Chapter Sixty Six

249 5 2
                                    

CHAPTER SIXTY SIX.

Nandito ako ngayon sa isang fastfood chain na malapit sa school namin at umiinom ng milk tea. Naaalala ko pa, dito ako dinala ni Axcel noon para ipakilala sa mga kaibigan niya. Nakakatuwang isipin dahil nung mga panahon na yun, ang saya -saya ko. Unang-unang beses ko palang mameet yung barkada niya, niwelcome nila ako ng maayos at tinuring na kaibigan. Nakabonding ko silang lahat at nakatawanan habang kumakain. Kahit first time pa lang kaming magkausap ay gumaan kaagad ang loob ko sa kanilang lahat. Nakakamiss talaga ang mga oras na yun. At ang laki na ng pinagbago namin ngayon. Nagalit ako kay Adrian dahil sangkot siya sa kalokohan ni Axcel. Si Kristina naman at ang iba pa, minsan nakakasalubong ko na sila ngayon unlike dati na hindi ko talaga sila makita. Pero kahit nakakasalubong ko sila ngayon, parang pakiramdam ko umiiwas din sila sa akin at kapag nagkakatinginan naman kami, ngumingiti lang sila ng pilit. Siguro dahil yun sa issue namin ni Axcel. Tsk! Nakakamiss talaga. Nakakapanghinayang. Pati din si Axcel, nakakamiss.

Ay ano ba yan! Bakit ko ba sila iniisip? Ilang oras na ako dito, halos mag-6 pm na samantalang pumunta ako dito umaga pa pero hanggang ngayon nandito pa din ako at iisa pa din ang iniisip ko, si Axcel. Ee sa pag -uusap ba naman namin ni Axcel kanina, talaga namang magkakaganito ako nuh! Nananakit na nga ulo ko kakaisip ee tsk!

Haaayy nako.. makapangalikot na nga lang ng cellphone para mawala naman ng konti ang stress ko..

Kinuha ko agad yung cellphone ko para maglaro na lang pero nung buksan ko yung cellphone ko, eto nakita ko :

JARAAAAANN~

6 missed calls from Theo.

Nanlaki ang mata ko ng parang ganto oh:

O____O

Dahil sa mga nakita ko. At matic namang napatayo ako at napalabas ng fastfood chain dahil nag -aaalala akong baka emergency yun. Habang naglalakad ay dinial ko si Theo. Makailang saglit lang ay sumagot na siya..

"Hello.. "

"Oh hi Teresa :) Mabuti naman at napatawag ka. Hindi mo ako sinasagot kanina ee :)"

"Ah oo nga ee. Surrrriii :"> hindi ko kasi namalayan ee. Nakasilent yata haha peace ^_^V Anyway, bakit ka nga ba napatawag ng anim na beses? May nangyari bang masama? "

"Ah wala, wala. Pumunta kasi ako sa inyo para wala, bumisita lang.. pero pagdating ko dun wala ka ee at hinahanap ka din ni tita. Hindi ka daw kasi nagpaalam ee. Nag-alala tuloy ako, asan ka ba? "

Ay shocks! Oo nga pala.. hindi ako nagpaalam kay mama. Nag -alala kasi ako na baka mahalaga talaga yung sasabihin sa akin ni Leandro ee. Nako.. lagot >.< Paniguradong tsugi na naman ako mamaya sa aking motherhood..

Si Leandro kasi ee. Ayt! Ang lalaking yun talaga -.-

"Ah. Salamat sa concern:) Sorry din sa inyo ni mama. Andito ako ngayon sa school, may kinausap lang kasi ako ee.. "

"Okay sige. At least panatag na kong safe ka. Ano? Uuwi ka na ba? Sunduin na kita.. "

"Ah oo uuwi na ako pero wag mo na akong sunduin, kaya ko na. "

"Sige na, sunduin na kita. Wala naman akong gagawin ee. Punta na ako dyan ah bye.. "

"Wait! Okay na ako.. "

"Sorry ka, nakasakay na ako :P "

Tsk. Hindi siya makulit ano?

"Sige na nga -.- "

"Haha! Sige na, wait mo ako dyan ah. Bye :*"

"Bye. "

Toooottt..

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now