Chapter Fifty Three

265 9 1
                                    

CHAPTER FIFTY THREE. 

Pumasok ako sa school. Well, ugali ko naman na maglagi dito, may gagawin man ang supreme student council o wala. This time, free kami. Dati tamad na tamad ako pero ngayon kahit walang gagawin, pinupuntahan ko pa rin ang lugar na to. Bakit? Umaasang makita ulit siya at maayos yung mga kinagugulo ng utak ko. 

Nagtungo na lang ako dun sa elementary area ng university namin at umupo sa isang swing doon. Mayroon kasi doong mini playground para sa mga bata ee. Tapos nag isip- isip na lang ako.. 

Nakakainis. Minsan nga naisip ko kung may tao nga ba talagang Axcel Vin Gonzales Ysbarre na nag -eexist sa mundo? Hindi ko kasi maimagine na yung dating iniistalk ko lang na hindi man lang ako kilala, bigla -bigla ko na lang magiging kaclose at bigla na ring nanligaw sa akin kalaunan. Tapos kung kelan ko nalalasap ang sarap ng buhay dun naman biglang magbabago ang lahat at mawawala siya ng parang bula. Sa lahat ng naexperience ko, para lang siyang isang pitik ng kamay na biglang isang iglap nawala lahat. Hindi kaya isa ko lang siyang kathang isip? Ano ako, si John Nash? Sa sobrang kakaisip ng mga bagay nagkaroon ng imaginary friends? Ganito na ba ang masyadong subsub sa ibang mga bagay at kasabay ang depression kaya ngayon nababaliw na ako? Hindi pwede to, marami pa akong pangarap sa buhay! 

Okay! Ang OA ko na -.-

Pinukpok ko na lang ang ulo ko. Dami kasing naiisip ee. Puro wala namang kakwenta-kwenta. Ng bigla na lang akong may narinig na dalawang boses ng lalaki na nag -uusap.. 

"Ano pre!? Nanlalamig ka na? " sabi nung isang lalaki na obvious namang gulat na gulat. 

Teka. Kilala ko ang boses na yun.. 

Agad akong nagmasid kung saan man yung lokasyon ng lalaking nagsasalita ngayon at ayun, may nakita akong dalawang lalaking nag -uusap sa may cottage. Ang isa doon ay nakaupo sa loob paharap sa akin pero hindi ko makita kung sino siya dahil natatakpan siya ng kausap niyang nakatayo at nakaharap sa kanya. Bale yung lalaking nakatayo ay nakatalikod banda sa akin. 

"Oo ee.. " sagot nung isa. Shemay! Kilala ko din kung sino yung nagsalita! Takte, siya yata yung nakaupo. Ee kasi naman! Bakit ba ayaw ding umupo nung isa! Nakatayo pa may upuan naman, Nakaharang, ang laki -laking bara. Hindi ko tuloy masigurado kung sino yung nakaupo. Hoy tabi nga dyan! 

"Tsk. " sabi nung nakatayo at pumeywang pa ng dalawang kamay pagkatapos ay umiling-iling. Shemay! Kahit ba isang 'tsk' lang yun, alam na alam kong boses niya yun. Bakit kasi hindi siya humarap? Tsaka, ano bang pinag -uusapan nila? 

"Pre, hindi ka pa nga sinasagot ee. Talaga bang seryoso ka sa kanya? " dagdag pa nung nakatayong lalaki at sa bandang dulo ay tumagilid siya sa kausap niya. Ayun! Sa wakas! Nakita ko din yung mukha niya!! Sinasabi ko na nga ba ee, si Adrian yun!! Ah teka.. nakikita ko na rin yung kausap niyang nakaupo. Teka.. 

"Wala na, wala na siyang time sa akin! " sagot niya habang nakataas ang balikat at nakaopen ng bahagya ang dalawa niyang kamay at nakabend naman ng onti yung ulo niya. 

O______O >> :'(

Umalis na ako kaagad. Kainis! Bakit ko ba kasi yun pinag -intirisang pakinggan yung usapan ng iba? Yan tuloy, nasaktan ako. Tsismosa. Hindi ako pinalaki ng parents ko na makisali at makinig sa usapan ng may usapan. 

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now