Chapter Forty

320 12 0
                                    

CHAPTER FORTY.

"Uy. Sorry na. " - Theo. After kasi ng pagtatalo namin kahapon, minabuti ko munang hayaan siya at wag kausapin. Hindi naman ako galit. Ayoko ng mag -away kami. Nakakasawa na kaya! Tsaka, konting misunderstanding lang naman yun, hindi naman involved sa pagtatalo namin yung relasyon namin bilang magkaibigan. Ibang topic yun at ayokong maapektuhan ang friendship namin. Bestfriend ko pa din siya no matter what happens. Tinetreasure ko pa din si Theo kahit away-bati kami. Talagang nag -init lang ang ulo ko noon kaya nilayasan ko siya. Syempre, nadamay sina Anastasia ee na tinuturing ko ring kaibigan maliban kay Angelica. Pero hindi na big deal yun para sa akin. Kaysa naman sa mawalan ako ng kaibigan nuh. Opinion niya lang naman yun.

"Sige na Teresa, pansinin mo na ako. Kung ayaw mo ng advice, edi sige. Decision mo yan. Pero wag mo naman akong dedmahin. " dagdag niya pa. At ayun, lumingon ako sa kanya.

"Ayos lang yun, wag ka ng magsorry. Hindi naman ako sayo galit nuh! " sabi ko habang nakangiti. Ngumiti din siya sa sinabi ko.

"Yes! Akala ko galit ka na naman ee. Salamat :D "

"Hindi. Wag mo ng isipin yun, hindi naman issue sa ating dalawa yun ee :)"

"Sige. Pero, kung hindi mo mamasamain, tatanungin ko lang kung anong gagawin mo? Hindi naman siguro masama kung gusto kong malaman hindi ba? " tanong niya.

"Well, hindi ko pa alam sa ngayon ee. Tignan na lang natin. Ayoko kasing magpromise sa sarili ko ng hindi ko kaya. Hindi ko alam talaga, pero itatry ko." sagot ko. Masyadong magulo ang utak ko ngayon.  Yung cerebellum ko kasi nabuhol sa brain stem ko kaya naipit yung cerebrum ko at sumabog yung brain cells ko.

Tsaka, magulo naman talaga ang utak ko. Alam niyo naman yun diba? Bawat galaw ko sa kwentong to, nasubaybayan niyo. At hindi ko kinakaila na kada desisyon ko, sumailalim yan sa bara -barang proseso. Kung ano yung unang pumasok sa isipan ko, yun na yun. Hindi ko man lang iniisip kung tama ba to o hindi. Lagi nga akong naiipit sa sitwasyon diba? At nasosolusyunan ko lang ang mga problema ko sa pamamagitan nina Anastasia, Aliyah, at Grace o kaya naman ay si Angge. Wala akong sariling paraan kung paano yun maresulba. Kaya sa tanong ni Theo ngayon, WALA TALAGA AKONG IDEA. Nakadepende lang ako sa kung anong mangyare sa future. Gaya ng sabi ko, ayokong magpromise ng hindi ko kaya. Magulo ang desisyon ko. Laging nagtatalo ang guardian angel at guardian devil ko sa bawat problema ko. At lagi namang masamang konsensya ang nananaig sa puso ko. Tignan mo ngayon, nagkakandagulo na yung sitwasyon ngayon. At ayokong dumating sa sitwasyon na maiba na naman ang mangyari. Malay mo, buo na ang loob ko na magtapat sa kanilang dalawa, pero pagdating naman sa harap nila, biglang titiklop yung dila ko at hindi na naman makakaamin.

Haaayy! Ganito talaga si Teresa Ruissel humarap ng problema.. Nakakainis! Bakit ba ako ganto? Hindi kaya sa sobrang stress na dulot ng school?

Tama na nga, naloloka na ako sa kakaisip!

"Okay sige, pero kahit anong mangyari Teresa, tandaan mo na nandito lang ako, kami ng mga kaibigan mo kapag may problema ka hah. Nandito lang kami sa likod mo at hindi ka namin iiwan :)" sagot ni Theo. Wow, is it real? Is it real? Nesfruta! Real na real na real. Dandandan dalandan dandandan sarap ng real. Ay ano ba yan, napakanta na ako! Pero infernes, nagawa niya akong mapangiti ng bonggang bonggang bongbong sa sinabi niya ah!

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now