Chapter Sixty Two

242 5 0
                                    

CHAPTER SIXTY TWO.

"ANONG NANGYAYARI DITO? "tanong nung professor ko sa computer.

Gusto ko sana silang sagutin ng 'BAKIT ANG KUKUPAD NIYONG DUMATING HAH!?' pero di ko magawa. Bad trip ang mga to kasi ee, para silang mga pulis sa teleserye na dadating kung kelan nagkapatayan na.

Nag -explain kaming lahat. Nagkasabay-sabay pa nga ang apila namin ee kaya medyo nag -init ulo ng mga professors at guard.  Pero kalaunan naman ay naintindihan nila. Nagpakilala si Drei na sundo ko siya at naabutan niya ngang ganito na ang nangyari. Si Theo naman, nagtapat na hinarangan kami ni Axcel na lumabas ng gate at pinilit akong sumama sa kanya. Kaya ayun, ang lahat ng sisi ay kay Axcel dahil mismong ako, ang tinuro ay siya. Si Leandro din, nadawit dahil sinuntok niya si Axcel. Kamuntik na silang ma guidance pero ako na mismo ang pumigil. Oo, nakakagulat man pero ayokong maguidance sila ee. Isa lang naman tong simpleng away -bata. Actually, hindi naman dapat involved dito sina Theo, Leandro at Drei. Umawat lang naman sila ee kaya sila nadamay. Ang may problema lang naman ay kaming dalawa ni Axcel kaya ayokong may maguidance lalo na yung walang kinalaman. Hayaan na lang natin sila. Pero subukan lang nilang ulitin to, hindi na ako magdadalawang isip na ipaguidance sila.

Natapos ang gulo. Si Axcel, kinuha na ng mga kaibigan niya. Si Leandro, gusto pa sanang samahan ako pero tumanggi na ako dahil may sumundo naman na sa akin ee. Tinitigan nga niya ng masama si Drei pero sinabi ko na lang sa kanya na kaibigan ko lang siya kaya naman hindi na siya nagselos at umuwi na lang kasama ang bestfriend niyang si Chochoy, ay este Ryan pala.

Kami na lang ang naiwang tatlo. Yung mga tao sa paligid namin, kumonti na lang pero patuloy ang chismisan.

"Grabe, apat yun ah! Buti nakaya niyang pagsabayin lahat? "

"Haba ng hair nung girl, pinag agawan siya ng apat na lalaki. "

"P*ta! So ikinaganda niya na yun? "

"Yiiieee!! Lakas makadyosa ng lagay ni Teresa. Siguro ang sarap ng feeling nun? "

"Agaw eksena ah! Buti nga sa kanya! Mabali sana kamay niya. "

"Landi naman nung President, apat -apat!"

"Lalaki na ulo ng babaeng yan! Syempre feeling maganda na siya dahil pinag -aagawan siya ee.. "

Yan. Yan ang mga maririnig niyo sa paligid. Yung iba kung manglait wala na sa lugar. Naririnig ko kaya! Oh sige, kayo na maganda! Hindi na ako, kayo na! Kayo na! Akala niyo natutuwa ako sa nangyari? T*ngna! Sarap magmura! Wala naman silang alam ah! Nakikinuod lang naman sila, bakit sila nambabatikos? Estudyante ba talaga sila? Kung umasta kasi sila para silang walang pinag -aralan ee! Huy di ko kailangan ng opinion niyo!

"Wag mo na silang intindihin Teresa :)" sabi sa akin ni Theo kaya ngumiti ako.

Lumabas na kaming tatlo ng school at naglakad na pero napahinto si Drei at tinignan si Theo ng matagal mula ulo hanggang paa kaya naman nailang si Theo at medyo nagtago sa likod ko. Hinampas ko naman si Drei sa ginawa niya.

"Ano ba!? " angal ko sa kanya.

"Aray! " reaction niya sabay hilot sa braso niya matapos ko siyang hampasin. "Ikaw na nga tong nanghampas ee, ikaw pa nagreklamo? " dagdag niya pa.

"Bading ka ba? Wag mo ngang manyakin si Theo!! " sita ko sa kanya. Natawa ng mahina si Theo sa likod ko tapos eto namang bading na to binigyan ako ng death glare at pagkatapos ay binatukan ako.

"Aaaw >_<"

"Abnormal! Ako bading? Kinikilala ko lang siya! " sabi niya. Weh? -.-

"So Theo pala pangalan niya? Siya ba yung boyfriend mo? " tanong niya sa akin. Nagkatinginan kami ni Theo. Siya nakangiti, ako ewan! Bakit ba kapag may nagtatanong ng ganyan, natatawa ako?

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now