Chapter Fifty Seven

286 7 4
                                    

CHAPTER FIFTY SEVEN.

"T -teresa.."

"Wag mo akong intindihin Theo, sige na, uuwi na ako. Salamat sa pagsama sa akin :) " sagot ko habang pinupunasan ang mga luha kong kanina pa ayaw tumigil tapos sabay lingon sa kabilang side. Ayoko kasing magpaawa sa kanya pero hindi ko talaga mapigilang umiyak ee. Kainis! Kanina ko pa pinipilit na maging masaya, kalimutan ang problema, at umaktong maayos pero wala ee. Nganga.

At ngayon, nakalabas na kami lahat -lahat sa bar, wala pa ding tigil yung iyak ko. Ang hapdi na kaya sa mata. Kasing hapdi ng sugat sa puso ko. Haha! Madrama ba? Oo sobra, gusto ko na nga magbigti ee </3

" Syempre, kasi kailangan mo ng kaibigan ngayon ee. At sasamahan kita dito kahit gaano pa katagal kung ayaw mo pang umuwi ngayon. "

"Haha! Salamat ah! Ikaw talaga, the best ka! Hindi ko maimagine kung siguro wala ka ngayon sa tabi ko. Baka nabaliw na ako.. " sabi ko tapos inakbayan ko siya.

"Syempre, kaya nga the best dahil ako ang bestfriend mo :D " sagot niya naman habang nakangiti.

"Haha! Hindi na kita bestfriend ngayon :)" sabi ko. Yung nakingiti niyang expression kanina napalitan ng pagtataka. Marahil nagulat siya sa sinabi ko. Pero wala namang nakakapagtaka sa sinabi ko diba?

"H -hah? " ang tanging lumabas sa bibig niya. Niyakap ko siya.

"Dahil ngayon, higit pa sa bestfriend ang turing ko sayo.."

O_____O

"HAH!? "

"Hindi ikaw ang best friend ko. Ikaw yung pinaka super duper mega ultimate best of the best friend ko sa buong mundo!! Haha!! I love you best best best best best best friend!! ^_^" super proud kong sigaw sa tenga niya at lalo pang hinigpitan ang yakap niya. Talagang mahal ko tong bestfriend ko. Now I realize, sa kanilang tatlo, siya ang pinakamatimbang. Nakagawa ako ng kasalanan sa kanya noon, sinabihan niya ako ng masakit na salita, nagalit ako sa kanya, hindi nagpansinan ng matagal, napatawad ko siya, siya naman ang nainis sa akin, nag -away ng maraming beses pero sa huli, nauuwi pa din kami sa pagbabati. Sa dami ng pinagdaanan namin, eto pa din kami, magkasama. Eto pa din siya, nasa tabi ko. Hindi dahil may special feelings siya sa akin kundi dahil matalik kaming magkaibigan. At isa lang ang nasisiguro ko, no matter what happens, maaasahan ko siya at hindi niya ako iiwan :)

Sa pagsigaw ko sa tenga niya, nalimutan kong masakit pala yun. At heto siya, hindi matakpan ang tenga dahil nakayakap ako sa kanya at hindi siya ngayon makagalaw. Haha! Natawa tuloy ako. Nung tumingala naman ako sa reaction niya. Para siyang naeeklabush na ewan.

o____O Eh? Bakit ganyan siya? May nasabi ba akong masama? Hindi ba siya masaya sa sinigaw ko sa buong mundo (ay sa tenga lang pala niya -.-)

"Bakit? "

"A-ah Teresa, alam kong panget sabihin to sa harap mo lalo pa at lasing ka ngayon at ipinangako ko sa sarili kong hindi ko guguluhin ang isip mo pero.. " huminto siya saglit sa sinabi niya at tinignan ako sa mata. Teka. Teka. Teka. Naguguluhan ako, mahina process ng utak ko ngayon. Ano bang nangyayareh!?

"Hah? Theo hindi kita maintindihan? "

"Ah.. kasi.. total nasabi mo din naman na mahal mo ako.. Ah.. tanong ko lang kung kahit minsan ba.. minahal mo talaga ako ng higit pa sa isang kaibigan?? "

('__')

Oo nga nuh? Nawala sa isipan ko ang bagay na yan. Mabuti at naitopic niya at sa wakas naalala ko ulit. Oo, minahal ko siya hindi ba? At alam niyo ang bagay na yan.

Nakilala ko siya nung intrams namin. First year college ako noon at siya, second year. Magkaiba kami ng course, hindi ko siya classmate at yung araw lang na yun ko siya unang nakita kahit pa nabanggit sa akin ni Theo noon nung magkaclose na kami na since elementary daw iisang school lang siya nag -aral. Naaalala ko pa nun, ako yung external vice president ng school year na yun at ako ang naatasang magscore dun sa volleyball game ng intrams. Pero etong si Leandrong unggoy na ubod ng papansin, hindi ko alam kung saang kagubatan siya sumulpot noon at ang kapal ng libag niya para hablutin yung score sheet na hawak ko. Wala lang, wala siyang matripan, walang magawa sa buhay kaya ako ang binuwiset niya. Syempre, score ng dalawang department ang nakasalalay dun kaya hinabol ko kaagad yung papel na hawak niya. Pero hindi ko akalain na sa gitna ng paghahabulan namin ay bigla -bigla na lang na may lalanding na bola sa mukha ko. Tignan niyo, sa kagagawan ng lalaking yun, hampas ng bola ang inabot ko! Kahit kelan talaga bully siya. Papampam kasi. Sakit kaya nun! Putok ng kilay at himatay ang nangyari sa akin nuh! Humampas pa kasi yung ulo ko sa pader na katabi ko after kong matamaan ng bola sa mukha kaya sa lakas ng impact, nawalan ako ng malay. At ang salarin, ang spiker na si Theo. That time, hindi lang ako ang naapektuhan, damay ang lahat. Natigil ang intrams ng taon na yun. Nakarating kasi kay AVP at kay Director yung nangyari sa akin ee, at dahil concern sila sa mga estudyante ay nagdecide silang itigil yung intrams para sa kaligtasan ng lahat. At yung quiz bee at sudoku na kabilang sa mga mind games ng intrams at matagal ko ng pinaghandaan, nawala. Hindi ko na nasalihan pa. Ang galing diba?

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now