Chapter Forty Eight

256 9 2
                                    

CHAPTER FORTY EIGHT.

Kinabukasan. 

Hindi ko lubos maisip kung ano nga bang idadahilan ko kay Axcel kung bakit hindi ko siya mapagbibigyan ngayon. Napuyat na ako lahat -lahat pero di ko talaga alam ang best reason na sasabihin ko sa kanya. Halos lahat na nga yata ng kasinungalingan, naidahilan KO na sa kanya. Nakakainis naman kasi ee, laging wrong timing. Pinalipas na nga ni Axcel yung galit niya sa akin tapos ngayon, gagawa na naman ako ng paraan para lang magalit na naman siya. Anak ng tokwa! Bigting bigti na talaga ako -.- Si Leandro naman, hindi ako maintindihan, puro sarili lang iniintindi. Paano na ba to? Ayoko na! Baka ngayon, hindi na ako mapagbigyan ni Axcel sa magiging kasalanan ko. Paano na ang love life ko?? 

Kaya ngayon, minabuti ko na lang na wag mag appear sa school. May meeting naman ang SSC ngayon pero pwede ko namang ipasa muna yung responsibility ko sa mga vps KO ee. Tamad ba? Hindi, pagbigyan niyo na ako ngayon lang naman ee dahil may matindi akong pinagdadaanan ngayon. Dapat pupunta ako dun para siputin si Axcel. Pero dahil nga si Leandro ang napilitang pinili ko, kawawa ngayon si Axcel. Ayoko munang magpakita sa kanya kasi nga, di ko alam kung paano makakahindi sa kanya. Wala akong maisip na dahilan. Huhuhu Axcel, sorry talaga kung iindianin kita ngayon. Sana mapatawad mo ako T.T

Maya-maya pa ay nagtext na si Axcel. Tinatanong niya ako kung asan na ako. Hindi ko siya nireply-an kahit pa may load ako. At dahil dun, tinadtad niya na ako ng text. At pati ang pagtawag, hindi niya na tinantanan. Tawag siya ng tawag pero ni isang beses, hindi ko yun sinagot. Ee ano naman kasi ang idadahilan ko? Nabobobo na ako!

Habang tunog ng tunog ang cellphone ko, dumating na si Leandro. Hindi na siya pumasok sa loob ng bahay at inantay na lang ako sa harap ng gate namin.  Agad na din akong bumaba total nakabihis naman na ako. Nung nakakababa na ako sa sala, naabutan kong nanunuod si mama at napansin niya naman na nakabihis ako. Hindi ko na siya inantay pang magtanong, inunahan ko na siya. 

"Mama.. kapag po tumawag si Axcel, please lang po wag niyo pong sagutin please.. at kung bumisita naman po siya dito at magtanong ng kahit ano, sabihin niyo na lang po hindi niyo alam. Kung pwede nga lang po wag na po kayong magsalita kung asan ako. " pakiusap ko na ipinagtaka niya. 

"Hah? Bakit? May LQ kayo? " tanong niya. At dahil sa tensyon ko na baka dumating dito si Axcel at baka makita niya pa ako pati na din si Leandro, hindi ko na nagawa pang magpaliwanag kay mama. 

"Basta po mama. Aayusin ko din po talaga to promise! Pero tandaan niyo po yung pakiusap ko hah mama. May tiwala po ako sa inyo. Alis na po ako hah, babye po. Salamat din po :)" paalam ko tas nagwave na ako ng kamay at dali -daling umalis. Iniwan ko si mama na blankong blanko sa mga nangyayari. Pero sana talaga gawin niya yun. 

Dumeretso na ako kay Leandro at umalis na kami. 

Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na din ako. 

"Hi mama. Nandito na po ako.. " sabi ko pagkadating ko tas dumeretso na ako sa sofa. 

"Nak, ang ingay ng bahay ngayon. Yung cellphone mo, iniwan mo pala sa kwarto mo, tunog ng tunog, ayun nalow bat. Yung telepono din, hindi pinaawat ni Axcel. Tapos kani-kanina lang pinuntahan ka dito. Ano bang problema? " sabi ni mama. Tama, iniwan ko nga yung cellphone ko dahil nga nangungulit siya. Ang mali ko lang, hindi ko pinatay -.-

14000 Peso BetHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin