Chapter Forty Six

288 9 2
                                    

CHAPTER FORTY SIX. 

"Teresa, Pinapatawag tayo ni maam.. " sabi ni Theo. 

"Now na? Paano to? " Tanong ko tas tinuro yung mga papel na nasa table. Nandito kasi kami sa lobby ngayon kasama ko ang lahat ng members, gumagawa ng poster about school policy, school history, mission, vision, objectives, university hymn, at announcement para ipost sa bulletin. Maarte yung school naming bulok ee, pabago-bago ng mga ganyang posters. Kailangan every year iniiba ang designs kaya kami ngayon ang gumagawa ng kaartehan nila. 

"Hindi, mamaya pa. Iniiform lang kita. " 

"Ah okay. "

Makalipas ang 3 oras ng pagkukumpuni ng kaekekan, pinuntahan kami ni maam. Anak ng tokwa, hindi pa kami tapos sa pinapagawa nila, sinusundo na kami para sa meeting na naman. 

ANOOOO BAAA NAMAAAN YAAANNN!! 

"Ano ba to! Halos mapasma na ako kakagupit ng mga papel, pinagalitan pa tayo." pabulong na reklamo ko kay Theo. Oo, pinagalitan kami. Kanina pa daw siya naghihintay sa room, ni isang tao walang dumating. Makukupad daw kaming kumilos. Para paggagawa lang ng mga posters, hindi pa namin magawa ng maayos at nasa oras. Mas lalo pa at ako ang pinakabinalingan ng pagpapagalit niya! Hindi ko man lang daw alalayan yung mga members ko. Dapat daw time bounded kami all the time. Paano pa daw kung magtatrabaho na kami? Usad pagong pa din daw ba kaming kikilos? Tsak daw na matatanggal kami kaagad sa tarbaho. Hindi lahat ng oras mabait yung bosskatulad niya. Dapat daw advance mag -isip ngayon pa lang. Dapat daw double time palagi nang hindi magahol sa oras. Mga iresponsable daw kami. 

Tignan niyo. Siya na nga lang nag -uutos, ang init pa ng ulo! At pinapalabas niya pang mabait pa siya sa lagay niya ah! 

Edi siya na magaling -.-

Haaayy panira talaga ng araw! 

After nga niyang umalis, tinawanan na lang namin ni Theo ee. Bad trip kasi ee. Kahit ba wala akong karapatan na magreklamo dahil tungkulin ko to, aba nakakapang-init ng ulo yung sinabi niya. 

"Ano, gusto mo pakulam na natin? " bulong din sa akin ni Theo kaya natawa ako. 

Haist! Kung nasa gilid lang talaga kami ng bangin, itutulak ko talaga yun -.- (haha. ang sama ko! )

Natapos ang meeting ng siguro mga 1 oras. Hindi naman ako masyadong nakinig, nakakapagod ee.  

"Uy Teresa. Diba sabi mo, sasabay ka sa amin umuwi ngayon!?" tanong sa akin ni Theo. Tumingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Teka kasi! May sinabi ba ako? 

"Oy! Nakapangako ka! Hindi pwedeng hindi!!! " sabi niya na parang bata! Wahaha! Hindi halatang gusto niya akong kasabay ano? 

"Oo na. Wag ka ng umiyak dyan! xD "

"Whooohh!! Akala ko nalimutan mo ee :)"

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now