Chapter Forty Five

261 11 1
                                    

CHAPTER FORTY FIVE.

-Kring kring -

Habang pagod na nakahiga ako sa kama ko dahil sa date namin ni Leandro kanina, nagulat ako sa biglang tumawag na si Axcel.

"Hmmm?? " sagot ko habang nakapikit. Inaantok na kasi ako ee.

"Hi Teresa,  I miss you. Hindi mo kasi ako tinetext this day ee. Wala ka pa din bang load? Gusto mo paloadan kita? " tanong niya.

Grabe, inaantok na talaga ako. Pero no choice, kelangan ko tong sagutin.

"Huh? Wag na. May load na ako ngayon. "

"Ganun? Ee bakit hindi mo ako tinetext. Halos mamuti na mata ko kanina kakaintay sayo."

"Ay sorry, masyado lang akong napagod ngayon. Hayaan mo bukas babawi ako sayo.. "

"Talaga? Salamat! Kaya mahal na mahal kita ee :) Ay teka, bakit ka napagod ngayon? "

"Ah kasi nanakit lang yung katawan ko kakalakad, kakabike, tapos nahulog pa ako sa bangka. "

"Huh? Anong sinasabi mo? Diba nagreunion lang kayo ng mga relatives mo? "

O_______O

PATAY. NALIMUTAN KONG NAG ALIBI NGA LANG AKO.

Yari talaga! Anong gagawin ko!? Bigti!? Ano!? Anong idadahilan ko? Isip. Isip. Isip.

"Ah.. ano kasi.. tama.  Nagreunion kami. Pero naisipan din naming mamasyal kaya yun. "

"Ah okay. Akala ko tinotoo mo yung pakikipagkita mo dun sa katextmate mo ee wahaha xD "

"Hehe hindi naman :) Anyway Axcel, okay lang ba sayo na bukas ka na lang ulit tumawag? "

"Huh!? Ayaw mo na akong kausap? "

"Hindi sa ganun. Pero pagod talaga ako ngayon at inaantok pa. "

"Ay ganun ba? Sige naiintindihan ko. Good night na lang sayo. Bye I love you.. "

"Salamat, Good night din. Bye :)"

"Ay teka.. "

"Huh? Bakit? "

"Kulang.. "

"Ng ano? "

"Wala bang ano dyan.. "

14000 Peso BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon