggal yung mga kamay niyang nakayakap sa akin.

"Ssshhh.. wag ka na munang pakipot dyan Teresa. Parang dati naman, hindi ko ginagawa sayo to? Hayaan mo muna ako.. " bulong niya naman sa tenga ko habang hindi pa din ako binibitawan.

Anong pinagsasasabi niya? Ako pakipot? Teka, asan na ba yung balisong ko? Pigilan niyo ako! Sasaksakin ko na to!!

"Hoy! Mukha mo pakipot! Bitawan mo ako! Kung akala mo natutuwa ako ngayon, pwes hindi!! Alis dyan!! " gumagaralgal na sigaw ko sa kanya sa sobrang inis. Pero ang sinabi lang niya? Oh eto..

"Sobrang namiss kita.. Musta? :)"

Gamit ang napakalambing na boses na nakakapanglambot. Natulala nga ako ee at bumagsak bigla ang dalawang kamay ko na pilit na nag -aalis sa mga kamay niyang nakayakap sa akin.

Namiss din naman kita ee..

AY!! Waaaahhh!! Ano tong sinasabi ko? Teresa Ruissel please lang! Tumigil ka dyan ka sa kahibangan mo!! Gisiiinnggg!! Wag ka magpadala dyan!! Pinapaikot ka lang niya!!

Tama. Nanghy- hypnotize lang yan -.-

"Oh tapos? Pakielam ko? "

"Magbati na tayo please.. "

"Ayoko. Sumama ka na dun sa babaeng yun. Lapit ka ng lapit! Saan banda ba ng kinikilos ko ang hindi mo maintindihan? Ayoko na nga ee!! As in cannot be borrow one! Ganun.. "

"Talaga bang ayaw mo na sa akin? " tanong niya sa akin tas umalis na siya sa pagkakayakap sa akin pero nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

"Kung gusto kita, edi sana magkaayos tayo ngayon." simpleng sagot ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Nagkakaganyan ka lang dahil galit ka sa akin at nagseselos ka kay Stefanie.."

"Hindi ako galit! At mas lalong hindi ako nagseselos! " naiiritang sabi ko sabay alis na sa harap niya. Umupo na lang ako sa isa sa mga upuan dun at tumalikod sa kanya. Sumunod naman siya sa akin at tumabi kaya mas lalo akong nainis.

"Ano ba!? Hinayaan na nga kita dun ee! Magpakasaya ka dun sa babaeng yun. Bakit ka ba sunud ng sunod sa akin? "

"Dahil hindi naman ako masaya dun sa babaeng yun! Sayo lang ako sumasaya. At ngayon, kahit anong paraan gagawin ko. Sundan man kita araw -araw, ayos lang sa akin magkabati lang tayo. "

"Haha! Ang galing mo ding magjoke ano? Sa tingin mo maniniwala ako sayong sa AKIN ka talaga sumasaya? So paano mo nagawa yun aber? Alam kong wala ako sa lugar para question- in ka dahil hindi naman tayo pero ang dating mo pa rin sa akin, manloloko ka. "

"Oo. Tama ka naman dun ee, nagkamali ako. At kahit hindi kita girlfriend, lumalabas pa rin na nagcheat ako sayo. Kasi nililigawan kita ee. Sinabi kong mahal kita, at pinadama ko pa sayo na mahal talaga kita. Pinangako ko sayong mag -iintay ako ng kahit ilang taon para sagutin mo ako pero, anong ginawa ko? Nahuli mo akong nambababae. "

"Oh ee ayun naman pala ee! Buti alam mo.. Ano pang pinag -uusapan natin dito? "  sabi ko tapos tumayo na at dederetso na sana sa pintuan para lumabas pero nagsalita siya kaya napahinto ako.

"Teresa bat ganyan ka? Ang tigas-tigas mo.. Gusto kong magkabati na tayo pero ikaw tong layo ng layo. " comment niya. Humarap ako sa kanya.

"Tumigil ka na. Ayoko na. Wag mo na akong kulitin. Maghanap ka na lang ng ibang lolokohin mo. "

"Hindi kita niloloko Teresa!! Totoo ang nararamdaman ko sayo. Sadyang nagkamali lang talaga ako. Kaya nga pinipilit kong kausapin ka ng paulit -ulit ee. Dahil mahal kita at ayokong mawala ka. At kahit lagi mo akong tinatakwil dahil lagi mong sinasabing hindi mo na ako mahal, patuloy pa din ako kasi alam kong may pag -asa. At kahit anong gawin mo, malakas ang pakiramdam kong nagsisinungaling ka sa akin. " sabi niya tas tumayo siya at sinundan ako. "Please, pakinggan mo muna ako Teresa. Ieexplain ko lahat para maintindihan mo ako.." dagdag niya.

Nako! Nagpaawa epek na! Tsk. Tsk.

Pwes sinasabi ko sa kanya na tagumpay siya. Umupo ulit ako sa kaninang inuupuan ko at ganun din naman siya. Haaayy di ko malaman ang sarili ko!

Ang sabi ng isipan ko: " Hoy Teresa!! Wag kang makinig dyan! Tumigil ka na para di ka na masaktan pa ulit. Magmove on ka na sa lalaking yan! Wala pa ngang girlfriend, to the left to the right, babae niyan sabay-sabay at isa ka na dun! I suggest you stop! He don't deserve your love! May mas better pa sa kanya.."

Ang sabi naman ni heart : " Teresa, pakinggan mo na siya. Tumigil ka na sa pagdedeny mong hindi mo na siya mahal! Sige ka, magsisisi ka kapag nagbago isip niya ikaw din mahihirapan.. Gusto mo din namang magkaayus kayo diba? Eto na yun!! Wag mo na palampasin. Kaya go na! Ipush mo na yan day!"

Oh see? Hirap pumili! Sino ba pipiliin ko? Si mind o si heart?  Si mind iniisip yung pwedeng kahahantungan nito kung hindi ako mag -iingat. Si heart naman puro pansariling kaligayahan ang gusto.

Ee ano pa nga bang magagawa ko? Gulong-gulo man ako sa pagpili, nananaig pa din ang puso ko. Kahit natatakot akong pwede akong masaktan ulit sa huli, eto ako, bumigay na naman kay Axcel at willing pakinggan ang lahat ng sasabihin niya. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko o hindi pero hindi ko rin masisisi ang sarili ko. Siguro kasi ganito talaga kapag may mahal ka. Palaging nasusunod ang puso at palaging talo ang utak. At kahit mabigo at masaktan ka ulit sa bandang huli, at least hindi ka magsisisi sa pinili mo. Dahil at least naranasan mo pa ding maging masaya sa naging desisyon mo. Yun naman siguro talaga ang mahalaga kapag nagmamahal ka hindi ba? 

Gaya ng nasabi ko, naniwala ako sa puso ko. Naging buo na ang desisyon ko na papakinggan ko siya. Hindi ko alam kung totoo ba ang sasabihin niya o puro kasinungalingan lang pero wala akong paki. Ang intensyon ko lang ay ang malinawan at maiintindihan siya kung bakit kami nagkakaganito.

"Uh.. Teresa, bago ako mag explain may itatanong sana ako sayo? " sabi niya sa akin. Hindi ako sumagot at hinintay lang ang mga susunod niyang sasabihin.

"Kung sasabihin ko ba sayo ang lahat? Magkakabati na ba ulit tayo? "

"Depende. Basta ba siguraduhin mo lang na totoo yung sinasabi mo o kaya naman paniwalain mo na lang ako sa mga kasinungalingan mo, magkakabati tayo.. " sabi ko. Syempre kahit ba pinagbigyan ko na siyang mag explain, kailangan ko pa rin ipakitang matapang ako para hindi niya mabilog ang ulo ko.

"Uh! Hindi! Hindi! Totoo lahat ng sasabihin ko sayo.. " nagpapanic namang sagot niya sa sinabi ko.

"Okay. "

"Teka, isa pang tanong. Sana sagutin mo ako. Kahit minsan ba minahal mo ako? Para kasing bigla akong naguluhan. Naramdaman ko naman sayo dati na gusto mo ako ee. Pero bigla kong naalala, nung sinabi mo yung nararamdaman mo sa akin noon, nakalimutan kong crush lang pala ang sinabi mo. At malaki ang pagkakaiba nun sa pagmamahal. Isa pa, bago kita niligawan, hindi ba ang tunay na mahal mo ay si Theo? Nung isang araw, ang lakas pa ng loob kong ipamukha kina Theo, Leandro, dun sa isang lalaking hindi ko kilala na humila din sayo na sundo mo daw at sa lahat ng taong nanunuod noon sa atin na ako ang tunay mong mahal. Pero ngayong narealize ko na, gulong gulo na ako. Nasasaktan tuloy ako ngayon sayo. Bukod kasi na pinaparamdam mo sa akin na wala kang pakielam kahit mambabae ako at makipaghalikan sa iba, parang ang bilis mo pang makalimot at agad na naging kayo ni Theo. Teresa, minahal mo nga ba ako? O na- misinterpret lang kita? " tanong niya at napataas naman ang kilay ko sa kanya.

"Bakit ba ang dami mong tanong!?"

"Dahil gusto kong malaman. Baka kasi ang buong akala ko mahal mo din ako pero yun pala ako lang ang may nararamdaman sayo."

"So sa tingin mo ginamit lang kita ganun? Pinapalabas ko lang na mahal kita pero hindi naman pala? Yun ba ang point mo? Ako pa ngayon ang lumalabas na manloloko? Hindi ba ikaw tong may kakissing scene dun sa may loob ng gym? " pagtataray ko.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, Teresa. Mali ka ng intindi. Ang gusto ko lang malaman, kung minahal mo din ba ako? Ni minsan hindi mo ako nasabihan ng I love you. Sino ba talaga sa amin ng bestfriend mo ang tunay mong mahal? "

"Baliktarin kaya natin ang sitwasyon? Ikaw ngayon ang tatanungin ko.. Kahit minsan ba minahal mo ako? " sagot na tanong ko sa tanong nya. Bat ganito ang nararamdaman ko? Willing na nga akong pakinggan siya pero naiinis na naman ako.. Lakas kasi niyang magtanong ee. Para ba sa kanya, ako yung manloloko? Bakit niya dinadamay si Theo sa usapang to? Dahil ang akala niya, boyfriend ko na siya ngayon? Binibigyan ko lang naman ng chance yung tao ee.

Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin ng matagal.

"Oh ano? Anong sasabihin mo? Hindi ka makasagot sa akin kasi totoo na hindi mo ako minahal!! " comment ko.

"Mali ka Teresa! Mahal kita ano ka ba? Hindi ko ba naipakita sayo yun? "

"Aba malay ko ba kung trip lang yun!? "

"Hindi nuh! Simula nung nakilala kita, nagustuhan na kita. Lalo pa at nung araw na yun, umamin ka na kaagad sa akin na gusto mo ako. Naging interesado tuloy ako sayo dahil sa ginawa mo at pati na din nagandahan ako sayo. Pero hindi ka naman nagpakilala sa akin at agad na umalis matapos mong sabihin ang nararamdaman mo sa akin noon. Oo aaminin ko, may mga kumantsaw sa akin na mga tropa kong ligawan daw kita kahit hindi kita gusto dahil ang cool mo daw sabi nila. Pero hindi kita niligawan dahil sa kanila. Sadyang nakuha mo lang talaga ang atensyon ko. Simula nga nung araw na yun, sinundan na kita ee pati sa pag -uwi mo kaya nalaman kong magkatabi tayo ng village. Naghanap na din ako ng source para malaman ko ang lahat sayo at mabuti naman may nakausap akong isang kaklase. Ang sabi niya kilala ka daw talaga sa school dahil vice president ka daw ng student council. Nakakainis nga dahil bakit hindi kita kilala. Ang sabi niya, Teresa Ruissel daw ang pangalan mo. Accountancy ang course mo at second year ka. Friend ka daw niya sa facebook at may number ka niya kaya agad ko tong hiningi. At nung makauwi ako sa bahay, nakakahiya man sayo pero ini-stalk kita sa facebook. Dun ko nalaman lahat ng impormasyon sayo gaya ng kung ilang taon ka na, mga hobbies mo at hilig mo, pati na din lahat ng gusto kong malaman sayo. Kaya nga nung malaman kong kpop fan ka, kahit hindi ako interesado pinilit kong kahiligan ko din yun para sayo. Tanda mo ba nung una tayong lumabas na magkasama, sinabi kong mahilig din ako sa EXO? Hindi mo alam pero dahil yun sayo. Bumili pa ako ng ticket ng concert nila dahil alam kong hindi mo palalampasin yun. Kaya kinabukasan matapos ang pagtatapat mo sa akin na crush mo ako, nilapitan agad kita. Tinanong pa nga kita kung anong pangalan mo para hindi halata pero ang totoo, alam ko na ang lahat sayo.. Mahal talaga kita Teresa. Paniwalaan mo ako.. "

O_____O 

Whoah. Nawindang ako saglit..

T-teka, talaga bang yan ang ginawa niya? Totoo bang nagustuhan niya ako kaagad noon? Ginawa niya ba talagang sundan at i-stalk ako gaya ng ginawa ko sa kanya two years ago? Ginawa niya ba talaga lahat yun para sa akin?

Waaaaahh >_<
Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Leche flan naman oh!! Parang mahihimatay yata ako ngayon. Ay Teresa, wag kang maharot! Umayos ka! Wag kang ngumiti, umayos ka ng upo, itaas mo kilay mo kundi mahahalata ka!!

Tumingin ako sa kanya at iniwasang ngumiti sa kanya. Ewan ko kung nagawa ko ng tama yun pero nakita ko siyang nakangiti sa akin ee. Ang awkward tuloy. Baka iniisip niya, ang dali kong utuin.
 
Pero no! Ayoko ng ganun! Ayokong mabisto niyang kinikilig ako kaya nagtaas na din ako ng kilay.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now