Chapter Fifteen

518 21 3
                                    

CHAPTER FIFTEEN.  

-tiktilaok-

ZZzz.. 

Haaayy! Ano ba namang alarm yan! Natutulog pa kaya ako! Bastos! 

Ay teka! Hala! Wat time na ba? 

Bumangon kaagad ako at tinignan yung oras! Takte! Nalimutan ko iset ng 6 a.m. yung alarm clock argh! 7:30 na!  30 minutes to go.. 

Kumilos kaagad ako. Kumain, naligo, nagbihis then sumakay agad-agad ng taxi. Tokwa! Yan ang napapala ng puyat ee! Concert pa! -_-

Pagdating ko dun, late na ako ng 10 minutes.  Pero okay lang yun, malakas ang prediction kong wala pang attendance ngayon :)

Tumakbo na lang ako ng mabilis. Hindi ko muna iintindihin yung skirt at heels ko ngayon. Ang mahalaga, makaabot ako sa attendance ni Maam na masunget. 

Takbo. Takbo. Takbo. 

Sa sobrang bilis ko, halos lumipad na ako.

Pisting hallway to oh! 10 kilometers!? Olympics ba ittuu? 

Luckily, nakaabot ako sa elevator. Kaso, under construction daw kasi inover load ng mga pasaway na HRM students kaya hagdan na lang daw muna. Ay nakooo. Anong siglo pa ako makakapunta dun!? 

CRAAACCKKK!! 

AAAAAWWWWTTTSSSS  TT^TT

Kasalukuyan akong tumatakbo sa kahabaan ng edsa,  ay este sa hagdan pala ng biglang sumabit yung takong ko sa baitang ng hagdan. Naputol tuloy! At ang masaklap pa, natapilok ako huhuhu. Hindi ako makatayo.. Panu na to? Buti na lang walang taong dumadaan kaya walang nakakita sa katangahan ko. 

"Teresa! " isang boses ng lalaki ang narinig ko. Lumingon ako sa paligid at nakita kong nakatayo sa bandang likuran ko si Theo. 

"Anong nangyare? " nag aalala niyang sabi. 

"Natapilok ako. Hindi ko maigalaw yung paa ko huhuh "

"ANO!?  HAAY NAKU NAMAN! "pagalit niya sa akin tapos binuhat niya ako. May gulay! Nakakailang ah! 

Pumunta siya isang sofa na nakapwesto sa gilid ng hagdan. 

"Di ka kasi nag iingat ee! " sabi niya tas inupo niya ako dun sa sofa at tinignan yung paa ko.

"Argh! Wag mo na akong pagalitan! Nagmamadali lang ako kaya ako tumatakbo sa hagdan"

"Kasi late ka? Tignan mo ngayon, mas lalo ka pang hindi makakapasok sa nangyari. Sana kasi nag flats ka na lang. Nakakamatay kaya yung high heels mo"

14000 Peso BetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang