Chapter Fifty Eight

285 8 2
                                    

CHAPTER FIFTY EIGHT.

"Teresa seryoso ka ba sa sinabi mo kahapon? Baka naman lasing ka lang? Teka, baka wala ka ng natatatandaan? "

"Ahaha! " tawa ko sabay hampas ng mahina sa braso ni Theo. Andito kasi siya sa bahay. At talagang dinayo niya pa ako dito para magtanong ng ganyan. Natawa tuloy ako! At siya naman di malaman ang reaction.

"Syempre naman! " sagot ko.

"Para san ba yang sagot mo? Na seryoso kang ayos lang sayo na hinalikan kita at bibigyan mo talaga ako ng chance? O syempre hindi ka seryoso dun at wala ka ng matandaan sa mga sinabi mo dahil sa kalasingan? "

"Syempre naaalala ko ang buong pinag-usapan natin kahapon. Syempre, ayos lang sa akin na hinalikan mo ako at syempre, totoong bibigyan talaga kita ng chance :)"

"Weh!? Talaga ba? "

"Oo, di ka makapaniwala? "

"Parang ganun na nga :D Grabe, ganito pala feeling xD "

"Nakapagdecide na ako nuh! At talagang pinag -isipan ko ng mabuti ang about dyan. Ikaw ba ayos lang sayo? "

"Teka, anong tanong yan? Syempre oo! Halata naman diba? "

"Pero, para kasing ampanget tignan. Baka kasi isipin mo na ginagawa lang kitang panakip butas. O kaya naman, pampaselos kay Axcel sa tuwing magkikita kami. Tsaka naiintindihan mo ako diba? Sinabi ko sayo na hindi ko masabing mahal kita ngayon dahil masyado pang magulo ang utak ko at nasa process pa ako ng pagiging broken hearted.. " explain ko. Inakbayan niya naman ako habang nakangiti.

"Okay lang yun nuh! Naiintindihan kita at hindi ko iniisip na isa lang akong malaking panakip butas. Hindi ko rin iniisip na mahal mo ako agad-agad. Hindi ako nag -eexpect ng sobra dahil alam ko naman na bibigyan mo lang ako ng chance. Itatry mo lang. Pwedeng maging tayo, o kaya naman hindi. Wala tayong kasiguraduhan dyan. Pero ang ikinatutuwa ko? At least tinatry mo. Siguro naman hindi ako lugi dun diba? :)"

"Salamat at naiintindihan mo ako. Buti ka pa! The best ka talaga :)"

"Syempre ako pa! But promise one thing.. "

"Ano yun? "

"Kahit ano man mangyari, mag work man o hindi yang pagtatry mo, sana hindi mawala ang friendship natin. "

"Yun lang? Psh. Oo naman! Promise :)" sabi ko. Sa tagal naming magkasama, ngayon pa ba siya magtatanong ng ganyan? Hindi mawawala ang pagkakaibigan namin. Never!

Tumingin naman siya sa akin ng matagal kaya nailang ako.

"A-ano ba? " sabi ko sa kanya sabay tinulak ko ng mahina yung mukha niya para hindi niya na ako titigan. Natawa naman siya saglit sa ginawa ko pero bumalik naman sa pagkaseryoso yung mukha niya. Anong problema?

"Ah.. paano nga pala si Leandro? " tanong niya.

O____O

Oo nga pala ano? Kamuntik ko nang malimutan. Paano nga ba siya? Teka ano bang paki ko dun? Ayt! Ang sama ko -.- Kahit papaano naman kahit selfish yun, mabait naman siya sa akin. Kaya nga napapayag ako sa wish list niya hindi ba? Ang kaso talaga, paano nga siya?

Bumuntung hininga ako.

"Hayaan mo Theo, konting panahon na lang, matatapos na. "

"Hah? Hanggang kelan na lang ba? "

"Hindi ko matandaan ee. Pero siguro next week yata. Ewan? Basta, ang alam ko, malapit na. "

"Sure ka bang kaya mo siyang iwan? "

"Hah? Oo naman! Kahit kelan, hindi ko siya nagawang mahalin. "

"Talaga ba? Natatakot ako. Baka kasi magbago ang isip mo. Baka sa huli, marealize mong hindi mo na mahal si Axcel at ang tunay mong mahal ay si Leandro.. "

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now